Feya Shin:
Argh! I'm so not in the mood. What a very unlucky day to be alive! Sa tingin ba nila nakakatuwa yung nangyari at ang mga nalaman ko?! It's a major turn off. Ayoko na! Hinding-hindi na ako magrereply o magpapakita sa kanya. Ang kapal ng mukha niya! Kung makapag-react siya akala niya naman gwapo niya. Geez! He's so presko and annoying! Ang arte niya, wala siyang karapatan. Hinding-hindi ako papatol sa kanya! Never!
Asan na ba yung kotse ko?! Kanina ko pa pinipindot 'tong remote, pero hindi ko pa rin malaman kung saang part nanggagaling yung tunog. Nang mahanap ko ang sasakyan ko ay nagmadali agad akong puntahan iyon. Hindi ko agad napansin na basa pala yung part na nilalakaran ko, dahilan para madulas ako.
"Ouch!"
Great! Ang malas-malas ko talaga! See? Minamalas talaga ako dahil sa Yandrei or Andy whatsoever na 'yun. Nadulas lang naman ako at napa-upo. Sheez, that hurt. Worse day ever! Buti na lang walang nakakita. Kung nagkataon, sobrang nakakahiya--- Napatayo ako nang marinig kong may tumatawa. Sht. This day can't get any better! Humarap ako at tiningnan ng mataray yung lalaki na hanggang ngayon ay nagtatawa pa rin.
"Yo miss! You okay?" Natatawa niyang tanong. Obvious bang hindi? Para siyang tanga.
"Wala kang pakialam." Umirap ako sa kanya tapos tinalikuran ko. Bwisit! Dumadagdag pa siya sa pagka-inis ko.
"Sayang. You're pretty, kaso ang lampa."
Sabay tawa ulit niya ng malakas. Aba!I know hindi ladylike tingnan pero I just raised my middle finger at him habang naglalakad papalayo, dahilan para lalo siyang tumawa. Kapal ng mukha! Parang yung mayabang na mais lang. Che! Magsama-sama sila!
Pagkasakay ko ng kotse ko ay agad ko na itong pinatakbo. Ang totoo niyan, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na! I need to get these things off of my mind. I should go somewhere na malilibang ako. Alam ko na. I pulled the car over and called someone.
*
Fiona Serafie:
"Ugh! When will I see him again?" I'm playing with my puppy right now na bigay sakin dati ng ex ko nung birthday ko. Hays, tuwing naaalala ko siya I somewhat feel guilty. I just can't keep on pretending na I still have feelings for him when in fact, I don't. Wala eh, I really like Yandrei talaga. Oh well, at least we ended on good terms naman. I guess.
Agad kong kinuha ang phone ko nang bigla itong tumunog. Feya. Argh! Now what does she want?
"Yes dear?" I answered with a hint of sarcasm. I have to act na naman.
"Yes dear mo mukha mo. Where are you?" Duh, ano bang problema ng freak na 'to?
"Woah.. chill girl. Nasa bahay ako. Why?"
"Let's go to your bar, I have to wind up." I was about to turn down her pag-aaya pero bigla ulit siyang nagsalita. "Sumipot ka wether you like it or you like it. Okay?"
"Fine fine!"
Then ibinaba niya na. Okay, what's with her? Akala mo kung sinong maganda para magbigay ng command. She's so annoying na talaga! Nanggigigil talaga ako sa kanya tsaka dun sa baklang mukhang pusit na yon. Mga bwisit! Hays, I have to act like a concerned friend na naman tuloy.
*
Feya Shin:
"What took you so long?!" Bungad ko kay Fifish. Mabuti naman naisipan pang sumipot nitong isda na 'to. 10 mins niya akong pinaghintay dito! Hindi dapat ako naghihintay ng ganon katagal noh.
"Of course nag-ayos pa ako. My god Feya!"
"Whatever. Nag-effort ka pa, hindi ka pa rin naman maganda."
"Excuse me?" Shocked na shocked niyang sabi.
"Dadaan ka?"
"Jusko Feya! Tara na nga lang sa loob. Ang init-init ng ulo mo!"
Hindi ko na sinagot ang tanog niya at hinila ko na siya papasok sa loob. Nagpunta kami sa VIP part nung bar. Kanila naman 'to, so no problem. Nag-order na rin agad kami ni Fifi ng drinks namin. Aalisin ko ang pagka-badtrip ko kay Jem at sa bwisit niyang pinsan.
"Problema mo girl?" Tanong ni Fifi habang ini-aabot sa'kin yung drink ko, tinanggap ko naman yun.
"Nothing. Gusto ko lang mag-chill."
"Dear, you can tell me anything naman no." Lumapit siya sakin at tinabihan ako. "Now, spill."
"Gusto mo i-spill ko tong drink na 'to sa mukha mo?"
"Napaka bitchessa mo talaga." Natatawa niyang sabi sa'kin. "Sige na, hindi na kita kukulitin. Let's just enjoy! Cheers?"
Nag-toast naman kaming dalawa at patuloy na uminom. In fairness naman dito kay Fiona, ayos kasama. Minsan nga, parang nakakalimutan ko na fake friends lang kami nito. Pero nah, stick pa rin ako sa agenda ko. Maya-maya lang rin ay pumunta na kami sa dance floor. Alright! Let's forget the things that happened earlier Feya. Masyado kang maganda para ma-stress. I'm just gonna enjoy the night.
*
Yandrei Drew Lopez
Nagising ako sa tunog ng alarm ko kaya naman agad akong bumangon. Ang sakit ng ulo ko. Ang hirap talaga pag puyat. Boset kasi. Hindi talaga ako makatulog sa kakaisip nung mga nangyari at revelations kahapon. Hays. Naputol ang pag-iisip-isip ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Kuya, you awake?" Narinig kong tanong ni Darla saka niya binuksan yung pinto para sumilip. "Good morning! Let's eat breakfast na."
"Yea, sunod na lang ako." Ngumiti naman siya ng nakakaloko. Hays, alam ko na iniisip neto.
"Mukhang puyat na puyat tayo ah? Iniisip mo si Ate Feya noh?" Pang-aasar niya. Sinasabi ko na eh. Isa pa ring kampon ni Jeremy 'tong kapatid ko. Tinawanan ko na lang siya at napailing sa sinabi niya. "Hay kuya. Sige na, bumaba ka na rin ha?"
Nag-okay sign ako sa kanya at umalis na siya. Pumasok na ako sa banyo at ginawa na ang mga dapat kong gawin. Napatitig naman ako sa phone kong nakapatong sa may drawer ko at kinuha ito.
"Should I message her?" I whispered to myself.
Hmmm, should I? Wag na lang kaya? Pero kasi.. text ko na kaya? Kaso baka badtrip sakin. Geez! Malay ko ba na ganon? Biktima rin ako dito! Hayop talaga yung Jeremy na 'yon. Tsk, wag na nga lang! Kaso... parang gusto ko. Hmm, ano ba? Aish! Wag na nga lang! Kaso pakiramdam ko parang kulang ang araw ko pag hindi ko siya nakakausap. Sht lang. Nakakabakla naman 'to. Hindi ko alam kung gusto ko pa ba siya o hindi. Para kasing nakakaturn off na nakakatuwa. Hindi ko maipaliwanag!
All I know is, I don't know what to do and I don't know what to feel. I just can't get her off of my mind. Feya, Feya, Feya. Aish! Bahala siyang Fanget siya. Kung ayaw niya sa'kin, ayaw ko rin sa kanya. The hell I care!
Basta ako? Gwapo ako.
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...