FTF #43 pt.1

1.3K 39 12
                                    

Sinipag lang ako. Hahaha! Kakatuwa naman, from 800 something nasa #94 na siya under Humor and #105 under Teen Fiction. Magbunyi! Hahaha. Thank you guys, kahit ang tamad tamad kong mag-update, inaabangan niyo pa rin. Thank you berimats! I love you all~~~

COMMENTS PLEASE! :D

SHORT UPDATE LANG PO

*

RED SANDOVAL:

"Alam mo bang madaming naghahanap sayo. Kailan ka ba babalik?"

"I just need time. Once na maayos na ako, babalik na ako."

Sana nga maayos na ang lahat,. Kung may magagawa lang ako para matapos na agad lahat kaso wala eh. Oo ako yung comfort zone niya ngayon at masaya ako dun pero iba pa rin kapag gumawa ako ng paraan para maayos lahat ng problema. Natahimik ulit kaming dalawa, hindi ako sanay. Usually kapag magkasama kami magulo kami at nag-aasaran. Malayong-malayo sa sitwasyon namin ngayon.

"Thank you Pula..." Kahit naman hindi niya sabihin na kailangan niya ako, nandito't nandito pa rin ako sa tabi niya. "...namiss kita."

Para naman akong tanga na napangiti. Ang sarap lang pakinggan! Nilingon ko naman siya, lalo namang lumapad yung ngiti ko. Namiss niya rin pala ako.

"Kagwapuhan lang ng bespren mo ang namiss mo eh."

Pagbibiro ko sa kanya kaya napatawa naman siya, yung totoong tawa. Tama yan Red, ipagpatuloy mo lang yan. Pangitiin mo lang siya, pasiyahin mo lang siya. Kahit yan lang yung maitulong ko sa kanya, okay na ako dun. Napapasaya ko yung taong mahal ko, yun lang ang magagawa ko sa ngayon.

"Kapal pa rin talaga ng pagmumukha mo noh?"

"Gwapo eh! May ipagmamalaki."

Tumawa naman ulit kami. Ang babaw lang ng kaligayahan namin.

"Yan, mas gumaganda ka lalo pag tumatawa ka eh. Good vibes lang Aya. Good vibes!"

"Matagal na akong maganda."

Yown baga. Sa wakas, bumabalik-balik ang dating Feya. Yung Feya na conceited, yung Feya na may pagka maldita at prangka. Yung Feya na nagustuhan ko. Yan tayo eh! Dumali na naman ang ka-kornihan ko eh. Pero ayos lang yon, gwapo eh. Di bagay ang masyadong senti.

Maya-maya lang ay umalis na rin kami doon. Niyaya ko naman siyang mag-ice cream at kumain. Dating gawi! Lintek, baka isipin niyo nagte-take advantage ako porket hindi sila okay nung 'KUMAG' na yun. Para saan ba ang kaibigan? Ginagawa ko lang yung responsibilidad ko bilang isang 'bespren'.

Ps. masakit talaga yung salitang 'kaibigan', o wag na lang ipahalata. Wag ng isingit, nakakasira ng mood.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Oy Pula ha, umayos ka. Gugulpihin kita dyan."

"Basta, akong bahala sayo. Trust me."

Pinapasok ko na siya sa kotse ko. Ang kulit ng lahi ng babaeng to! Pasalamat siya't mahal ko siya. Kung nagkataon, nabatukan ko na to ng isa. Sumakay na rin ako, pero napalingon ako sa kanya. Tss, seryoso? Tutulugan niya lang ako. Yaan na nga, mahaba-habang biyahe naman.

Unti-unti ako lumapit sa kanya, napatitig naman ako sa mukha niya. Those chinky eyes, button nose and kissable lips. Tangna Red magpigil ka nga! Ikakabit mo lang yung seatbelt oh, kung ano-anong iniisip mo dyan. Bwiset! Napagulat naman ako nung napamulat siya.

"Anong ginagawa mo?" mataray niyang sabi.

"W-wala, ikakabit ko lang yung seatbelt mo!"

Takteng yan, ang lapit pa rin ng mukha ko sa mukha niya. Hindi man lang siya naiilang? Ako kasi medyo lang. S-hit lang, hindi ako makagalaw ng ayos. Pag hindi lang ako nakapag-pigil dito.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon