FTF #13

4.7K 49 9
                                    

-


Feya Shin:


"A beautiful morning for a beautiful lady like me!"


I exclaimed while stretching. Andito ako ngayon sa balcony ng room ko. Haaay, tama lang 'to. Dapat maging stress free ako ngayon no. Ayoko ng masyadong isipin yung mga nangyari, mas-stress lang ang beauty ko. Duh, it's not even worth it. He's not even worth it. I should start fresh again. No Yandrei. No Andy. No mayabang na mais. Less worries and stress free day!Bagay sa magandang kagaya ko.

Bumaba na ako at pumunta ng dining area to take my breakfast. Cereal and salad is a must in the morning! 


"Good morning baby bro!" Full of energy kong bati kay Firo na busy sa pagkain.

"Weird, parang kahapon lang bakulaw mode ka ah?" Mapang-asar niyang tugon.

"Che! Pinalo ko yung braso niya saka tuluyang umupo sa tapat niya. "What's wrong with being happy ba ha? Kalimutan ang problema! Duh, ayokong magpaka-stress sa walang kwentang bagay." 


Tuloy-tuloy kong sabi habang naglalagay ng pagkain sa plate ko. Napalingon naman ako saglit dun kay Poknat na pakembot-kembot habang nagmo-mop. Hay nako poknat, nakaka-distract ka, pag ako lang nawalan ng gana kumain dito. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na sa pagkain ko. Nagulat naman ako ng slight nang biglang paluin ni Firo yung table. 


"Ah! I almost forgot."

"What?" I said nonchalantly.

"Kuya Yandrei has your bracelet nga pala." 


I almost choked nang marinig ko na naman ang pangalan ng kumag. Pero wait, ano daw? My bracelet? Paano namang napapunta 'yun sa kanya? Kaya pala kagabi pag-uwi ko parang may kulang sa accessories ko. I might have dropped it kasi medyo maluwag 'yun sa'kin. Ugh! Doesn't matter, kanya na yun. Hindi naman yun mahalaga--- Oh my gosh! Yun yung bracelet ko na bigay pa ni Mommy sa'kin na galing pang Paris. Oh my gosh! I have to get it back!


"Edi sana kinuha mo na lang no. Shunga mo naman!" Naiirita kong sabi sa kanya.

"Ayaw niyang ibigay eh." Medyo wlang ganang sagot ni Firo. "Basta ang sabi niya lang sa'kin, sabihin ko daw sa'yo na nasa kanya nga. Tawagan mo daw siya at ikaw daw mismo ang kumuha sa kanya." Gosh, ang kapal talaga ng mukha ng isang yun! Nanggigigil na naman ako! 

"No! Ayoko nga!" Pagmamatigas ko. No, just no.

"Bahala ka, bigay yun ni Mommy sayo diba?" 


Habang sinasabi yun ni Firo ay may nakakalokong ngiting naka-plaster sa pagmumukha niya. Bwisit rin itong isang 'to eh. So ano? Kampon na siya ng kumag na 'yun? 

Naiirita akong tumayo at umakyat papunta ng kwarto ko. I don't wanna see his annoying face ever again! Kaso yung bracelet ko, yun yung pinaka huling gift na natanggap ko from my mom. It's very precious to me. Aaah! Paano ko ba yun makukuha sa Yandrei na yun? Nakakainis! Ang dami niyang arte, gusto ko siyang bigwasan.

Napatingin ako sa phone ko. Should I? Meron nga pala akong number niya. Ugh! Because he is goddamn Andy. I unlocked my phone and scrolled through my contacts. Nang makita ko ang pangalan niya, I hesitated wether should I call him.. or should I call him? Kasi naman! That bracelet is way more expensive than his life. Sheez, I really don't want to get involved with him na. Ayoko na! Kaso...

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon