FTF #16

4.5K 49 15
                                    

Dedicated to @asrah028. Uwi ka na, lilibre kita ng kwek-kwek.

See you soon siopao pes!


*

Third Person:


After 1 week


Nakatambay ngayon sa school grounds sila Feya, Jeremy at Fiona. 

Hindi mapakali si Feya simula kagabi pa. Kanina pa siya tingin ng tingin sa salamin. Hindi niya rin alam kung bakit ba siya na-conscious bigla sa itsura niya simula dahil sa sinabi ni Yandrei sa kanya na. Manang

Si Fiona naman ay tahimik dahil apektado pa rin siya sa nangyaring pagkikita nila ng ex niyang si Red kahapon. At si Jeremy? Mukmok ng mukmok. Meron kasing babae na laging dikit ng dikit at sunod ng sunod sa kanya. Masuka-suka ito kapag iniisip pa lang niya na may nagkakagusto sa kanyang babae. 


"Attention!" 


Natinag naman ang tatlo nang marinig nila ang nagsalita mula sa speaker ng school nila.  


"All students from the Theatre & Performing Arts Department." Nagkatinginan naman silang tatlo. Pare-parehas kasi silang tatlo ng department. 


"Please proceed to the auditorium right now. Thank you. I repeat, all students from the Theatre & Performing Arts Department, please proceed to the auditorium right at this very moment, thank you."


Matamlay na tumayo si Jeremy at Fiona maliban kay Feya na iritadong tumayo. Tila ba'y inis na inis dahil naistorbo siya sa pagche-check ng mukha niya.  Lahat ng students na under ng department na ipinatawag ay tumungo na sa auditorium.Pare-parehas lang ang laman ng isip nila. Iisa lang ang ibig sabihin nito. Lalaban na naman ang school nila sa isang competition.

Nang makumpleto na ang mga estudyante sa auditorium ay nagsimula ng magsalita ang speaker.


"I know that all of you are very much aware of the reason why we're gathered here, right? But this time, this upcoming competition will be very difficult and unusual."


Nagbulungan ang lahat. Alam nilang lahat na hindi biro ang mga competitions na sinasalihan ng school nila. Naisip nila na kung dati pa lang ay mahirap na, paano pa ngayon? Medyo tumahimik ulit ang lahat ng mag-clear ng sawayin sila ng nagsasalita sa unahan.


"So for the theme, it's k-pop fusion." Nag-palakpakan at sigawan ang mga students dahil mostly sa kanila ay fan ng k-pop. 


"But let me remind you na hindi ito simpleng dance cover lang. This will be dancing and singing. Kasama sa rubrics ang memorization and pronunciation ng song na ilalaban." Lumakas ang bulungan nilang lahat.


 "We're gonna be competing with Westminster University."


Mas lumakas ang pag-uusap ng mga estudyante. Nakuha ang atensyon nila Feya nang banggitin kung sino ang makakalaban ng university nila. Madalas na magkalaban ang Lewis University at Westminster University sa mga dumaang competitions ng different departments, but this is the first time na magiging magkalaban sila in terms of dancing and singing na under ng Theatre & Performing Arts Department.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon