*
Red Sandoval:
Sa totoo lang ay unti-unti na akong nawawalan ng plano. Yung sabi ko na may alas pa ako, cover up lang 'yon. Sign na ba 'to para sumuko ako? Ewan ko. mahal ko pa rin siya pero medyo nakakapagod din palang humabol ng humabol at mangulit sa taong wala naman balak magpahabol sa'yo.
Ralph Edward Sandoval, ang leader ng Westminster Wolves. Leader sa ka-martyran at katangahan.
Ayun na ang label sa'kin ng mga gago kong barkada. Ewan ko na! I even tried texting her. Good thing na hindi pa siya nagpapalit ng number niya. Kaso, olats bro. Hopia. I know that she's ignoring me pero hindi ko talaga mapigilan. Siguro iisipin ng ibang tao, creepy stalker na ako. Aba, sa gwapo ko naman bang 'to pagkakamalan ba nila ako? Tsk.
Nabaling ang atensyon ko sa phone ko nang bigla itong tumunog. Pakiramdam ko ay mapipilas na ang bunganga ko dahil sa sobrang pag-ngiti ko. Tumatawag siya dude pare chong! May himala! Agad ko naman itong sinagot.
"Fiona, napatawag ka." Medyo pa-cool kong bungad, pero pakiramdam ko ay rinig pa rin ang excitement sa boses ko.
"Red, let's talk." Seryoso niyang tugon sa'kin. Medyo kinabahan naman ako.
"Sure. Kailan ba?"
"Later. I'll message you kung saan. May tatapusin lang ako."
"Alright."
Bumangon naman ako sa pagkakahiga ko at nag-inat. Dito na ako nakatulog sa sofa ko. kagabi. Inilibot ko ang tingin sa paligid ko. Naknampota, napaka kalat. May mga leftovers pa ng pizzza. Dumayo kasi dito yung mga gago kagabi, ang kakapal ng mga pagmumukhang iwanang madumi at makalat 'tong condo ko. Pagsisisipain ko talaga yung mga 'yon.
Habang naghihintay sa message ni Fiona, nilinis ko na muna ang mga kalat, pasalamat sila mabait, masipag at gwapo ang leader nila. Naligo na rin ako para maghihintay na lang ako mamaya ng oras. Hindi ko mapigilang hindi ma-excite sa mangyayari. Ano kayang pag-uusapan namin? Magkaka-reward na ba ako sa efforts ko? Nagbago na kaya ang isip ni Fiona?
*
"Red, just stop. Hayaan mo na ako. Ayoko na, tama na. Wala na. Past is past, kaya itigil mo na. I'm sorry, wala ka ng mapapala sa'kin. Just let me go."
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sinabi ni Fiona kanina. Oo, masakit. Pero may part din sa'kin na ewan. Na parang ayos lang. Ang gulo ko rin. SIguro inexpect ko na rin na at some point, papatigilin niya na ako. Haaay. Kailangan kong i-respeto ang gusto niya. Kailangan kong maintindihan na hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin.
Dire-diretso lang ang paglalakad ko dito sa mall nang biglang nahagip ng pamilyar na mga pigura at boses ang atensyon ko.
"Jeremy, ang saya ng date natin diba?"
"This is not a date Ella, wag kang ngang assumera. Sinundan mo lang naman kami ng pinsan ko kaya please behave." Kitang-kita ko ang pag-irap ni Jeremy dito kasama ng pagpilantik ng mga daliri niya.
"Ate Mia don't get mad at me ha, pero bagay kayo." Pagbibiro ni Darla sa pinsan niya. Hindi ko maiwang hindi mapatawa sa usapan nila. Tila nalaglag naman ang panga ni Jeremy sa sahig dahil sa sinabi ni Darla.
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...