FTF #28

3.5K 42 13
                                    

Fiona's Point Of View:

"So yung kinukwento mo sa'min na girl ay yung girl na like ni Andy?"

"Ay hinde, baka ako. Ako. Kakasabi lang diba?"

Kahit kailan talaga tatanga-tanga 'tong si Margaret. Dumadagdag pa sa init ng ulo ko. Bwisit naman kasi yung si Feya. Lagi na lang siya. Pero syempre, papatalo ba ako sa kanya? I have my plans. Plans to make her life miserable and a living hell. I swear, she's gonna have to sleep with her one eye open.

May nalaman ata ako nung nagpunta ako sa Los Angeles nung sem break. Hmmm..

Nag-iinom kami dito nila Chloe at Margaret sa mini bar dito sa bahay. Pampalipas oras. Pampaalis ng asar. God! Para akong binuhusan ng malamig na mlamig na tubog nung narinig ko yun. Na si Feya pala yung gusto ni Yandrei. So siya pala yung nakita nung dalawa na kasama ni Yandrei. Shit.

"Oh babe.. c'mere."

"Ayan na naman sila. Tsss.."

Dumating kasi yung boyfriend ni Margaret. Well, pinasadya ko talaga na papuntahin yun dito. I have my reasons..

"Dala mo?"

"Yes ma'am."

Tapos iniabot niya na sa'kin yung pinapadala ko sa kanya. Siguraduhin niya lang na effective 'to kasi baka siya ang malintikan sa'kin.

"Siguraduhin mo lang na.. this thing works. The week after this na nakaplano ang lahat."

"Garantisado yan. Swear."

"Then good."

Hmm.. tingnan lang natin kung sino ang mananalo ngayon. Ininom ko na lang ulit yung margarita ko at napangiti sa sarili ko. Si Chloe, walang pakealam sa mundo. Pumapangalawa yan sa'kin eh. At si Margaret, ayun nakikipaglandian sa boyfriend niyang mukhang aso. (-_-)

We'll see my dear friend... FEYA.

*

Feya's Point Of View:

Lahat na ng cuss, ibinabato ko sa kanya. Sa kanila nung mais niya. Eh bakit kailangan sa harapn ko pa? Di niya ba alam na ang sakit. Oo masakit. Ay oo nga pala, paano niya malalaman na nasasaktan ako eh hindi niya nga pala alam na gusto ko rin siya. OO. Gusto ko siya. At ngayon, WALA NA AKONG BALAK IPAALAM SA KANYA. Magsama sila nung mais na 'yon. Parehas malalande.

Imbis na sa CR ako magpunta eh lumabas na lang ako. Uuwi na lang ako. Pupunta ako kela Pula, kaso baka wala siya dun. Baka nasa condo niya siya ngayon kasi umuwi ang parents niya. Ah bahala na..

"Woyy! Fanget, saan ka pupunta?!!"

Automatic na napatigil ako sa paglalakad. Puchaness, Feya gumising ka nga. Lumakad ka... lumakad ka... PAK di ko magawa. At PAK din kasi tumulo na yung luha na kanina ko pa pinipigilan. Pinunasan ko yung luha ko at lumingon sa kanya.

"Why do you even care? Bumalik ka na dun. Baka inaantay ka na ni YanYan!"

Medyo nanginginig yung boses ko nung sinabi ko yun. Napakunot naman yung noo niya. Walanghiya ka Yandrei, ano bang ginagawa mo sa'kin? Ngayon ko lang naranasan lahat ng 'to. My life was VERY perfect nung hindi pa kita nakikilala. Pero you made it complicated.

"Naiyak ka ba Fanget?!"

Great. Thanks rain. Buti na lang umulan. Hindi niya na mahahalata. Tatakbo na sana ako pero tumakbo na rin siya palabas at niyakap ako. So ano 'to, drama sa ilalamin ng ulan? Cliche. Shet. Tinulak ko siya. PAKYEOL siya.

Pagkatapos niya akong iwas-iwasan at layasan. Pagkatapos niya akong gaguhin bibigay na agad ako sa yakap niya? Aba naman.. MANGARAP SIYA. Masyado ata akong MAGANDA para basta-bastahin na lang.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon