30: Deliver From Sorrow's Hold

2.7K 113 35
                                    

I can see blood everywhere. I can even smell it.

I was back in that dark and dirty room, doon sa Hotel Catalina. Chained and naked. Ramdam ko pa ang mahapding bakal sa mga kamay ko.

I felt heavy. Hindi ako makagalaw. I can't explain the pain that I'm feeling, parang kinakakain noon ang lahat ng nasa loob ko. Ang sakit-sakit.

What happened? Ano ba talaga ang nangyari ng mga panahong ito?

Naramdaman ko ang pagbaklas ng mga bakal. Agad akong natumba pero agad ding may isang katawan na sumalo sa akin. And I felt his warmth through his embrace.

"Elle.."

I gasped. Hard. I opened my eyes and I'm back on my room again.

Nightmares. Never ending nightmares.

Huminga ako nang malalim. Kung dati ay takot na takot akong bumabangon at nagkukubli lang sa isang sulok tuwing nakikita ko ko ang mga yon, ngayon parang balewala na.

So this is what broken feels like.

Hindi ko alam kung mabuti ba ito para sakin. Hindi ba't iyon ang goal ko, na hindi ako mawala sa sarili kung may nakikita akong nakakatakot sa mga visions ko? Na hindi ako aksidenteng makasakit?

Hindi na ako makabangon sa sobrang bigat nang pakiramdam. Masakit din ang mga mata ko, pakiramdam ko ay maga na iyon.

I cried the whole night. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Alam kong madaling araw palang ngayon, ilang oras palang ang nakakalipas. Pinilit ko nalang ang sarili kong tumayo para hindi maghinala sina Van. Baka puntahan na naman niya ako sa kwarto na ganito ang ayos.

I sighed.

Nagsimulang mamulot ng mga strawberries na nasa lapag. Maayos pa naman ang mga yon. Nakakapanghinayang naman kung di iyon makakain. Bigay pa naman iyon ni Blade.

And I sighed again. Tapos naramdaman ko na namang tumutulo ang luha ko.

I hate him. Even with these petty little things, naiisip ko parin siya. Nasasaktan lang lalo ako.

Paasa siya. Matapos kong mahulog dahil sa mga pinapakita niya, di naman pala ako sasaluhin.

I sighed for the third time. Lalo pa akong napaiyak.

I wonder what my Mama felt like noong nalaman niya ang mga kasalanan ni Papa. Na matapos mangako ay di naman tumupad?

I thought Blade was my prince, mali pala ako. Na hindi siya sa kanya ang boses na nagpapakalma sa akin tuwing natatakot ako.

Maybe he never existed. That it was all in my head at nababaliw na talaga ako.

Ano na bang gagawin ko ngayon? Mukhang hindi talaga totoo ang mga fairy tales. Wala talagang happy ending.

I was sobbing uncontrollably again. Agad kong pinunasan iyon at kinagat ang labi nang mariin.

I really shoudn't cry like this. I'm a princess. A royal blood. An heiress. Hindi pwedeng mahina ang puso ko sa mga bagay na ganito.

My sister often told me that we are born to entice men. To put them on their knees and beg to our mercy. For our love. Pero iba talaga ako sa kanya. Hindi ako kasing lakas niya.

Marahan kong nilagay sa lamesa ang basket ng strawberries. Sumunod naman na kumuha ng atensyon ko ang sword na nabitawan ni Blade sa lapag. Nasa tabi pa nito ang sheath noon.

It's unsual, I thought. Iba sa mga medieval swords that my family kept as a collection. Mahaba iyon, about four feet. The blade was narrow at the hilt and wider on the end. It was made of silver, it stings when I tried to touch it. It was really made to kill vampires like me.

Pero ang mas napansin ko, yung hilt nito. It was made of dark hard wood. There was an engraving na pamilyar sa akin.

A sun. The Soliel symbol.

I carefully push it back to the wooden sheath. Maski iyon may symbol ng Coven namin.

Anong ibig sabihin nito?

Umiling nalang ako. Masyadong magulo ang isip ko ngayon para dagdagan pa ng palaisipan ngayon.

Agad kong itinago ang espada sa ilalim ng kama ko. Napakunot ako ng noo nang may makapang isang maliit at malamig na bagay mula doon. Marahan ko iyong pinulot.

It's a glass vial. May liquid sa loob noon. It was red and transparent. Mukha ring malapot.

I remember Bullet puting something like this in his pocket. Baka ito iyon. Nahulog lang dahil sa gulo kahapon.

I wonder what is this? It looks like a drug, pero para saan kaya?

Nakarinig ako ng katok ng pinto. It was Van, ramdam ko. Agad kong inayos ang sarili ko at ipinatong ang vial sa ibabaw ng table. Pinunasan ko ang mga natirang luha sa mga mata ko.

"Nia, baby?" she called. Maharahan niyang binuksan ang pinto ko at ngumiti.

I smiled back. Kahit pilit.

Pumasok na siya sa loob. "Are you ok?"

Tumango nalang ako bilang sagot. Nilapitan na niya ako.

After Mommy G told me, medyo naiintidihan ko na si Van. I was her substitute to the baby that she lost. Na ibinubuhos nalang niya sakin ang pag-aalala at pagmamahal na para sana sa nawala sa kanya.

She was just like Mama. Oo, naalala ko talaga si Mama sa kanya. Kaya siguro ako naging malapit sa kanya nang ganito.

"Bakit parang hindi? You looked tired? Saka may eyebags ka," sabi ni Van na may pag-aalala, huminga siya nang malalim.

"Well, I know unawakened vampires are prone to this. Yung nanghihina sa init. Siguro lagi ka ring naaarawan sa shop. Maybe you should stay at the office instead."

I nodded and smiled. I will just keep pretending. Hindi ko rin alam kung magtatagal pa ako dito. Para saan pa ba?

"Nakalimutan ko palang kunin ito dito," Van said. Nakatingin siya sa mga strawberries na nasa basket. Lumapit na siya at kumuha ng isa.

"Mabuti at ok pa. Galing sa farm nila Bullet ito sa Baguio. May lupa sila doon. Siguro mas ok kung mamasyal tayo minsan--"

Napakunot ang noo ko nang bilang natigilan si Van. Nakatitig siya sa vial na nasa lamesa ko. I should have hidden that somewhere. Huli na ang lahat.

"Fullmoon."

Full..? What?

Napanganga ako. That was the fullmoon?

I've heard about that drug. Isa iyon sa naging mitsa kung bakit nagkaroon ng gulo sa amin more than twenty years ago. Nagkakaroon ng lakas at bilis ang isang ordinaryong tao nang katulad nang sa amin. He won't be turned though, my time limit ang gamot na yon. He'll stil retain his humanity.

May side effect nga lang. He won't be able to properly control his instincts. To mate or to kill.

And it's addictive. Mahihirapan ang sinomang tumigil sa paggamit noon.

"N-Nia..."

May panginginig ang boses ni Van. May nagbago sa kanya. I can sense something. Fear? Hate?

"W-where did you get this?" she asked. Napalunok siya. "S-si Bullet.."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanatili lang akong nakatayo. Nagtataka kung bakit ganoon ang reaksyon niya.

"Bullet was here...inutusan siya ni Mommy kagabi habang wala kami." She carefully took the vial in her hand.

I slowly nodded. May mangyayari hindi maganda.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon