-
Feya Shin:
Wala akong kaalam-alam kung saan ako dadalhin Red. Don't tell me, crush agad ako nito? Is he taking me out on a date? I can't blame him. Ang ganda-ganda ko kasi talaga. Char.Kidding aside, nagulat talaga ako kanina nang makita ko siyang nasa labas pa rin ng univ. Hinintay niya ako. Woah. From 10:30 am to 6:30 pm. Tibay niya ha. Ano naman kayang kailangan nito sa'kin at talagang nagtiyaga siyang tumunganga ng matagal?
"Saan mo ba talaga ako dadalhin?" Tanong ko kay Red na tila ba apakalalim ng iniisip. Ano ba talagang problema nito?
"Okay, nice talking. Pula, saan tayo pupunta? Sa outer space. Eh talaga? Ang galing naman. Oo nga eh. I like that idea. NICE TALKING TALAGA RED!"
Para akong magandang baliw dito na kinakausap ang sarili ko dahil parang hindi niya talaga ako naririnig. Nakakaloka siya! Hihigit-higitin ako tapos di naman sinasabi kung saan ako dadalhin.
*
Tumigil kami sa tapat ng isang hotel, but it's not just an ordinary hotel. It's a very luxurious hotel.
Oh my god! Hindi kaya.. oh my gosh! Why the hell did he bring me to a hotel? Nako! Mukhang mali ata ang desisyon ko na sumama sa kanya. What the hell! Iniisip niya ba na ganon akong klaseng babae? Sa ganda kong 'to? Gosh! Feya, umayos ka nga! Kumalma ka. Baka naman napa-paranoid lang ako.
"Alam ko yang iniisip mo." Nagsalita siya bigla habang tinatanggal yung seatbelt niya. "Don't worry, I won't do that to you. Kakain lang tayo at mag-uusap. Happy?" Saka niya ako nginitian.
Okay, good! Mabuti naman. Nag-panic ako dun ha. Mabuti ng malinaw.
Bumaba na siya at ipinagbukas ako ng pinto kaya bumaba na rin ako. Pumasok na kami at dinala sa isang heat restaurant within the hotel. Umorder na rin agad siya ng food namin. I must say that he has a very nice taste.
"Ano bang pag-uusapan natin?"
"May itatanong lang sana ako."
"Spill."
"Magkakilala kayo ni Fiona?" Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Fiona Serafie."
How did he know her? At bakit ako ng tinatanong niya? Hmm.
Ahh, I get it. Siguro nakita niya kami kanina sa may gate. Lakas kasi ng boses ni Fifish kanina, akala mo taong kanto lang . Nakakaloka talaga ang babaeng yun.
"Bakit mo siya kilala?" I asked while cutting my steak. "Umm, she's my friend." I continued. Ininom ko yung wine na sinerve kanina sa'min. Impressive.
"She's my ex."
Halos maibiga ko yung wine dahil sa sinabi niya. What?! Fiona is his ex-girlfriend? Tingnan mo nga naman oh, ang liit-liit talaga ng mundo.
"Seryoso ka?"
He nodded. So mag-ex pala sila. Wow! Fiona never mentioned that she has an ex at Westminster University. Wow! Just wow.
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...