Short message, babaguhin ko na ang style ng paguupdate ko. I mean, style ng pagsulat ko. Yun lang, bye~! Muah!
Feya's Point Of View:
"Ehem.."
Sh*t. Ako ba talaga yung kanina? Parang.. parang hindi ako. Di pa rin ako makapaniwala. Yung dating asungot sa buhay ko, akalain mo.. boyfriend ko na ngayon? OMAYGAD! Actually.. kanina lang. Minutes ago.
"Ehem.. ehem.."
Nakahawak ako sa lips ko. I just can't believe that I kissed that ugly creature. Parang The Frog Prince lang. Gumwapo kasi siya after nung ano.. yun. Hahaha! Okay may konek.
"Bumblebee.."
Parang sasabog na yung internal organs ko. Mwahaha! Alam kong parang tanga na ako dito na nakangiti. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Masaya, kinakabahan, kinikilig, actually na sa state of shock pa talaga ako. Nawala lahat ng galit. Oh, yung mga sinabi nga pala ni Fiona Gorilla, IT'S NOT TRUE. He explained. Di niya rin alam kung bakit siya sinisiraan nun.. pero at the end of the day.. dito rin ang bagsak. Dapat nga makikipag-ayos lang ako kay Frog Prince di ko naman akalain na sa pakikipag-ayos ko, magiging KAMI.
OO KAMI. KAYA SORRY READERS, NAUNA AKO. Mehehe..
Umaygad! Haba ng hair ko. Ang ganda ganda ko. Lalala~
*boogsh*
"Ang ganda ko mygad! Ouch.."
"Bumblebee, are you okay?"
Lumapit sa'kin si dear father. Good Lord, kanina pa ba siya nandito? Nakita niya ba yung BALIW version ng nag-iisang diyosa na Feya? Nakakahiya.. (/___\)
Inalalayan ako patayo ni Daddy. Peste't nadulas pa. Sorry naman, natatanga.
"My butt hurts."
"Ikaw kasi eh.. ano bang nginingiti-ngiti mo dyan?"
Napalaki naman tuloy yung napakaGANDA kong ngiti.
"Dad, guess what? May boyfriend na ako."
Hinawakan ang magkabilang braso ko. Uh oh.. papagalitan niya kaya ako? Grounded? Oh my god hindi 'to pwede. Makipag-break na lang kaya ako? Bawiin ko na lang yung kanina.. Eh.. pero ayoko! No way! Ipaglaban ang karapatan ng MAGANDA. *raises hand* XD
"Feya.."
Nakooo. Inaaang! Mukhang seryoso ang ama ko. Nakakatakot. Pag nagseseryoso kasi 'yan, talagang literal na nakakatakot. Swear! Bihira lang kasi 'yan magseryoso si Dad..
"I saw you kissing a guy sa labas.."
Napalunok naman ako. Yung talagang maririnig mo. Sasagot na ako ng biglang magpout ang ama ko. Oh God! This always gets me.. unfair.. hmpf!
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...