FTF #38

1.8K 18 6
                                    

This is dedicated to my kawayan este-- dongsaeng. @benbenloves

Pumuslit lang. Hahaha. Hello there, namiss kong mag-wattpad. Namiss ko rin kayo. Kamusta? Add me on facebook. Andun yung link sa profile ko. Sorry kung late. Here's chapter 38. Enjoy xx

Please leave your comments. Okay? \(^__^)v

*

Yandrei's Point Of View:

"Miss, may ini-admit ba dito kagabi? Yung Valerie Cheska Funtabella."

Hinihingal kong tanong dun sa nurse. Nung nalaman ko na dinala raw sa ospital si Val, hinigit ko na si Fanget at iniwan na sila doon sa Tagaytay. Tinawagan ko rin si Darla para malaman kung saang ospital nila dinala si Valeng kaya naman dito na agad kami dumiretso. Kahit naman panget yang Ate ko, concern pa rin ako dyan. Kung bakit naman kasi... bitin tuloy yung escapade namin.

"Yes sir meron po. Sa room 123 po." ngiting asong sagot niya. Jackpot siya sa'kin. Gwapo ko eh.

"Sige thanks." tapos kinindatan ko siya.

"Hey! Mas maganda ako sayo kaya don't flirt with my boyfriend. Bye! Thanks." sigaw ni Fanget kaya napa-smirk na lang ako. Sira talaga ulo nito.

"Gago ka! Sa harapan ko pa talaga." tapos bigla na lang niya akong sinapak. Takteng 'yan, makasapak eh. Kasalanan kong gwapo ako? Nag-belat na lang ako sa kanya kaya naman inirapan niya ako. Gwapo ko eh.

Tumakbo na kami sa room 123 para puntahan si Val. Kumatok muna ako. Pagkabukas ng pinto, ay biglang may tumamang unan sa napaka gwapo kong pagmumukha. Lintek! Binabato-bato na lang niya ang gwapong nilalang na kagaya ko?

"Siraulo kang bata ka! Lumapit ka dito!" Ano bang meron sa'kin ngayon? Minumura nila ang kagwapuhan ko. Kanina si Fanget, ngayon naman si Val. Buti pa yung nurse naappreciate ang kagwapuhan ko.

"Oyy lapit daw." sabi ni Jeremy tapos siniko ako ni Fanget. Lumapit naman ako...

"Ikaw na bata ka! Leche ka. Bwisit ka." sabi niya habang hinahampas-hampas ako. Syempre ako naman, ilag ng ilag. Bakit ba?! Ano na namang ginawa ko?!

"Ano na naman bang kasalanan ko?!" pasigaw kong tanong habang patuloy pa ring umiilag sa mga palo niya. At buti naman natinag si Jeremy at Feya, kaya inawat nila si Val. Wag na kayong magtaka kung bakit wala si Darla dito. Sabi ko kasi kanina umuwi na nung malapit na kami.

"ANONG BAKIT?! TINATANONG MO PA KUNG BAKIT?! ALAM MO NA YON"

"Malamang magtatanong ako. Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Magkasama kayong natulog, so malamang ikaw.. nagpadala! Mauunahan mo pa akong magkaanak!!!"

Ha? Ano daw? Naknang. Nabibingi ata ako. 

"Ay jusko! OA Ate Val ha! Anak agad? So may inaanak agad ako? Puhlease..."

"What the... yuck lang."

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon