FTF #10

5.1K 62 5
                                    

Yandrei Drew Lopez:


"Please kuya? Tsaka alam mo ba, kasama yung ate ni Firo, ang ganda-ganda kaya nun. Sumama ka na. Please? Pretty pretty please?"


"Matatanggihan pa ba kita?"


Ang kulit-kulit naman kasi nitong si Darla. Di ko naman yan matanggihan. By the way,  Yandrei Drew Lopez nga pala. But you can also call me Andy, if you want. Explain ko nga pala muna yung physical appearance ko. Gwapo, sobrang gwapo, napaka gwapo---


"Oyy kuya! Tulala ka na naman dyan. Sumunod ka na lang ha. Call me na lang!" 

"Oo na. Go on, be safe."

"Yes sir. PM ko na lang sayo yung place. Sunod ka ha!"


Simula nung nagka-boyfriend yang kapatid kong yan, lagi na yang wala dito sa bahay. Lagi rin absent, tamad-tamad. Hindi ko mapagsabihan! Ang gwapo-gwapo ng kuya niya, hindi man lang makinig sa'kin.

Umakyat na ako para maligo. Hinubad ko ang shirt ko saka humarap sa salamin. Worth it naman ang pagtambay-tambay ko sa gym. Ang hot ko talaga. Hays. Kinuha ko na yung nakasabit na towel sa may higaan ko at pumasok na sa banyo para mag-shower. Dinala ko rin yung phone ko sa loob, can't miss those messages. I really like talking to this girl. Her name is Feya, kaibigan ng cousin ko. May pagka-bugaw talaga yung Jeremy na 'yun. Single daw kami parehas kaya binigay niya sa'kin yung phone number ng friend niya. Wala namang masamang i-try diba? So I did. So far, so good naman ang nangyayari.


*


Naglalakad-lakad ako ngayon dito sa mall. Sht lang kasi ako yung pinagmamadali nila, pero ako pa ang nauna sa kanila. Badtrip. Sa hindi kalayuan, nahagip ng paningin ko ang isang napaka pamilyar na babae. Teka nga, si Fiona ba yun? Naningkit yung mata ko, siya nga. Classmate ko siya since high school. Long time no see ah! Dahil mabait ako, mangangamusta ako.


"Hey Fiona!" Lumingon naman siya sa'kin kaya naman lumapit na rin ako. Medyo nagulat pa siya pero napalitan rin ng ngiti nang makilala niya ako. 

"Yandrei! Omg, how are you?!"

"I'm doing well. Ikaw, how's it going? Tagal nating di nagkita ah."

"Okay lang naman. Eto, nag-aadjust sa bago kong environment."


Inaya ko muna siyang mag-coffee kasi di pa naman natawag si Darla. Naputol ang kwentuhan namin nang tumunog yung phone ko. Darla calling. Nag-excuse naman ako kay Fiona saka ko sinagot yung tawag.


"Kuya, andito na kami. Na-receive mo naman siguro yung text ko kanina? Bilisan mo na."

"Okay okay! Punta na ako. "


Gusto ko pa sana makipag kwentuhan kaso kuya duties is calling na kaya nagpaalam ako kay Fiona na mauuna na muna ako. Pero bago ang lahat, bibili muna ako ng Nerds. I won't last a day without Nerds. Nag-text muna ako kay Darla na may bibilhin lang ako saglit para naman hindi sila mag-mukhang ewan na naghihintay ng ungas niyang boyfriend. Tss. Good looking din naman yung lalaki na yun pero syempre mas gwapo pa rin ako.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon