FTF #24 PT.1

3.8K 31 11
                                    


*

Feya Shin:


"We're gonna be late! Bilisan mo na nga dyan!"

"Kasalanan mo noh! Pinuntahan mo pa kasi yung--  sino nga 'yun? Si..."

"Red."

"Right. Red."


Sumakay na kami ni Yvonne sa sasakyan at umalis na. 

Last day na namin 'to sa yearly charity namin kaya medyo special ngayon. Kaso baka ma-late kami. Ang dami naman kasing arte ni Pula. Sinabi ko na naman yung mga gagawin niya, pinapunta pa rin ako. 

Speaking of him, kumusta kaya 'yun?

Nabasag ang katahimikan dito sa sasakyan dahil sa biglang pagtawa ni Yvonne. What the hell? Nababaliw na siya. 


"The fck, okay ka lang ba?"

"Hindi kasi--- may naalala kasi ako-- oh gosh!" She said in between laughs. 

"Umayos ka nga!" Sita ko sa kanya. "Pag tayo nabangga! Bakit ka ba kasi nagtatawa dyan? Para kang baliw.


What the hell is her problem? Do I look like a joke?

Habang tumatawa siya ay itinuturo-turo niya ako at pinapalo-palo niya pa yung stirring wheel. Kapag kami lang talaga na-aksidente.


"Wooo tapos na ako!" Sabi niya ng nakatingin pa rin ng diretso sa daan habang hinihingal-hingal. Mabuti naman tumigil na siya!

"Gosh Yvonne, para kang tanga." Pagtataray ko.

"The phone call incident last night talaga kasi eh. Super epic talaga!"

"Shut up."


Napatawa na naman siya ng mahina. Seriously? Hindi maka-move on ang isang 'to.

Hindi ko na lang siya pinansin. Sumandal na lang ako at ipinikit ang mga mata ko.

Speaking of that guy, ano kayang problema ng kulangot na 'yun? High blood much lang? Kapal niya! Murahin ba naman kami ni Yvonne? Tapos naalala ko pa noong bigla na lang siyang sumugod sa bahay ng galit na galit pa. Hindi naman siya lasing, peo para siyang may tama. Para siyang abno! 

Ang labo-labo niya, hindi ko na siya maintindihan.


"We're here!"


Tss. Why am I even thinking about him? 

Leche. Hindi ko rin alam. Bakit nga ba? Is it because he's always there to annoy me? Kapag wala siya at yung mga pang-aasar niya, pakiramdam ko may kulang. At dahil doon, hinahanap-hanap siya ng sistema ko. Nakakatanga. Hindi ko alam! Leche. 

Fck. I hate to think na baka nga ganon. Is it? Do I really feel that way?

Am I starting to like that annoying, freak, and weird guy?


"Hey!"


If that's the case, then I shall be fine right? It's not like I'm in love with him. Duh, there's a huge difference between liking and being in love with a person.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon