Feya Shin:
Kakauwi ko lang ng bahay. Nakaka-imbyerna sa school. Di ko kinakaya ang happenings. Sino ka ba Fiona Serafie? And eew lang ha. Kasi nickname ay Fifi. Pero di nga, ano kayang magiging papel niya sa story ko? Narinig kong bumukas yung pinto at nakitang pumasok si Firo. Why so tamlay?
"Anong problema mo?"
"None of your business."
"Like hello, ate mo ako. Now, tell me what's wrong. Come and sit here."
Pinat ko yung space sa tabi ko. Mukhang na-hehesitate pa siyang umupo sa tabi ko at magkuwento. Hindi naman kasi yan mahilig mag-open sa magandang ate niya. Palibhasa, nagbibinata na ang kapatid kong 'to. May nililigawan na nga eh.
"I said sit here! Leche!" Umupo naman siya sa tabihan ko kaya umayos na ako ng upo kasi yung pwesto ko kanina ay parang nagle-labor ako. "Now what is it?"
"Hindi ko alam kung bakit ako nagkaron ng ate na kagaya mo. Ang layo-layo ng ugali mo sa ugali namin nila mommy. Ampon ka ba? Tapos ang layo din ng itsura mo samin. Siguro nga ampon ka talaga."
"Aayos ka o bibigwasan kita?!"
"Oo na! Eto na!"
"Go on. I'm listening."
Ayun nga nagkwento siya. And what the hell lang kasi yun daw kuya ng nililigawan niya eh napaka-yabang. Paalisin ba naman daw siya dun sa bahay. Tapos bago daw siya paalisin kung anu-ano pa daw yung sinabi sa kanya. Kesyo ganun, kesyo ganyan. Leshe! Wala pang gumaganyan ni isang beses sa isang lalakei sa angkan ng mga Shin.
Nako! Pag nakilala ko lang yang hinayupak na yan, malilintikan yan sakin. How dare he do that to my baby brother?! Ano nga? Ano nga bang pangalan niya? Yandrei? Sorry dude! Even though I don't know you personally, I hate you mentally. And now, you're a very lucky dude because you're on my hate list na. Jerk.
*
I was preparing to go to sleep na pero biglang tumunog si iPhone. Istorbo! Sino ba itong papansin na 'to? Kinuha ko sa nightstand ko si iPhone para i-check kung sino yung nagtext. Oh, it's that Andy again. The boring guy.
Hey! What's up? Badtrip.
Oh nothing. Why naman?
Nakita ko kasi yung kapatid kong nakikipag landian sa manliligaw niya dito sa bahay.
You're so OA. That's normal lang no. Teens yan eh! Hahaha
Protective lang talaga ako kasi babae yung si Darla. They're too young pa pero holding hands agad? What's that?! Tapos lagi pang hindi pumapasok kasi pinupuntahan lagi nung manliligaw niya. Actually, parehas silang bulakbol.
Hahaha. Bayaan mo na lang sila. Yung kapatid ko nga din eh. Super bulakbol. As in!
Tss. Basta. Ayoko pang magka-boyfriend yung kapatid ko. Nope!
Di naman natin sila mapipigilan. They have their own lives.
Well...
Hey umm, I'm kinda tired so I'll go to sleep. Good night Andy! :)
Oh, sure. Sige na. Good night.. FEYA?
You got it. Hahaha.
:)
Pagkatapos ng palitan namin ng messages, para akong tanga na nakangiti. Eh kasi parang na-iimagine ko kung anung itsura niya. Tapos ang protective niya sa kapatid niya. Sabagay babae. Pero kasi it's kinda cute for a guy to be like that. Akala ko boring siyang kausap. Parang wala lang. Tapos ngayon nagchika siya. Improving. I guess.
Hmm, when will I get to meet Andy?
Haay, I should go to sleep. Para bukas, maganda ako.
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...