FTF #29

3.4K 42 30
                                    

Feya's Point of View:

(1 week after...)

Pakinteyp. 

Yan yung unang word na nasabi ko pagkabangon na pagkabangon ko. Ngayon nga pala yung school fest, kaya pala puro missed calls nila Gem at nung iba ko pang classmates nung tiningnan o yung phone ko. Naalala ko lang dahil binasa ko yung message ni Fifi na may practice kami. Magpeperform kasi mamaya ang Lewis Lioness. 

Papasok na sana ako ng CR kaso bigla namang tumunog yung phone ko. Napaka talaga netong si Gem eh.. iritado kong dinampot yung phone ko at sinagot.

"Oo na Jeremia! Malili---"

"Oyy Fanget, anong Jeremy? Yandrei 'to sira."

"Kulangot! S-sorry, akala ko kasi si Jeremy kasi kanina pa nagmimissed call sa'kin 'yun." 

 Sabi ko at napakamot sa batok ko. Agang-aga bubulahawin ako ni Kulangot, emeged.

"Natanggap mo ba yung pinadala ko dyan kahapon? Di na ako nakatawag kasi GWAPO eh."

"Ang hangin po. Opo, pinaghatian nga namin ni Firo. Thanks!"

"Good. Maligo ka na! I'll see you later."

"Huh? What's with the, I'll see you..."

Hindi niya na ako pinatapos magsalita at ibinaba niya na agad. Anong 'I'll see you later'? Ahh.. Ahhh... oo nga pala, school fest which means pwede ang outsiders mamaya sa school. Okay. 

Kung itatanong niyo kung ano yung pinadala niya, yun po ay napakaraming NERDS. Buti naman alam niya ang gusto ng MAGANDA. Ayoko ng mga chocolates na kaartehan. Kakasawa na 'yun mga ugly creatures. Cheap. 

Makapaligo na nga.

 *

 "Feya!/Friend!" 

Pambungad sa'kin nung dalawa. Si Gem at Ella. Pansin ko lang laging magkasama 'tong dalawang 'to. Awchuuu, baka nagbibinata na si Gem pero di pa sinasabi sa'kin. Hahaha. Pero eew pa din pag naiimagine ko na ganun nga. Hirap paniwalaan..

"Inaaway na naman ako ni Jeremy my loves.." sumbong sa'kin ni Ella na nakapout. Siya na cute. Pero mas CUTE at MAGANDA pa rin ako. Kokontra?

"Excuse me teh, eh kung hindi ka lumalambitin sa'kin hindi kita tatarayan. Duuuh." malanding sabi ni Gem. Binabawi ko na yung sinabi kong nag bibinata siya. Dahil mas babae pa siya sa'min. Mukhang malabo na na maging lalake 'tong baklang ito.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nila, tinanong ko na lang kung nasaan si Fiona. 

"Practice room. Kanina pa 'yun doon, feel na feel niya ateng."

Napangiti na lang ako kay Gem at lumakad na papalayo sa kanila. Pero bago pa ako umalis ng tuluyan, lumingon muna ako sa kanila..

"Gem, dadating ata ang Westminster Wolves. Bye!"

Tapos umalis na ako. Medyo narinig ko pa yung pagtili ni Gem. Hahaha. Tiba-tiba na naman sa mga gwapo ang baklitang 'yon. Pumasok na ako at syempre chin up, MAGANDA eh. Tapos lahat ng madadaanan ko ay tumatabi. Dapat lang. Bawal silang humarang sa daan ko. MAGANDA kasi ako.

*

"Feya dear, morning." bati sa'kin ni Fiona na medyo halatang may plastic na smile. Tch, I don't care. She's doing some stretchings chuva chenes. Isa pa 'yang flexible eh. Balibag ko kaya? Joke.

"Pratice na tayo?" tugon ko with matching eyesmile. Nako, GV na GV ako ngayon. Wag kang eepal at baka yabugin kita. Nagtali muna ako ng sapatos ko.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon