-
Feya Shin:
Nakarating na kami ni Yvonne sa bahay. She decided to spend the night here dahil babalik ulit kami bukas sa orphanage and we have to be early.
Sobrang nakakapagod pero sobrang worth it naman dahil may napapasaya kami.Nilulubos-lubos ko na rin 'to dahil for sure, hindi ko na ulit magagawa to kasi pauwi na sila mom and dad next year.
The thought of my parents coming home makes me happy. There was never a day that I didn't miss them. Sobrang busy lang rin talaga nila sa trabaho nila sa US. I'm very excited to see them but.. there's this feeling again.
The thing is, bigla akong humihina kapag kaharap ko na si mommy. Good thing that my dad is always there to defend me. Kung gaano kami kalayo ng mom ko, total opposite ang relationship ko with my dad.
"Feya! Bilisan mo na dyan sa snacks, I'm excited to play the movie na."
Sigaw ni Yvonne mula sa living room. Lumabas na ako sa sala habang dala-dala ang isang bowl ng popcorn at umupo sa tabi niya.
"Yaaas!" She exclaimed when she saw the popcorn. Typical Yvonne. "Tagal mo ha."
"Ganon talaga pag maganda."
"Pansin ko lang, kanina ka pa wala sa sarili. It's either you're spacing out or you're smiling like an idiot." She said as she played the movie. "Are you on drugs?" She joked.
"Gaga, may iniisip lang. Manood ka na nga lang!"
Hindi ko rin alam kung bakit ko ba iniisip si Yandrei. Nakakainis kasi parang kada minuto ay sumasagi siya sa isip ko.
"Ooh.. tell me. Is it a someone?" Mapang-asar niyang tanong sa'kin kaya naman inirapan ko siya at nag-iwas sa tingin niya. "Kilala kita Feya! It's him right? Tama ako? You're thinking of Yandrei. Jem's cousin!" Pangungulit niya. Tuluyan ng nawala sa palabas ang attention ni Yvonne.
"Shut up! How did you know that freak?"
"Oh c'mon. Sa tingin mo ba porket malayo ako sa'yo, wala na akong alam sa mga happenings? I have connections dear."
"Connections with who?"
"Silly. Malamang kay Jem!" Natatawa niyang sabi sabay hampas sa braso ko. Ugh, ba't nga ba hindi ko naisip na si Jem lang naman ang madaldal kong kaibigan. "He told me everything kaya hindi ka na makakapag-deny sa'kin! Ikaw ha, nawala lang ako saglit.. gumaganyan ka na." She teased.
Gosh Jeremy. Makikita mong bakla ka. Saksakan ng daldal. Pag bumalik lang yun dito mula sa lunggang pinagtataguan niya, isusupalpal ko sa pagmumukha niya si Ella. Imbyernang 'yon!
"Get over it Yaman! Wala kang mapapala sa'kin."
"Really eh? How about.. we give him a call? Tutal kanina mo pa siya iniisip. Let's end your longing."
"NO WAY IN HELL--- HEY! GIVE ME BACK MY PHONE."
Kinuha niya yung phone ko na nakapatong sa couch kasi at ngayon, nag-aagawan kami. Itong babaeng 'to, hindi niyo aakalain na galing sa mayamang pamilya dahil sa madalas na inaasal. Gaya ngayon, parang gaga.
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...