Feya Shin:
"Bruha." Naramdaman kong may nagpo-poke ng pisngi ko. Aaah! I just want to sleep. I want to have a beauty rest.
"Ayaw mong gumising ha.. Felicity Aya Shin!"
"What the hell?! Natutulog ang tao oh. Bastusan?!" Sigawan ba naman ako sa tenga? Napaka-hilig talagang sumigaw nitong bwisit kong kapatid. Tingnan niyo, susupalpalan ko na ng sandamakmak na bulak ang bunganga neto soon.
"Nagugutom na ako oh. Wala pa rin si POKNAT."
Bumangon naman ako at umupo sa pagakakahiga ko. Nako! Pag nasira lang talaga ang beauty ko, maghanda-handa ka Fierr Rosh Shin. Makikita mo. Nakakainis! Bitin na bitin tuloy ang tulog ko. Siya lang talaga ang nakakapagpa-stress sa'kin ng ganito. Hay Lord! Bakit niyo po ba ako biniyayaan ng ganitong klaseng kapatid?
"Eh di magluto ka!" Sigaw ko sa kanya habang nagkakamot ng ulo.
"As if marunong akong magluto. Ipagluto mo na kasi ako!"
"Para saan pa ang maid brothaah?" Shunga ever talaga. Di nag-iisip. Kaya nga may maid kami diba? Nakakaloka.
"Tanga ka ate? Kakasabi ko lang na wala pa din si poknat."
"So para san pa yung mga food sa ref at sa pantry? Okay ka lang ba ha?"
"EH WALA NAMAN LAMAN YUNG PANTRY AT REF EH! TUBIG AT YELO LANG. ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?! DO YOU WANT ME TO EAT ICE AND CHOKE ON IT?"
Oh no! Wala ng laman yung ref? Ang poor naman namin ngayon ni brothah. Pero uy! May naalala ako. May isa pa nga pala akong credit card. But it's not actually mine. Feeling akin lang hehe. It's Dad's. Sabi niya gamitin lang daw yung card pag emergency. THIS IS EMERGENCY.
"Antayin mo ako. I'll just get changed. We're going to the grocery." Agad-agad naman akong tumayo at nag-tali ng buhok ko.
"K. I'll be waiting downstairs."
"Okay."
Lumabas na yung kapatid ko at ako naman ay pumasok na sa MAGANDA kong walk-in-closet para magbihis. After kong mag-paganda eh bumaba na din ako kasi nakakaawa naman yung kapatid ko at gutom na gutom na.
*
"May kulang pa ba?"
"May mata ka diba? Eh di ikaw mag-check."
"Che!"
Bwisit. Kinakausap ng maayos tapos ganon ang isasagot. Nakaka-gago lang. At dahil nga saksakan ng tamad ni Firo, ako na lang ang nag-check. Kumpleto na naman lahat except for one thing. The most important thing. The thing that makes me really happy.
☐ Nerds
Hindi ko pwedeng kalimutan 'yan. It's my all time favorite kaya hindi pwedeng mawala 'yan sa listahan.
"May nakalimutan lang ako. Dyan ka lang ah."
Hindi niya ako sinagot at isinaksak niya lang ang earphones niya sa tenga niya. Nice talking talaga Firo. Bakit ganon? Ang bait bait ko namang ate, pero bakit ganito ang kapatid ko. Lumayas na ako sa kinatatayuan ko bago ko pa makitilan ng buhay si brothaah sa sobrang inis.
Nang makarating ako sa mga candies na part ng grocery, agad kong hinanap yung Nerds. At pagka nga naman sinuswerte ang magandang 'to, nag-iisa na lang siya dun sa aisle kaya naman agad-agad akong lumapit para kunin ito.
"Excuse miss. Nauna ako."
"What?! I held it first."
Bwisit. Paano ba naman kasi, kukunin ko na 'yung Nerds pero may umepal na mais. Oo mais kasi parang gold na may pagka blonde yung buhok niya. Ay gwapo. Eh nako! So ayun nga! Nag-iisa na lang yung Nerds so thankful ako at naabutan ko pa. Nang biglang may humawak din dito. Oo! Aminado ako na nauna niyang mahawakan yun pero babae ako at maganda. Di lang man siya magpapaka-gentleman para ibigay sakin yung Nerds?
"I'm sorry, but nauna ako. Kahit ipa-replay mo man ang kuha dun sa cctv."
"Alam ko pero.. Di ka lang man maawa sa isang magandang kagaya ko?" Ayan Feya. Sana naman um-effect ang pag pa-pacute mo at charisma mo sa lalaking 'yan. Hinding-hindi ka niya mare-resist and that's for sure.
"Why would I? Sige. Bye!" Sabay hablot dun sa Nerds. "Thanks!"
Then lumayas na siya. Did that actually happened? First time lang nangyari sa buhay ko 'to. Oh no! Hindi man lang siya tinalaban ng alindog ko? I mean, charisma ko. Argh that mayabang na mais. Grabe! I can't believe this. Nananaginip ba ako? Tinampal-tampal ko yung braso ko at kinurot-kurot. Ouch! Naramdaman ko. Totoo nga! Totoo nga na nangyari yun. Gosh, I can't believe it! He didn't fall for my charm. Pero sht, goodbye my love. Goodbye Nerds.
Kung sino man yung mayabang na mais na yun, mabilaukan sana siya!
Bumalik na ako sa kapatid ko. na hanggang ngayon ay nagbabantay pa din ng cart namin.
"Bakit mukha kang namatayan?"
"Shut it. Tara na nga.." Napa-shrug na lang siya then nagbayad na kami.
I WOULD NEVER, EVER! FORGET THIS DAY!
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...