10: Fragile Things

2.8K 131 35
                                        



It been almost a week. Hanggang ngayon di nagpapakita si Blade. Maski si Bullet hindi alam kung nasaan siya. Mukhang pinagtataguan din niya ang sarili kapatid.

I sighed, kinapa ko ang silver collar kong suot. Medyo nasasanay na din akong nakalagay yon sa leeg ko. Pero hanggang ngayon, di parin mawala sa akin ang pag-aalala.

I'm helpless without my voice. Masyado akong nakaasa sa lakas ng psych ko noon. Alam kong wala akong laban kung physical na ang pagbabasehan. Dapat pala talaga ay sumasama ako sa combat training at lessons noon sa Sanctuaire. Hindi ko naman kasi inaasahan mangyayari to.

"Nia, gutom ka na?" Tanong sakin ni Mommy G. Nandito siya sa shop ngayon habang si Van ay nasa Laguna para tingnan ng warehouse nila. Ngumiti lang ako kay Mommy at umiling.

"Hina-hunting nila si Blade, balita ko," ani Mommy. "Naglabas si Van ng bounty sa mga hunters para makita lang siya."

Napaangat ako uli nang tingin sa kanya. Agad kong hinagilap ang whiteboard ko saka nagsulat.

'Why?'

I think Van is over reacting. Para lang dito? Maglalabas agad siya ng bounty?

"Ewan ko ba. Hindi ko na siya napigilan," sagot ni Mommy sabay ngiti. "Sa tingin ko, ayos lang naman. Wala namang mananakit kay Blade eh. Kilala siya nang mga mga ibang hunters na maayos makisama. Kaso pinag-aalala niya kami nang husto. Kailangan lang naman namin siyang makita agad. He can't just put that in you nang walang sinasabi samin. Ni walang paliwanag."

All of these because they care about me. Tapos nagsisinungaling ako sa kanila. Nakakakonsensya talaga.

Hinaplos ni Mommy ang buhok ko. "Pero alam mo Nia, noong una ka palang naming nakita, parang matagal ka na naming kilala. Parang pamilyar ka na samin," sabi niya. "Kaya siguro napamahal ka na samin agad."

Ngumiti lang ako at yumuko. Ako rin naman. Pakiramdam ko, kapamilya ko na sila.

Una, akala ko dahil lang sa mababait sila akin. Inalagaan nila ako matapos nila akong makita sa container van. But then, tama siya. Ganun din ako. Pakiramdam ko, matagal ko na nga silang kilala.

"Naniniwala akong kahit ma-awaken pa ang dugo mo, hindi mo kami gugustuhing saktan," tuloy pa niya. Bumaba ang kamay niya sa collar ko. "Yun siguro ang ideya ni Blade."

Huminga ako nang malalim. Hayan na naman siya. Juni-justify na naman ni Mommy ang ginawa niya.

"He's just misunderstood Nia. Kilala ko si Blade. Madalas siyang gumawa ng bagay na siya lang ang nakakaintindi. Pero madalas, para sa ikakabuti yon ng lahat."

Tumunog ang cellphone niya kaya naputol ang pag-uusap namin. Na overheard ko pa ang kausap niya. Lalaki. Nakita ko pa ang pagngiti ni Mommy nang matamis. Parang kinikilig.

Agad akong umiwas nang tingin. That's why?! Kaya lagi siyang pustura

"Now?" nadinig kong sagot ni Mommy. "You mean now?"

Napatingin siya sa akin na parang nagtatanong. Wala naman akong reaction. "Ok, I'll be there."

Bumaling sakin si Mommy nang matapos ang tawag. "Nia baby, sandali lang ako. You know what to do here. Just text or email me pag may problema ha."

Tumango ako. Mabilis namang kumilos si Mommy. Kinuha ang bag niya at mabilis na umalis. Talagang nagmamadali.

Napabuga ako ng hangin. My love life na si Mommy. Buti pa siya.

I wonder who that guy is? Alam kaya ni Van?

Kailangan namin yung makaliskisan.

Naalala ko si Paeng. Lagi niya yong sinasabi kapag may nababalitaam siyang nagpropropose ng kasal saming magkapatid. He's like an older brother. Our knight. Our protector. Hinahanap kaya niya ako? Kamusta na kaya siya?

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon