FTF #5

5.9K 69 10
                                    

Feya Shin:


It's Sunday! May pasok na bukas. Nakakatamad ng slight pero masaya na rin. Madami na naman makakakita ng kagandahan ko. Di kagaya dito, kapatid ko nga dedma lagi eh. Paano kasi, may nililigawan. Dun lagi nakatambay sa bahay ni girlalu. Hindi man lang ipakilala sakin kung sino ang lucky girl na yun. Nabingwit niya ang pusong bato ni brothaah.

Andito ako ngayon sa rooftop kasi ang ganda ng view and malamig ang hangin. A beautiful scenery for a beautiful lady like me. Nadistract naman ako nang biglang tumunog yung iPhone ko. Agad-agad kong tiningnan kung sino ang sumisira ng rest day ko.


Hey.


Hey? Unknown number. Sino naman kaya siya? Nag-reply naman ako agad kasi baka isipin snob ako.


I'm sorry, but who are you and how did you get my number?


Kinuha ko muna yung baso ko na may pink lemonade at uminom. Maya-maya lang rin ay tumunog ulit yung iPhone ko.


I'm Andy. Binigay sa'kin ng pinsan ko number mo and told me to message you.

Andy? Sino ba yung cousin mo?

Jeremy.

Ahh I see.

Yep.


Hindi na ako nag-reply after non kasi hindi naman kareply-reply. So si Jeremy the beki ang salarin. Binubugaw na naman ako ng baklang 'yon. Well sorry siya. Fail! Ang boring kausap ni Andy. Hays! Makapag-relax na nga lang. 


*


"Omg Feya! Bakit di mo pinansin? Ang gwapo kaya nung pinsan ko. Kung di ko lang kadugo, malamang pinatulan ko na. Aish!"

"Ang boring kaya niyang kausap. Try mo!"

"Ganon talaga yun. Pacool lang yun sa simula pero super baliw baliw when you get to know him. Text mo later ha! Iniisip ko pa lang, bagay kayo!"

"Whatever."


Kasalukuyan kaming naglalakad ni Jeremy papunta ng school. Fresh morning air. I can't wait na! Pagtitinginan na naman nila ako. So flattering. Pagkapasok na pagkapasok namin sa school, lahat naka-ngiti. Omg! I know, ang ganda ng nakikita niyo. Go lang guys. 

Naglakad kami ni Jeremy with a big proud smile. Bagi ganyan naman ang mga tao sayo, mag-rereklamo ka pa ba? Pero habang naglalakad-lakad kami, bakit parang ang bait nung girls. Dati nagbubulungan sila pag dadaan ako tapos ngayon nakangiti lang sila sakin. Something's fishy. Ganun din ang mga boys. Okay, what is really happening? Parehas kaming nakatunganga ni Jeremy dito na talagang walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Nakita kong papalapit samin ni Jeremy ang isang grupo ng girls. They're smiling!


"Bakla, don't you find it weird? May nasesense akong something."

"Ano ka ba teh! Ang paranoid mo! Smile ka na nga lang! Ang nice nila today. Ayaw mo non? Baka mga naalog na ang utak!"


Sasabihin ko na sana yung line ko na "Ang ganda ko lalo today noh?", pero hindi natuloy kasi nilagpasan lang nila ako. What the? Okay, they're really freaking me out. What is the commotion all about? Narealize kong nakatulala lang ako so napalingon ako sa kanila then nakita kong may nilapitan silang babae. Akala ko ako yung nginingitian at lalapitan nila, yun pala yung babae na nasa likod ko.  Oh I see. I admit na maganda siya. Simple, but cheap! Ang cheap ng damit niya and she has the most annoying smile ever. Mas maganda pa rin ako. Masyado siyang pa-cute! Ako di ko na kailangan kasi naturally pretty and cute na ako. 

Paglingon ko ay wala na yung kasama ko. Langya ka talaga Jeremy! Anong gagawin ko dito ngayon?! Kapag nagwalkout ako, magmumukha akong kawawa kasi iba yung pinansin nila. Gosh! I can't believe this is happening to the one the only Feya Shin! 

Hmmm. I know na!  Lumapit ako kay girl then hinawakan ko yung balikat niya at iniharap ko siya sakin. I don't care kung anong sasabihin nila.


"Let's go?"

"Umm.." Hinigit ko siya papunta sa may locker ko.

"What's your name?" I asked with a sweet tone.

"Fiona Serafie. Fifi for short. And you?" she smiled and offered her hand kaya naman tinanggap ko. Okay! I'll use alcohol na lang ulit later.

"Felicity Aya Shin. Just call me Feya." I smiled sweetly.

"Nice meeting you Feya! Gusto pa sana kitang makakwentuhan kaso I have to go. May gagawin pa kasi ako ih." 

"Oh sure! Go ahead. See you around my dear!" Umalis naman agad siya na parang ewan. What's with her? I'm just trying to be friendly naman ah. I just want to get close to her. Yes, close. Bakit? 'Coz I believe that you have to keep your friends close, but your enemies closer.


NO ONE CAN EVER REPLACE ME. Plus, there's something weird about her. I don't know. I'll find out soon.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon