"Nia.."
He felt it. Malapit lang ito sa kanya. lumabas ito ng bunker taliwas sa pinagbilin niya.
Napahawak siya sa dibdib. Tumigil na yon sa pagdugo at papagaling na.
He hissed. Kailangan na talaga niyang taasan ang dosage ang gamot na ginagamit niya. Mabilis na mawala ang epekto.
"Nia!"
Sigaw niya. Delikado pa. May naramdaman pa siyang paparating na mga bampira at panigurado na--Dammit!
They found her!
Agad niyang binalik sa sheath ang espada at mabilis na tumakbo. Hindi niya hahayaang makuha nang mga yon si Nia.
They are not from the Soliels, he knew. They sounded like the Russian Coven, pero alam matagal nang burado ang coven na yon kaya imposible. O baka nasa ilalim lang sila ng iba pang kalabang covens. The Schwarze perhaps, buhay pa ang karamihan sa Coven nila. Basta alam niya na may masamang balak ang mga yon kay Nia.
Napailing siya. Nawala ang presensya ng mga bampira. Hindi na rin niya halos maramdaman ang kay Nia. Di kaya nakalayo na ang mga yon?
"Find me.."
Mahina ang bulong na yon pero rinig na rinig niya. Napakapamilyar. Like that it was embedded in his soul noon pa man.
Agad siyang tumakbo sa pinanggalingan noon. Naamoy na niya ang dugo nito.
"Nia!" Sigaw niya.
He found her.
Nakahiga ito sa lupa habang hawak ang duguang tiyan. He rushed to her side and cradled her soft body into his. "Dammit...hold on."
Lumaban ito. He can see the dead bodies. Tatlo. Mga bampira.
"Nia.."
Marahang bumukas ang mga mata nito.
"B-Blade...you came..." mahina nitong sambit. Dumampi ang duguang kamay nito sa pisngi niya. "Y-you found me...just like you promised.."
Pumikit uli ang mga mata nito kasabay nang pagbagsak ng kamay. "Nia...Nia!"
She's not healing. Alam niyang dahil iyon sa di nito madalas na pag-inom ng dugo. She won't recover in this state.
Agad kinuha ang dagger likod. Sinugatan niya ang braso at pinatulo ang dugo sa bibig nito.
Hindi ito gumalaw
It's no use. He have to do something else.
Hinigop niya ang dugo mula sa sugat. His senses felt a familliar warmth.
He tasted it. Blood. Even if it's his own, pareho parin ang epekto noon. There's no turning back now.
Wala na siyang pakialam pa sa mangyayari. Sa malalaman nito. Ang importante sa kanya ang kaligtasan nito.
Marahan niyang inilapat ang labi niya sa labi nito. He transfered the blood from his mouth to hers.
She'll live. He will make sure she will.
This time.
****
"T*ngina! Buhay na!"
Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Puting kisame ang nakikita niya. May ilaw doon na nakakasilaw at nakatapat sa kanya.
"Hoy... Tol, ano na? Gising ka na ba talaga?"
Amoy gamot ang nasa paligid. Amoy dugo din.
"W-where...am I?"
"Tagal mong nakatulog ha. Ilang taon na."
