Happy KaiSoo Day! (~January 13~ ) Araw ni Kwago at Negro ngayon, let's parteeeh. Hahaha! Enjoy. xx
Ps. Don't forget to leave your comments. Kamsaaaa~~
*Red's Point Of View:
"Mike, penge nga akong token. Ubos na eh."
"Uyy Mike.. penge ako ng 20 pesos. Bayaran kita bukas."
"Napaka-gastador niyo. Hmp! Sasampigahin ko na kayo dyan eh."
"Yay! Thank you pandak. Tara Chad, doon tayo sa may mga chicks."
Aangal pa, bibigyan din naman yung dalawang siraulo. Tsk. Bago pa man makaalis yung dalawa ni Chad at Dwayne ay bigla silang bumalik at kinuha yung sandwich na kinakain ko. Pota, saka ulit sila tumakbo.
"Tayo na lang dalawa dito.." *wiggles eyebrows*
"Lul, wag mo akong idamay sa kagaguhan mo."
"Joke lang, tara dun tayo sa PIU Fiesta EX. Pero bili muna tayo ng token, inubos nung dalawa eh."
Bumili na muna kami ng token. Mga 20 pcs lang, kami lang namang dalawa eh. Pagkatapos naming bumili ay dumiretso na kami sa PIU kung saan nakita namin na naglalaro si Jeremy at Ella. Jusko, ang galing nung dalawa. Dito lang ata nagkakasundo yung dalawa.
Napatingin naman ako sa nanunuod sa kanila na si Darla at Firo. Di nawawala yang dalawang yan sa cameo eh.
"Yehey! Omaygash! Yeeey!"
Biglang nag-apir yung dalawa ni Jeremy at Ella habang tumatalon-talon.
"Nako naman sis, magkakasundo pala tayo--- FAFA RED!"
Nagtinginan naman silang lahat sa'kin. Si Mike, Ella (nakairap), Firo at Darla. Yung ibang tao naman kay Jeremy nakatingin. Okay, ang sakit sa tenga ng boses niya.
"Hi guys!" nag-small wave naman ako sa kanila. Hindi ko maiwasang lumingon-lingon para hanapin siya. Si Aya. Bakit kaya di nila kasama?
"Hi Kuya Red~" sabi ni Darla sa'kin at lumapit para makipag-fistbump. "..Kuya Mike~" ganun din kay Mike.
"Oh.. nagsama ka pa ng another treat. Pakilala mo naman akira Fafa Red." pumagitna naman sa'min si Ella. Aawayin na naman ako for sure. Aba kasalanan ko bang gwapo ako? Hahaha. "..Hoy Ellang tiyanak, lalayas ka dyan o sasabunutan kita?"
"Subukan mo lang.." pangte-threat sakin ni Ella saka siya umalis.
"Mike si Jeremy.. Jeremy si Mike."
Binangga naman ako ni Jeremy at nakipag-shakehands kay Mike. Nakatingin sakin si Mike na parang gustong-gusto ng umalis doon pero di niya magawa kasi ayaw siyang bitawan sa kamay ni Jeremy...
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...