FTF #41

1.4K 42 22
                                    


Dedicated to @bluebonnetladdy hi po. The Black Hunter fever. Emeged! XD

Author's Note: Gusto niyo bang gumawa ng group sa facebook na kasama ang characters ko? Kung gusto niyo, add niyo ako sa facebook (Arla Montejo or AppleyApple Wattpad) then msg me. AGAIN, don't forget to leave your comments. Thank you (if ever man na nag-iwan ka/kayo) 

Ps. sorry in advance para sa mga typos. Medyo naduduling na ako nung nagtatype ako. 

*

THIRD PERSON:

Matapos ang eksena kanina, bumalik na ulit sa kanya-kanyang table ang mga tao. Kasalukuyang umiinom ng wine sila Darla, Jeremy, Ella at Yvonne. Si Yanyan naman ay maagang umuwi dahil nagkaron daw ng emergency. Kanina pa rin patingin-tingin sa paligid si Darla, nagtataka siya dahil hindi pa rin nakakabalik si Firo pero kanina pa naman siya umalis sa party.

Kanina niya pa rin tinatawagan ito, pero hindi naman nito sinasagot ang phone niya. Sobrang nag-aalala na si Darla, hindi niya rin alam kung bakit siya kinakabahan sa mga oras na 'yun. Parang pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda.

"Hey bebe girl, kanina ka pa windang dyan."

Pangangalbit ni Jeremy kay Darla. Kanina niya pa rin kasi napapansin na hindi mapakali ang pinsan niya kaya naman tinanong niya na ito. Imbis na mang-hunting siya ng boylet, siya ay nadidistract sa kanina pang paikot-ikot na Darla.

"Kasi Ate Mia, wala pa rin si Firo. Sabi niya mabilis lang siya, hanggang ngayon wala pa rin. Kanina ko pa rin siya tinatawagan pero hindi naman siya sumasagot."

"Chill ka nga lang bebe girl, babalik din yun."

Bukod kay Firo, kanina pa rin nila napapansin na wala rin si Feya. Ang hindi nila maintindihan, bakit nag-away yung dalawa kanina. Si Yandrei at si Red. Basta ang alam nila, umamin si Red na may gusto siya kay Feya. Baka yun ang dahilan.

Agad-agad namang kinuha ni Darla ang phone niya nang marinig niya itong tumunog. Napatingin na lang sa kanya si Ella, Jeremy at Yvonne. Tiningnan niya kung sino yung tumatawag pero number lang ang nakalagay.

"Hello?"

"Hello ma'am Darla!"

"Hello sino to?"

"Ako po yung yaya nila miss Feya at sir Firo."

Naalala niya na kung sino ito. Ito yung tinatawag nila Feya na Poknat. Ang mean talaga nila kay yaya. Naisip niya. Pero nagtataka siya kung saan nito nakuha yung number niya at kung bakit ito tumawag. 

"Oh yaya, saan mo nakuha ang number ko?"

"Hindi na po mahalaga yun. ma'am Darla emergency to.."

"B-bakit anong nangyari?"

There was a moment of silence bago ulit nagsalita si Poknat sa kabilang linya. At nang sinabi niya ang dahilan kung bakit siya tumawag ay parang nanlamig na parang yelo si Darla sa kinatatyuan niya. Sa sobrang gulat niya, ay nabitawan niya ang wine glass niya dahilan upang mabasag ito.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon