14: Devil's Pact

2.4K 128 58
                                    

Nanatili lang akong nakatitig sa harap ng salamin. Di parin ako makapaniwala.

It is me. I am her.

Pero bakit? Bakit ko siya nakikita ngayon? Anong kinalaman niya sakin?

Kailangan kong malaman kung sino siya.

Lumapit uli ako sa salamin nang may biglang humila sa braso ko papalayo doon.

"Nia!"

Mahigpit ang kapit niya. Nanggigil.

"What are you doing?!"

Napatingin ako pabalik sa salamin. Normal na ang nakikita ko doon.

Ako na uli.

At si Blade.

Basa pa ang katawan niya. Nakatapis lang siya ng tuwalya at nakalugay ang tumutulo pang buhok. Nakatingin din siya sa salamin at nakakunot ang noo.

"What do you want?!" He hissed.

Tumingin ako sa kanya. Galit na galit siya.

Of course. I'm tresspassing in his territory. I just violated one of our sacred rules. Kahit na anak ng King, sakop parin ako ng laws namin.

Idagdag pa yung kanina. Naistorbo ko yung ginagawa nila nung girlfriend niya.

"I-I just want to..." mahina kong sambit. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. Napalunok ako. He's not wearing anything beside that towel isn't he?

"..talk.."

"Talk, huh?" Aniya.

Mabilis niya akong kinaladkad at papasok sa isa sa mga kwarto doon. Ibinalibag niya ako sa kama at dun ako bumagsak. Buti at nakatayo ako agad.

Nadinig ko pa ang pag-click niya ng lock ng pinto bago bumaling sakin.

"Talk now, Nia."

Pakiramdam ko, nasusuffocate ako. Hindi ako nasasakal ng collar pero di ako makahinga. Kinakabahan ako.

"Talk," he said. "O ako mismo ang gagawa nang paraan para magsalita ka."

Naapatras ako nang lumapit siya. Anong gagawin niya? Will he make me kneel and--no Nia!

Mahalay. Di ko dapat isipin yun.

Nakatitig lang ako sa kanya. Di talaga ako makapagsalita sa presensya niya. Nakaka-intimidate. His eyes is staring straight at me. Kulang nalang matunaw ako nang tingin niya.

Pero may napansin ako. He got a scar on his chest. Mahaba iyon. Almost to his neck. I wonder kung saan niya yon nakuha.

But then, everything is perfect. Those muscles on his chest. Those abs and--

"Hindi ka talaga magsasalita?" He spoke again. May pagbabanta na.

Natauhan ako. Hindi ito ang panahon para i-admire ang katawan niya kahit na pakiramdam ko naglalaway na ako.

"Don't tell Vanessa," sabi ko. "I just need time..."

"Time for what?!"

Halos napatalon ako sa gulat sa pagsigaw niya sakin. Nobody ever shouted at me like that. Mapapapugutan siya ng ulo ni Papa kapag nalaman niya to.

Nakita ko ang paghinga ni Blade nang malalim at pagsuklay ng buhok. "Tell me. What are you up to?"

Napayuko lang ako. Paano ko ba uumpisahan?

"I didn't mean to lie..." halos bulong lang yon. "I can talk but I can't risk my psych getting out of control with them." Kinagat ko ang labi ko.

Nanatili lang siyang tahimik. Maya-maya ay tumalikod siya at pumunta sa isang sulok ng kwarto. May mga bote doon ng alak. Naamoy ko pa ang aroma noon noong nagsalin siya sa isang baso. Uminom siya bago uli humarap sakin.

Uhm. Wala siyang balak magbihis? Iniiwasan ko talagang mapatingin doon sa part niya na yon. May nakabukol, napansin ko. Parang gusto ko nang utusan yung towel na mahulog na nang tuluyan para makita yon.

D*mn Nia! Ano ba? Focus!

"I understand that part, Nia," sambit ni Blade. Malumanay na iyon kaysa kanina. Tumingin ako sa kanya kahit na di ako mapakali.

"Pero hindi mo ba alam na nilalagay mo parin sa alanganin ang buhay nina Van habang nasa poder ka nila?"

Tumango ako. Nainitindihan ko naman yon. Kaya nga di ko sinasabi kahit kanino kung sino talaga ako. Maski nga kay Bullet noon, nag-alangan pa ako.

"You're being hunted down. Kapag nalaman ng ibang hunters kung sino ka, sa tingin mo di sila babaligtad kina Van?" Nagbago na ang tono ng boses niya. Parang may halo na iyong pag-aalala. Wala na ang galit.

"Sa tingin ko, di mo talaga naiintindihan. Money controls everything here."

Napahawak ako sa collar ko. "I can protect them if--"

"That collar stays, Nia. I've seen you used your psych. You can't control it, you just said it yourself."

Huminga ako nang malalim. Hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin.

"Pero--"

"You shouldn't be here," aniya. Lumagok pa siya ng isa sa hawak niyang baso. "Your parents are here, you already knew that. Pwede na kitang ihatid sa kanila kung gusto mo."

Umiling ako.

"A-aalis din ako," sambit ko. "Babalik na ako samin. Nag-aalala rin ako sa Papa at Mama ko..."

Di ko alam kung bakit pero parang biglang lumakas ang tibok ng puso niya nang mabanggit ko sila. Mukhang alam din niya iyon, agad siyang umiwas ng tingin sakin.

"..pero hindi pa sa ngayon."

Hindi pa ako pwede umuwi. Ngayon pa. Marami na akong nakikitang mga clues kung bakit ko nakikita ang mga bagay na yon. At kung bakit nakakarinig ako ng mga bulong.

"Why?"

Humugot ako ng hininga. "May hinahanap ako."

"Sino?"

That. I can't really tell. Hindi ko rin naman kilala ang hinahanap ko. Hindi ko rin alam kung ano. Basta gusto ko lang, matigil na ito.

Saka kung sasabihin ko sa kanya, ano nalang ang iisipin niya sa akin. He will think that I'm crazy. Na gumagawa lang ako ng kwento. Hirap na nga akong ipaliwanag yon kay Bullet.

At ibang kaso yung sa kapatid niya. Kaya ko siyang kontrolin si Bullet. Kaya kong pigilan kung magtangka siyang ipagsabi yon sa iba.

Pero si Blade, kahit noong di ko suot ang collar, walang epekto sa kanya ang pysch ko.

Bakit nga ba?

"I-It's...just.." kinagat ko ang labi ko ng mariin. Mali ang gagawin ko. Nakakababa pero kailangan.

"Please Blade. I'll do anything you want. Just let me stay."

Nakikiusap na ako. I'm a princess, hindi ako dapat ganoon. Hindi ko dapat ibaba ang pride ko nang ganito.

"Are we making a deal now, princess?" He asked. I nodded.

"Anything?"

Inangat ko ang tingin ko at sinalubong ako ng mga mata ni Blade. Madilim na iyong nakatingin sa akin. Nakita ko ring nag-igting ang panga niya. Iba na uli ang mood.

Di ko alam kung anong balak niya pero bigla akong natakot.

I'm dealing now with the devil. That's for sure.

Nilakasan ko ang loob kong sumagot.

"Yes. Anything."

Ngumisi siya at humalukipkip habang nakatingin sa akin.

"Strip."

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon