33: Feel Alive

2.9K 111 38
                                        

Tahimik kami sa kotse. Malayo ang Baguio alam ko, ilang oras pa ang bubunuin namin bago makarating doon. Sana lang at maabutan namin si Van bago niya makita si Bullet.

Napalingon ako kay Blade. Seryoso ang histura niya. Mukhang nag-iisip ng malalim. Nakakatakot nga siyang mag-drive dahil masyadong mabilis ngayong nasa highway na kami. I can't blame him, kailangan naming maabutan agad si Van.

Ang kilala ko lang na mabilis na magpatakbo nang ganito ay si Paeng. Lalo na kapag minsang tumatakas kami sa Sanctuaire papunta sa town para magliwaliw. But he's part Italian, nasa dugo yata nila ang pagkahilig sa mabibilis na sasakyan.

I sighed.

Napalingon ako uli kay Blade. He doesn't really look pure Filipino too. Baka half American? British? Or French perhaps? Minsan nga nagkakaroon siya ng french accent kapag nagsasalita ng tuloy-tuloy.

Then si Bullet naman ibang iba sa kanya. Though halos pareho sila ng features, he's laid back and easy going. And Van always points out, pang kanto ang dating.

Parang di sila magkapatid sa sobrang kaibahan. Pero sa tingin ko malapit sila sa isa't isa talaga. Nagkakagalit sila to the point na nagkakasakitan na pero nagkakasundo parin sa huli.

Huminga ako nang malalim.

I wonder if Bullet know about that drug? I remember hearing something like "nasaksakan" from him.

"Nia."

Nagulat ako ng biglang nagsalita si Blade. Napalingon ako and I gave him a questioning look.

"Nothing, I'm just worried." He said. Tuloy parin siya sa pagdri-drive.

"Huh?" Why? For what? What did I do this time?

"You're spacing out again. I've seen you do that and then you'll faint," he answered.

Napakagat naman ako ng labi. Ilang beses na pala niya akong inaabutan ng visions ko.

"Something's wrong isn't it."

I sighed. "Nothing."

"If you want to know what I know, you should trust me with yours."

Huminga ako nang malalim sa sinabi niya. He is right. That would be fair. Kailangan ko na rin sigurong ipaalam.

"Nothing. This time nothing. Nag-iisip lang ako." Sagot ko. "Last time was different though."

He just looked at me for a second at bumalik na uli sa kalye ang mga mata.

"Some visions. Dreams...and mostly nigthmares," I continued.

"Do you know how it felt when someone's invading your mind? Like some memory would just pop up in your head and you're positive that it wasn't yours. That's how."

Napayuko ako at huminga nang malalim. "It's the reason why I left Sanctuiare. It's getting frequent and am I getting out of control. Minsan, hindi ko na ma differentiate kung ano ang realidad sa hindi. At dahil sa psych ko, marami nang nasasaktan. I'm here to find out what that means. Kung bakit ko sila nakikita."

Maraming minutong katahimikan ang sumunod doon. But still, he listened, and I felt relieved.

I told Bullet about that pero iba ang pakiramdam noong kay Blade ko na sinabi. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

He didn't judge me. Hindi siya natawa. Hindi siya nagtaka.

"Bakit kina Van ka tumuloy kung naghahanap ka ng sagot?" Tanong ni Blade.

"Coincidence it might sound, pero parang dito talaga ako dinala nang tadhana," I said. "Alam kong may connection sina Van sa mga yon. I saw someone they knew na nakita ko na minsan sa mga visions ko."

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon