FTF #1

11.3K 183 29
                                    

Dedicated to @HaveYouSeenThisGirl. She's an inspiration!


*

Feya Shin:


"Feya!"


Sigaw nung kumag na kaninang-kanina pa ako iniintay. Syempre, kaninang-kanina pa ako nandito at nagpapaganda ng bongga. Keri na kaya 'to? Umikot-ikot ako sa harap ng salamin. Ang ganda-ganda ko talaga. ANG GANDA KO! Bumaba na ako sa maganda kong living room at nakita ko ang pinaka pangit na nilalang na nag-uusok na sa galit dahil nga mabagal ako. Bakit? Kasi maganda ako. 


"Ang tagal mong babae ka! Napaka-kupad mo! Ibabalibag na kita sa lintik mong salamin eh. Ano bang pinaggagawa mo?"

"Easy. Agang-aga HB? Syempre, kailangan kong maging maganda. Alam mo na--"

"Maganda ka na! Kaya wag ka nang magpaganda. Happy ka na? Sabunutan kita, you want? Juskolord! Sorry po, pwede ko bang itapon 'tong kaibigan ko? Nasisira na po kasi talaga ang beautiful face ko sa stress dahil dito kay Feya." At yung chaka kong friend mas lalong chumaka sa itsura niya ngayon. Mukha siyang ewan.

"Sapakin kita dyan you want?" Alok ko sa kanya. Inayos na din niya agad yung sarili niya. Tss.. kahit kailan, walang kakabog sa beauty ko.

"No way! Let's gorabels na nga!"


Siya nga pala si Jeremy "Jem" Garcia. Ang bakla, panget, at shunga ever kong bestfriend. Oh wag ka! Compliment 'yun. Swerte niya cino-compliment ko siya. Bibihira 'yan sa nag-iisang Feya Shin.


-

Lewis University

Naglalakad-lakad kami ni bakla sa campus at as usual, pinagtitinginan kami. Actually, ako lang. Aba! Syempre naman sa ganda kong ito eh lahat ay mapapa nga-nga talaga. Wala eh, ganon talaga. Mainggit kayo sa abot ng ika-iinggit niyo. The hell I care!


'ayan na ang mga feeling'

'mas maganda naman ako dyan kay Feya'

"Ay girl oh, kung mag-usap sila parang wala ka. Payag ka 'non ha? Payag ka 'non?" Pangsusulsol sa'kin ni Jeremy. Well, wala akong balak pag-aksiyahan ng oras ang mga insecure na 'yan.

"Bayaan mo sila! Mga inggit lang 'yan. Di kasi nila matanggap na mas maganda ako sa kanila. "

"Hay nako! Bilisan mo na nga. Pakembot-kembot ka pa dyan. Beauty pageant teh?"


Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad este-- pagrampa. Pumasok na kami sa room kung saan nga-nga ang boys sa'kin. Pak na pak! Kaso wala namang pogi dito. Mga mukhang unggoy ang mga boys, as if papatol ako sa kanila. No way noh.


 "Want something you can't have boys?" 


Hirit ko sa kanila. Syempre, bumalik naman sila sa katinuan nila. Ang girls? Ayun nanlisik ang mga mata at nagbulungan. Kaloka! Nagmumuka tuloy akong attention seeker. Kasalanan ko bang pansinin ako? Effortless kasi ang pansinin ko kaya mga inggit sila. 

Humiwalay na ako kay Jeremy at umupo na sa designated seat ko. Inalis ko na sa pagkakasabit sa balikat ko yung Prada bag ko. Kinuha ko ang iPhone ko at nag-text muna ako saglit sa bunso kong kapatid.


To: Firo (Mah brothaaah)

Lalaki! Bumangon ka na. Pag hindi ka na naman pumasok lagot ka kela Mommy. Susumbong kita. Bulakbol! Facundo.

Message Sent


Kung hindi ko pa kasi 'yun sasabihan, hindi na naman yun papasok. Napaka tamad! Saksakan. Nuknukan. Grabehan. Gulaman! Maya -maya lang ay pumasok na yung prof namin at oh my gawd. Nagliliwanag talaga ang paligid pag andyan siya. ANG GWAPO NIYA TALAGA! Bagay na bagay sa beauty ko. Pero nah, too old. Tsaka, I'm just appreciating his looks lang naman. Nacut off yung thoughts ko nang nagsimula na siyang mag-discuss. 


After 2 hours


"Ms. Shin, can I talk to you for a sec?"

 "Sure Sir. Wait lang po."


Omg! This is my moment. Nagpaalam na muna ako kay bakla na kakausapin lang ako saglit ni Sir Harley at alam niyo ang sagot niya?


"K."


K? K?! Ang ganda-ganda ng pagpa-paalam ko sa kanya tapos 'yun lang ang isasagot niya?! Ungas! Pagkatapos 'non ay umalis na rin si Jeremy. Mainggit ka! Maganda kasi ako kaya kakausapin ako ni Sir Harley. Oh my jelly friend. Crush niya rin kasi si Sir kaya nagsungit mode na naman. Oh well.


*


"Could you do me a favor Ms. Shin? Pa-distribute naman nito bukas?"


 Oh my god! Akala ko naman kung anong mahalaga yung sasabihin niya. Yun lang pala! Tsaka niya iniabot yung stock ng papel sa'kin. Wala naman akong magawa. Ano ba 'to? Napatingin ako sa hawak ko. Form para sa mga sasali sa competition? Pero wait, nakakaloka ha. Ganda kong 'to tapos uutus-utusan lang niya ako mag distribute ng mga papel? Turn off Sir Harley! Gosh, maha-haggard pa nga naman.


"Sir naman, bakit ako pa?"

"Ngayon lang kita mauutusan Ms. Shin. Sige na, mauna na ako sa'yo."


Psh. If I know, gusto niya lang ako makita ng malapitan. Hay nako Sir. Aish! Ipapalagay ko na lang muna 'to sa locker ni Jeremy. Kainis! Ang ganda ko masyado para mautusan lang ng ganito. Mahiya naman sila sa ganda ko noh. 

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon