FTF #20

4.2K 39 9
                                    

-


Feya Shin:


Andito na kami ni Kulangot sa tapat ng bahay ko. Thank god ibinaba niya na ako. 

Paano ba naman kasi,  hindi na niya hinawakan yung hita ko ko kaya naman nagmukha akong unggoy na nakasabit sa kanya. Parang tanga talaga! 


"Oh." Walang gana niyang ini-abot sakin yung bracelet. Hinablot ko kaagad sa kanya yun, baka hindi na naman ibalik sa'kin eh. 

"K thanks! Uwi na. Shoo!"


Pagtataboy ko sa kanya. Bubuksan ko na sana yung gate para pumasok  sa loob pero bigla akong hinigit ni Yandrei palapit sa kanya.


"I forgot to say good night."


Unti-unting niyang inilalapit yung mukha niya sa mukha ko. The hell?! Hindi ako makagalaw sa sobrang kaba at dahil na rin sa higpit ng pagkakahawak niya sa'kin. Hahalikan niya ako ba ako?! 


"Feyaaaa! Gumising kaaaaa!"


Napabangon naman ako. 

What the fck was that? Sht. Thank you Jem! Oh my god, you saved me. Oh my good lord, bakit ganon ang panaginip ko?! Isang malaking bangungot. Napasabunot na lang ako sa buhok ko at napahilamos sa mukha ko. 

For pete sake, tantanan mo na akong Kulangot ka!


"Anyare sa'yo teh, bakit ganyan fes mo? Mukha kang nakakita ng chenes sa dreamland!"

"Ang aga Jeremy, wag mo akong simulan! Ano bang ginagawa mo dito? Sembreak na sembreak ang aga-aga mo."


Pero buti na lang talaga at binulahaw ako ng baklang 'to. Kung nagkataon, matutuloy yung nakakasuka, nakakadiri at makapanindig balahibong panaginip na yun.


"Teeeeh! Ang beauty ko. I can never be a tomboy, as in never talaga! No! Puh-lease lang noh."

"Teka nga Jeremy ha! Pwede bagang linawin mo yang mga sinasabi mo?"

"Okay, okay. Inhale... exhale--"

"Teka! Wag mo ng ituloy yang breathe out na yan, bad breath alert!"

"Che! Eto na nga. Bestfriend naman kita diba? Kaya please teh, tulungan mo ako!"

"Saan ba kasi?! Linawin mo nga. Sasampalin na kita dyan."

"Oo na, oo na. Ito na nga!"


Huminga muna siya ng malalim at pumikit. Ang daming kaartehan ng baklang 'to. Ano ba talagang problema nito at ang aga-aga niyang gumora dito sa house.


"Ganito kasi. Rememeber Ella? 'Yung sunod ng sunod sa'kin?" Tumango naman ako sa kanya. Oo tanda ko yung girl na 'yun, lagi nga kasi siyang naka-sunod dito kay Jeremy. "My pink gosh teh, liligawan niya daw ako!"

"What?! Seryoso ka ba Jeremy?"

"Do I look like I'm kidding? Kaya nga dito ako pumunta kasi 'di pa niya alam 'tong bahay mo."

"Hindi niya pa alam? So aalamin niya, ganon?"

"Yas gurl! Yas! Bahay ko, bahay nila Darla. Gosh! Kinakaibigan na nga niya si Darla. Everywhere I go, andun siya."

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon