FTF #30

3.2K 37 17
                                    

Fiona's Point Of View:

I smiled to myself. Ano ka ngayon Feya? Aaaw. Poor thing. Bwisit siya ha, muntikan ng masira ang nails ko kanina. Isa pa yung babae na 'yun. I don't know her but she also got into my nerves. Buti na lang dumating sila Yandrei. At buti na lang matalino ako at naisip kong magpilay-pilayan.

Siya ang nagmukhang masama. Ako ang nagmukhang kaawa-awa. Pero dapat talaga hindi ko gagawin yun. Hindi lang ako nakapag-pigil. Ngayon hindi ko na alam kung paano ko gagawin yung plano ko.

Kailangan kong pakipagbati sa kanya. I'm sure I can make her fall for my trap once again.

"Okay ka na ba? Kailangan ko na kasing umalis."

"Uhmm.. could you just stay for a little while pa? Ang boring kasi dito. Wala akong kasama."

Andito kami ni Yandrei ngayon sa tapat ng bahay ko. Inihatid niya ako kasi nga may PILAY ako. Fake fracture to be exact. Tinext ko na rin yung iba na hindi na matutuloy yung performance namin mamaya.

"I can't, I have to go. Babalik pa ako sa school niyo."

"Pero..."

"Ihahatid na lang kita papasok sa loob."

"Fine."

Pagsuko ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Kinalas ko na yung seatbelt ko. Lumabas na siya ng sasakyan at inalalayan ako pababa. Ha! Now I can say that I'm a really good actress. Pumasok na kami sa loob...

*chup*

I kissed him on the cheeks. Nahalata ko na nagulat siya pero binalewala niya na lang yun.

"Thank you."

"Ah ano.. uhmm.. sige na. Ako na ang humihingi ng sorry sa nangyari kanina. Bye."

Tumakbo na siya palabas ng bahay at umalis na. And once again, I smiled to myself. Just wait Feya dear. Mapapapunta na sakin lahat ng sayo na dapat sakin. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang pinaka importanteng tao sa buhay ko..

Nakailang ring din bago niya sagutin..

"Hi mom..."

*

Yandrei's Point Of View:

Ah shit shit shit. Umayos ka ngang GWAPO ka. Ano ba yang pinaggagagawa mo?! Puchang bakit ako hinalikan nun? Alam naman niyang gusto siya ni Red. Si Red na bestfriend ko. Tangina. Binilisan ko na ang pagdadrive ko. Baka maabutan ko pa siya. Hintayin mo ako Feya. Hintayin mo ako.

Aaminin ko. Mali din yung ginawa ko kanina pero mas mali naman sila diba? Hindi nila kailangan manakit. Nagkapilay pa tuloy si Fiona. Asan ba kasi kanina si Red?! Tangina pinalala ko pa ata ang sitwasyon kanina. Tanga mo Yandrei. Tanga mo.

Nang makarating na ako sa school, agad na akong tumakbo papasok sa loob. Medyo madilim na rin pero mas gumanda yung lugar.

Tumakbo lang ako ng tumakbo...

*boogsh*

"Oh Andy. San ka galing?"tanong ni Kai. Nabangga ko siya. Ah leche ang sakit.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon