Thank you @mymissyheart for helping me out!
*
Yandrei Drew Lopez:
Hindi pa man din siya nakakasagot ay tumakbo na ako pababa ng bleachers, iniwan ko siyang nakatulala. The look on her face was priceless! Halatang gulat na gulat siya. I really like it when she's like that. She looks... nevermind.
"Wag mo akong ite-text kung saan at kelan, hindi ako magrereply! I'll call you instead! Hasta La Vista beybe!"
Mapang-asar kong sigaw ko sa kanya. Bakit nga ba ako tumakbo? Simple lang. Para pumayag na agad siya. Alang-alang sa bracelet niya papayag 'yun. She live for those stuff. Buti na lang at hawak-hawak ko pa rin 'to ngayon. Talino ko talaga! Sumulyap ulit ako sa pwesto niya, umalis na siya.
"Chix mo yung kanina?" Inakbayan ako ni Thyrone, teammate ko. "Akin na lang! Ang ganda 'tol!" Pagbibiro niya.
"Gago!"
"Ang possessive naman!"
"Wag mo akong tigilan, mamaya puro damo na 'yang bunganga mo."
Pabiro kong pagbabanta sa kanya. Itinaas naman niya yung dalawa niyang kamay at tumawa na lang. Nagsimula na ulit kaming magpractice. Haaaay hindi na naman mawala sa isip ko yung fanget na 'yun. Ano kayang magawang pant-trip dun? Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayan.
"SHT GOAL!"
*
Feya Shin:
Gago talaga yung kulangot na yun. Oo, kulangot. Bakit? Madikit kasi siya masyado sa'kin. Napaka feeling close!
Hays, bakit ba ang tagal niyang tumawag? How dare he make me wait? Ang kapal. And yes. I've decided na sumakay sa trip niyang date. Kadiri! Crush talaga ako ng isang 'yun eh. Gosh! Sobrang labag man sa kalooban ko, wala na talaga akong ibang choice. Don't get me wrong. Walang meaning 'tong gusto niyang mangyari. As if namang gusto kong makipag-date dun. No way! I just really value and treasure that bracelet, kaya gagawin ko ang lahat para makuha'yon.
2 hours of waiting
Another 1 hour of waiting
It's 6 PM already. Nakaupo ako dito sa hagdan habang hawak-hawak ang phone ko. Goddarn it, ang tagal. Maya-maya lang din ay nakita kong pababa si Firo. Paalis na naman ang isang 'to. Hay nako, pumasok naman siya kanina kaya ayos lang.
"Oh bakit mukha kang unggoy dyan sa circus na naghihintay pansinin?" Inirapan ko lang siya. Batukan kita ng isa dyan eh! Ikumpara ba naman ang magandang ate niya sa unggoy? The hell. "Tumayo ka nga dyan. I'll just go out."
"Whatever. Umalis ka na nga!"
1 hour and 25 minutes of waiting
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...