FTF #2

7.8K 124 21
                                    

Feya Shin:

Hay buti na lang half day. Sus! Sayang naman ang ganda ko kung hindi ko ito maipapakita sa madaming tao. Sa publiko. Sa buong mundo. At sa mga--


"Tara nga sa mall. I'm so gutom na.."


Kahit kailan talaga epal itong Jeremy na 'to eh. Sarap jombagin! Pero kahit na ganyan yan, love na love ko 'yan. Siya lang kasi ang bukod tangi  na kayang pagtiisan ang ugali ko. Dati kasi yung mga nagiging kaibigan ko mga attention seeker, famewhore at mga social climber. Can't blame them if they want to be close with me. Maganda na, mayaman pa.


"Saan ba tayo pupunta, diba sa mall? Napaka patay gutom mo Jeremy!"

"Kapag gutom, patay gutom agad? You're so OA."

"You're so baboy."

"You're so sama."

"I know, maganda ako. Let's go?"


Told ya! Langit ako, lupa siya. iPhone ako, 3310 siya. Oh wag kayo! Compliment ulit yon. Kokontra? I just giggled at him or her na lang nang nakita kong umirap na naman siya sa'kin.

Napatigil ako sa paglalakad nang tumunog yung phone ko. Firo (Mah brothaaah) calling. Bakit naman napatawag ang balahura kong kapatid? Himala! Ni hindi nga nagre-reply to sa mga text ko tapos ngayon tumatawag? What's up with him?


"Oh?"

Bruhaaaa!

"Bakit may pagsigaw? Tamo, pag naka-uwi lang ako sisipain kita dyan. Antayin mo lang ako Fierr Rosh Shin. Makikita mo."

Talagang kailangan mo ng umuwi! Andito na sila mommy!

"What?! Akala ko ba.. P-pano? Teka! Paano mo nalaman, 'di ka na naman pumasok?! My god Firo, I swear I'm telling mom."

So?  Just go home. Galit na galit si mommy! Ano bang ginawa mong bruha ka?

"Ah basta! I'll be home soon!"


Ibinaba ko na 'yung call at hinarap si Jeremy. Oh no! Lagot ako neto. Bakit sila umuwi? Nakarating ba sa kanila ang balita na naubos ko ang laman nung card? Oh no! I'm a dead meat na talaga. Iba pa naman magalit si mommy. Felicity Aya Shin, you better pull your sht together.


"Bakit ganyan ang mukha mo?"

"Bakla, ikaw na lang ang pumunta sa mall. Umuwi na kasi sila Mommy."

"The hell! Aba Feya, fyi lang gutom na gutom na ako. Bruha ka! Kalok-- Teka! Nalaman ba niya yung ginawa mo?"

"I don't know Jem. Patay ako nito. Nakakainis!"

"Tara't mag-rosary. Baka mapatay ka ng mudra mo. Oh no-- Ouch!"


Sinapak ko nga. OA eh. Pero paano nga kung sa galit ni Mommy eh mapatay niya ako? Eh kasi naman ih. Super natempt talaga ako sa mga new items pati dun sa mga bags at shoes na new arrivals. Kaya ayun, napa-shopping galore talaga ako. Hindi ko na namalayan na naubos ko tuloy yung laman ng credit card. I'm a dead meat na talaga.


*


This is it na. Nararamdaman ko na ang end of the world. I thought I'm gonna hear mom's famous line na"Felicity Aya Shin!", pero nang buksan ko ang pinto ay wala akong narinig. As in none. Bakit wala? Lumingon-lingon ako at nakita ko ang kapatid ko na nakahiga sa sofa habang nagtatawa na parang tanga. Grr! I'm gonna kill him.


"You little asshole!" Sigaw ko. Lumapit ako sa kanya para hambalusin nung Prada bag ko nang bigla siyang nagsalita.

"Chill sis! I was bored kaya ikaw ang napag-tripan ko."  Presko niyang pagpapaliwanag kaya mas lalong uminit ulo ko sa kanya. "Wala kasi akong kasama. Yung magaling naman kasi nating katulong, nakikipag-date na naman sa boyfriend niya."

"Shunga ka kasi! 'Di ka na naman pumasok. What an ass!"

"You done with nagging?"

"Whatever Firo, whatever!"


Aba't tumawa lang ang loko. Makalayas na nga dito. Bago ko pa masapak ang batang 'to. Leshe! Umakyat na ako sa maganda kong hagdan at pumasok na sa maganda kong kwarto para maligo sa maganda kong banyo para maging super ganda na ulit lalo ako. Hello! 'Di ako pumapangit, Naha-haggard lang minsan pero syempre, maganda pa rin. Pagkatapos kong maligo eh nag-facebook muna ako sa iPad ko. Tagal ko na rin di nagbubukas ng account ko ah. Panigurado, garantisado, sabog notifications ko. Syempre, gawa lang naman nung likers ng mga magaganda kong selfies.


Alam niyo ba kung bakit maganda ako?


Kasi, gwapo at maganda ang mom at dad namin. Kaya naman yung kapatid ko eh habulin ng mga babae sa school niya. Such a waste nga lang kasi di siya pumapasok ng school. Pala-absent. Bulakbol. He's very lazy and sobrang nakakainis yung pagiging tamad niya when it comes to acads.

Ako naman, mahilig pumasok kasi wala naman akong choice. Duh! Pero okay na rin kasi mas madami ang makakakita ng ganda ko. Pero truth be told, mahilig din naman akong mag-aral. I really care for education. Hindi nga lang halata kasi mas feel ko ipag-mandakan madalas ang pagiging maganda ko.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon