FTF #44

286 7 9
                                    

It's been years. Wow, I don't even know where and how to start. Hahaha. Una sa lahat, sorry to keep you guys waiting for a very very long time. I'M VERY VERY SORRY. Nawala ako sa momentum ko huhu. I know it's been ages but still, super duper thank you dahil inaabangan niyo pa rin to. So here I am. I'm back! Let's continue the story, shall we?

xxx

CHAPTER 44

FEYA'S POINT OF VIEW:

"Can I join you guys for dinner?"

Napatingin kaming lahat dun sa nagsalita. Isang lalaki. He's the spitting image of Clark. As though I am looking at Clark's future version, 25 years from now. His face looks radiant and he stands with full strength and authority. His masculine aura depicts that of Greek God. His presence alone demands attention. If I'm not mistaken, siya ang asawa ni Tita Viviane. Si Tito Benjamin. Wow.

"Dad!"

Sigaw nung kambal. Wow lalo. Ang weird lang lalo na tong si malditang Amethyst, nagttransform na para siyang si Emerald. Nginitian naman sila ng daddy nila. Naalala ko ganyang-ganyan dinang scenario namin ni Daddy Felix pag uuwi siya. Hays, I miss him. I miss my Dad, Firo and my Mom. I miss them so bad but I know I don't belong there anymore. I don't even know my real family. Lumapit siya sa lamesa at binigyan ng halik sa noo si Tita Viviane at saka inilabas ang isang bouquet ng flowers. How sweet! Such goals.

"My number one girl, flowers of course."

"OMG! How to be you mommy? I wanna have a boyfriend like dad." Sabi ni Emerald.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang word na boyfriend. I suddenly remembered him. And when I say him, lahat ng pinagsamahan namin at nangyari ay unti-unti na namang naglakbay sa isipan ko. Sariwang-sariwa pa rin yung sakit. Gustuhin ko mang magmukmok at umiyak ay hindi ko magawa. Kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko. Sino pang tutulong sakin kundi sarili ko lang rin.

"Oh we have a visitor..."

Natigil ako sa pagiisip-isip nang bigla niya ako kausapin. Medyo nailing ako ng konti dahil nakatitig siya sa'kin. Para bang sinusuri niya akong mabuti kaya naman pilit ko na lang siyang binigyan ng isang pilit ngiti. Well this is kind of awkward. It's as if I'm having a staring contest with him.

"Honey what's wrong?" tanong ni Tita Viviane na nakakunot ang noo na siyang nakapukaw ulit ng atensyon ni tito. Phew!

"Nothing..." sabi ni tito habang hinihigit ang upuan para umupo. "It seems our visitor is quite a little something to our boy." Napanganga naman ako nang marinig ko ang sinabi niya. Seriously? Eyyy, I can't blame Clark tho. Maganda kasi ako masyado kaya given na yun.

"Dad!" Pagmamaktol ni Clark. Hahaha aaw he's so cute.

"What?" Natatawa-tawangsagot ni tito. "Recently you asked for a day off or should I say a leave. Based on my knowledge, Leave of Absence is not included in your thesaurus son." Napatawa naman si Tita Viviane. I can't help but smile. She's really pretty plus her husband is a very gorgeous man. No wonder they were blessed with children who have very strong visuals but of course, mas maganda pa rin ako kela kambal.

"Seriously Dad?" sambit ni Amethyst ng naka-poker face saka inilipat ang tingin sakin. Psshh, this girl is really maldita. Kung ayaw niya sa'kin, ayaw ko rin sa kanya. Such a bruha.

"Hay nako Hon, stop it. You're making the atmosphere awkward for Feya and Clark. Kumain ka na nga."

"Yes boss!" Pabirong sabi ni Tito Benjie at nagsimula ng kumain. Binaling ko naman ang tingin ko kay Clark na namumula na ang tenga. He then mouthed the word "sorry" and I just nodded and gave him a sly smile. Naramdaman ko naman na may sumipa sa binti ko sa ilalim ng mesa at nakita kong may nakakalokong ngiti sa mukha si Emerald. I just smiled and rolled my eyes at her. Maya maya lang ay nagsalita ulit si Tito Benjamin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon