17: Once Upon a Dream

2.9K 134 42
                                    


"Mon amour..."

That familiar voice again. Lagi ko nalang siyang nadiding sa panaginip ko kapag mabigat ang loob ko. It soothes me somehow.

Sana makilala ko na kung sino talaga siya.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos sa buhok ko. Parang totoo pero alam kong nanaginip lang ako. Nakapikit ako pero alam kong nandyan lang siya sa tabi ko.

'Forgive me...mon amour."

Bakit siya humihing ng tawad?

Bahagya akong gumalaw. Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos sa akin. Ramdam ko ang init ng balat niya. Parang totoo talaga.

Parang ayoko nang magising. Alam kong pag minulat ko ang mga mata ko, mamawawala na naman siya.

"My prince...My sweet prince..."

"Nia."

"Don't leave me..."

"I won't. I promise."

Eh?

Napabalikwas ako nang bangon nang maramdaman kong may nakaupo sa kama ko. Hindi na yon parte ng panaginip ko. Hindi na rin yung misteryosong boses ang kausap ko. Napaatras ako sa kama nang makilala kung sino yon.

"B-Blade." That devil incarnate! Anong ginagawa niya dito?

"You snore." Sambit niya. Nakangisi siya sakin. Parang wala siyang ginawa. Walang nangyari.

Pasalamat siya may collar na nakakabit sakin at saka wala na akong energy. Kundi papadapain ko sana siya sa sahig tapos sisipain ko yung balls niya! Ang kapal ng mukha niya!

Saka ako nag-s-snore?! I'm a princess, I don't snore!

Well..did I?

He just smiled. He seemed amused by my reaction.

Dammit! Nakakaasar talaga siya! Sira-ulong mamang may balbas! Kahit na mukha siyang poon, di talaga ako luluhod sa harap niya.

Err--thats not what I meant!

Damn! I need to calm down! Pati internal monologue ko nag-papanic na.

Napasandal ako sa headboard at napayakap sa katawan ko. Hindi naman niya ako minolestya habang tulog ako? Kaya ba siya nandito para ituloy na niya yon?

Oh...Oh! Do I have to undress again?

Teka! No! No!

Ayoko na! Bad siya! Hindi na yon mauulit! No way! Matapos niya akong tanggihan! Matapos niya akong iwan?!

Teka. Ano ba tong inisip ko?!

"That's not going to happen, Nia. You're a virgin." Biglang sambit niya na para bang nababasa niya ang pagwawala sa utak ko.

Wait? What? Virgin?

Napakurap ako dahil sa sinabi niya. Tuluyan nang nagising ang diwa ko.

"I don't sleep with virgins." Umiling lang siya at tumayo na. Lumayo at parang may kinuha sa isang sulok ng kwarto.

Kumunot ang noo ko. Yes, I am a virgin. I'm a high ranking princess. We are expected to preserve our purity till we found our mates. Lalo na kung madaling maamoy nang mga kalahi namin ang mga virgin pa sa hindi. It's about something in our blood I guess.

Paano niya nalaman? Is that his reason kaya di niya tinuloy yung nangyari?

"W-why are you here?" Paos kong sambit. Masakit pala sa lalamunan ang pag-iyak magdamag. Kasalanan niya. Nakakainis siya.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon