This is it. Char lang~
*
Feya's Point Of View:
Ano namang ginagawa niya dito? Quarter to 10 na kaya. Buti na lang nakajacket siya. Ang lamig lamig kaya. Nakatitig lang kami sa isa't-isa, nawiwindang na naman ang BEAUTY ko.
Napagulat na lang ako sa ginawa niya...
"Oyy alam kong MAGANDA ako. Tsumatsansing ka na sa'kin ha.."
"1 minute lang.."
"1 minute mo mukha mo."
Tapos tinulak ko siya. Yakapin ba naman ako? Napapano naman 'to? Di ko magets, kung nakahithit ba 'to ng kung ano or sadyang may tama lang.
"Problema mo? At ano namang ginagawa mo dito?"
"Wala lang. Trip ko lang, bakit ba?"
"Whatever."
Lalakad na sana ako para iwan siya dun pero hinawakan niya ako sa wrist ko.
"Samahan mo ako. Ice cream tayo, my treat."
"Ano na namang trip mo ngayon?"
"Masama bang mag-ayang mag-ice cream?"
"Pshh.. fine."
Lumakad na lang kami. Keri na 'yan, gabi naman. 'Di halatang pambubuyog mata ko. 'Di ko nga rin alam sa sarili ko kung bakit iniyakan ko kanina yung mga simpleng bagay. Nahahawa na ako sa ka-alienan ng mga nakapalibot sa'kin.
So ayun nga, naglakad na lang kami. Buti na lang may malapit na ice cream parlor dito sa village namin.
*
Walanghiya talaga 'tong Pula na 'to.. Pasalamat siya bespren ko siya. Pahiran ba naman ako ng ice cream. Isip bata, sarap kutusan..
"Langya ka talaga. Masasampal kita. Argh peste! Ang lagkit." kinuha ko yung tissue sa lamesa at pinunasan ang MAGANDA kong face.
"Ito naman.. pinapasaya ka na nga, di pa maappreciate."
Nginitian ko siya. A very sweet but full of sarcasm smile. Leche, mukha ba akong nasisiyahan? Hmm... pwede na rin. Atleast medyo, nakakalimutan ko yung mga nangyare.
"So ano.. okay ka na ba? Tapos ka na bang umiyak?" sabi niya at isinubo na yung natitirang cone niya.
"Why do you care?"
Bakit nga ba? OA na sa pagka-concern 'to sa'kin eh. Di baga abalahin na lang kung pano niya makukuha yung walanghiyang Fiona na 'yun. That bitch. Kung pwede lang kontrahin 'tong si Pula na wag na lang si Fiona... kakaawa siya dun eh.
"I hate seeing girls cry. Lalo na pag mahalaga sa'kin yung babaeng 'yun."
Ang GANDA ko talaga. Bwahaha. Crush talaga ako nitong si Pula eh. Wag ng kumontra, baka masampal lang kita..
"Haha katawa.." tapos nagfake cheer pa ako. "..pero seryoso, bakit ka nasa village kanina? Dun ka ba matutulog sa inyo?" LECHE! Ang sarap talaga ng ice cream. Nomnomnom. Pero mas leche kasi imbis na ice cream ko ang matunaw, AKO yung natutunaw. Makatitig siya eh.. ganun na ba talaga ako KAGANDA? Kailangan ko na bang magpasabog ng KAGANDAHAN?
"Di ako makatulog, kaya binalak kong pumunta na lang sa inyo. Fortunately, nakasalubong kita."
"Ahh.." walanjong sarap talaga ng ice cream. Sorry ha, sinisingit ko pa. Eh ang sarap talaga eh. Meheyyy. "..di ka rin naman makakapasok, andito na parents ko."
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...