FTF #17

4.3K 44 10
                                    

-

Feya Shin:


After 1 month


Ang sakit-sakit ng ulo ko! Leche kasi 'tong si Jeremy, pinilit akong i-sama na mag night out kagabi. Damn, I got wasted. Kapag hindi lang ako nakapag-sayaw mamaya,masasapak ko 'yun. 

Last practice na mamaya. Polishing na lang rin. The competition is tomorrow. It's been one whole month of practice. Sobrang nakaka-haggard! Buti na lang hindi nasisira ang beauty ko. 

One month na rin na walang kulangot na nagpaparamdam, which is kinda weird. I got used to him being there, annoying me and such. Should I thank the universe for that? As in. Walang-wala. Ano naman kayang pinagkaka-abalahan ng isang yun? Oh well. Bakit ko ba siya iniisip?! Erase erase. Mabuti na yung ganito noh. No Yandrei, okay na okay!


"Let's move our ass off Feya!" I said to myself.


Kailangan ko na rin magmadali kasi male-late na ako, kaya naman bumangon na ako at naligo.  I'll skip breakfast na lang muna ngayon! After doing my routines, ay bumaba na ako. 

I suddenly remembered that I can't use my car right now, coding nga pala ako. Hays, wala akong choice. Magta-taxi na naman ako. I really hate commuting pa naman. Ang tagal naman kasing dumating nung gift ni dady kay Firo na car. Edi sana, yun ang pwede kong gamitin. 


*

Hanggang ngayon ay wala pa ring dumadaan na taxi. Nakakairita talagang maghintay, ang init-init pa. That's it! I'm really late na talaga. But it's fine. A beautiful lady like me is never late, sila lang yung masyadong maaga. 

Nagulat ako nang may kotse na tumigil sa tapat ko. Wow. Volvo C70. Hmm, magkakaron din ako ng ganyan soon. Napatingin ako sa lalaking bumaba. Are you fcking kidding me universe?!


"You live here? We live in the same village pala."

"Duh. Obvious ba?"


What's his name again? Parang color yun, sa pagkakatanda ko. Blue nga ba? Grey? Hmm. Aaaah! Okay, I remember. Red. He's Red. The guy from the parking lot at yung guy na nakasagutan ko ng slight dati. 


"Where are you off to? Mukhang kanina ka pa naghihintay dito ah." Napakunot ang noo ko sa kanya.

"Why do you even bother talking to me?" He shrugged and smiled.

"Mahirap sumakay dito. Care for a ride?" Pag-aalok niya.

"No thanks, I can manage." Mataray kong sagot sa kanya. Ayoko nga noh. Baka kung saan pa ako dalhin neto, tsaka baka isipin ng mga tao dun sa univ na boyfriend ko siya. No way!

"I insist. Isipin mo na lang na pambawi ko na lang 'to sa nangyari dati. Remember?"  Tiningnan ko lang siya. Seryoso talaga siya? Napatawa naman siya. "Don't worry, sabi ko naman sa'yo mabait ako. Makakarating ka ng buhay sa pupuntahan mo." He assured me.


Sabagay. Matapos nung nangyari dati, ayos na rin pambawi 'to. Mukha naman siyang harmless pero bwisit pa rin siya. Tsaka okay na rin, ayoko rin naman talagang ma-commute. Okay, just this once. Tutal kailangan ko na rin talagang makarating ng univ.


"Fine." 


Ngumiti siya at binuksan ang pinto ng passenger seat kaya naman sumakay na ako. 

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon