48: Trip the Darkness

2.5K 110 45
                                        

This is hopeless. Really hopeless.

Huminga nang malalim si Blade habang nakatitig sa kinaroroonan ng nest ng mga Soliel. Nasa taas siya ng mataas na water tank, halos kalahating kilometro ang layo doon.

Naaabot na niya iyon ng mga mata, tuluyan nang nawala ang epekto ng New Moon na ginagamit niya kaya bumalik na ang mga pandamdam sa nakasanayan niya.

Kung ang Fullmoon, nakakapagbigay ng lakas ng tulad ng isang bampira sa isang tao, nakakabawas naman ang New Moon ng kakayahan ng isang tulad niya. Mababawasan din ang pagkauhaw sa dugo. Mas madaling makakapag-adjust sa buhay ng isang tao. Mas madaling maiitatago ang katauhan niya.

Maliwanag ang paligid. Malayo man ang bahay, nakakarinig parin siya ng mga tawa at masayang pag-uusap sa loob ng bakuran noon.

There must be a party, he thought, may nadidinig din siyang mga tugtog. Hindi na siya nagtaka. Alam niyang sa mga panahong yon, nasa loob na si Nia. Masaya, kasama na ang pamilya.

Hindi na niya magawang lumapit ng kahit ilang distansya. Alam niyang kaunting hakbang lang, mararamdan na siya nito.

She marked him. They are bounded. May isang parte ng pagkatao niyang masaya, na kahit na alam niyang malayo siya kay Nia, may iniwan itong tanda na minsan nagkasama sila.

"Huli ka balbon!"

Boses ni Bullet pumutol sa pag-iisip niya. Hindi niya alam kung paano siya nito nasundan at kung anong ginagawa nito dito. Ni hindi man lang niya naramdaman.

"Ganda ng view dito ah."

Hindi man lang niya ito nakitaan ng kaba, masyadong mataas ang kilalagyan nila. Kung sabagay, sanay na sanay ito, ilang taon ding itong naging marksman kapag naghu-hunt silang dalawa.

Ironic actually. He was a prince, and if the proper succession rules where followed, he was supposed to be the King, vowed to protect their kind no matter what. Pero heto nga siya, hunter. Sariling mga kalahi ang pinapatay.

"Sabi na eh. Sa sobrang labsick mo, ang predictable ng kilos mo," sambit uli ni Bullet. Umupo na ito sa tabi niya. "Gusto mo bawiin si Nia, ano?"

Umiling siya. Kahit bawiin niya, di naman siguradong sasama ito sa kanya.

She loathe him now, he was sure of it. Kahit na di nito nasabi, kitang-kita niya mga mata nito iyon bago ito tuluyang lumabas ng Manor. Iyon ang dahilan kung bakit di na niya ito nagawa pang sundan. Hindi na niya nagawa pang pigilan ng sunduin ito ng mga tauhan ng mga magulang nito.

He could take her away instead of letting her go. Sa malayong lugar kung saan walang huhusga sa kanila. Sa lugar kung saan sila pwede maging masaya. Katulad nang nauna niyang plano sa nakaraang buhay nito.

But that was selfish. Ang pagiging makasarili niya ang madalas nagpapahamak sa kanya, kahit noon pa. Alam niyang mas maraming masasaktan kung itinuloy niya yon.

Kung bakit kailangan pa nilang maging magkadugo.

Huminga siya nang malalim. "Dapat kasama ka ni Van diba?" Tanong niya kay Bullet.

Ngumit lang ito nang malapad sa kanya. "Bro, sa totoong kasal namin, bestman ka," anito. "Pero nakapag-honeymoon na kami kaya malamang baby ang mauna, so ninong ka."

Bahagya siyang natawa. At least one of them is happy.

"Di ko matawagan si Mike. Pinapahanap ni Mommy G kaya ako napadpad dito. Nasa loob ba? Nakikita mo ba?"

Umiling siya. He knew Mike. Alam niyang mas malayo ang range ng mga mata nito. Kung nasa Nest yon, madali siyang makikita kung nasa paligid lang siya.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon