Wala na ang magkapatid paglabas ko ng kwarto ng araw na yon. Nadinig pa kay Mommy G kahapon na hindi daw nagpaalam ang dalawa sa kanya noong umalis. Hindi rin sinabi kung kailan babalik. Hanggang ngayon nga ay wala paring balita.
Nakakainis talaga. Hindi sa gusto ko silang makita, lalo na si Blade. Kailangan ko talagang makasiguro na wala silang babangitin kina Van.
Nakakunot ang noo ko habang nagdraw-drawing sa white board. I-drinowing ko si Blade. Doon ko nalang binubuhos ang inis sa kanya dahil sa pagkakabuko ko. Nakuha pa niya ang first kiss ko.
Nanlilisik yung mata doon tapos may dalang dalawang espada. Tapos galit na galit. Tayo-tayo pa yung buhok.
Tayo-tayo yung buhok?
Napangiwi ako. Mukhang taong pineapple ang naidrawing ko. Pangit. Wala talaga akong talent dito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
But--Dammit. Biglang sumakit ang sentido ko habang tinitigan ko yung drawing. Something flashed in my head.
Come with me--
Isang imahe ng lalaki ang nakita ko. Matangkad. Nakatayo din ang buhok niya tulad ng drinowing ko pero di ko maaninag ang mukha. Inaabot niya ang kamay ko at--
Wala sa loob kong naibagsak ang whiteboard sa lamesa. Napansin iyon ni Van at napalingon sa akin mula sa laptop niya. "Beh? May problema?" Tanong niya.
Agad akong umiling. Kinuha ko uli ang board bago pa makita iyon ni Van. Binura ko agad ang laman.
What the hell is that?
Lagi nalang. Parang memoryang sumisingit sa isip ko lalo na kapag na-stress ako. Kaya nga minsan ang hirap pigilan ng psych ko dahil sa mga bumubulong na yon.
Huminga ako nang malalim para kumalma.
"Boring ba? Naiinip ka na no," Sabi sakin ni Van at tumawa. "Wala gaanong pumumunta dito sa shop pero tambak naman yung orders online. Si Mommy G nga, kausap ngayon yung mga nasa factory para dagdag na orders. Balita ko, maraming kailangan ng armas ngayon kasi dumadami na naman ang aktibong hunters. May bounty kasing bago."
Oo nga, sinabi na niya sakin. Pero anong bounty?
"Kaya nga sina Blade ang courier ko ngayon, sila lang naman kasi mapagkakatiwalaan kong hunters na pwedeng kumausap sa mga yon." Tuloy ni Van.
Napangiwi ako. Nadinig ko na naman ang pangalan niya. Kinuha ko ang board at nagsulat.
'Ngusap kau Balde?' Tss. Sa sobrang asar ko balde pala ang lumabas.
Ngumiti si Van at bumalik sa ang atensyon sa laptop niya. "Hindi nga eh, lumayas agad kahapon. Bakit?"
Huminga ako nang malalim. At least di pa niya alam.
Pero kung sabagay kasi, naisip ko, pwede naman akong umalis dito at lumayo. Kaso parang ang hirap talagang iwan nila Van ng ganoon nalang. Saka kahit papaano, naging parang kapamilya ko na rin sila.