Red Sandoval:
3 days after
"Gagi! Nag-iisip ka ba?" She crossed her arms and rolled her eyes at me."Nas-stress ang beauty ko sa'yo Sandoval. My gosh!"
What? Masama bang i-suggest na tulungan niya akong mag set-up ng fake blind date with Fiona? What is so wrong with that? Girls, I just don't get where they're coming from.
"Bakit? Pangit ba yung naisip ko?"
"Sa tingin mo ba papayag 'yun na ibugaw ko na lang siya bigla? Of all people, ikaw dapat ang mas nakakakilala sa kanya."
Sabagay. Masyado kasi akong na-eexcite na makasama siya kaya 'yun agad ang naisip ko.
Nauna na paglalakad sa'kin si Feya kaya naman sinundan ko agad siya. Andito kami ngayon sa mall, trying to think of a plan on how to get Fiona back.
Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa'kin. Tumingin siya dun sa flower shop na malapit sa'min at saka ibinalik ang tingin sa'kin. Oo nga noh. Bakit ba hindi ko ko naisip yun? In order to get Fiona back, I have to start in the most simplest way.
"You're so brilliant." I chuckled. Pinagtaasan niya ako ng kilay at hinigit na papasok dun sa shop. Good thing that I've asked the right person to give me some help.
Yep! Nanalo ang kami. Hindi pa nga agad matanggap ni Feya noong una. Ewan ko ba dito. Tutulungan niya lang naman ako. That's all. Hindi naman siya mahihirapan kasi ako rin naman ang gagawa.
Nasa kabilang side ng shop si Feya, kaya sumunod na lang ako doon. Hindi ko rin alam kung anong pipiliin ko. Ang alam ko, pare-parehas lang silang bulaklak.
"Alin ba ang maganda dyan?" Tanong ko habang tinitingnan rin yung mga tinitingnan niyang bulaklak.
"Of course, ako." She said confidently. Hay nako Feya. Napailing na lang ako sa kanya. "Char. Bilisan na nga natin! May pupuntahan pa ako."
"You choose."
"That one, this one and that."
Sabi niya habang tinuturo-turo pa yung mga napili niya. She really has a nice preference. Feya is Feya. I really hope na magustuhan 'to ni Fiona. Sa ngayon, ipapa-deliver ko na lang muna sa bahay niya yung flowers. Like I said, let's start it simple.
Tinawag ko na yung florist para i-assist kami.
"Alright, my job here is done. Mauuna na muna ako sa'yo."
"Where are you going?" I raised my brow. Para kasing madaling-madali siyang umalis.
"Hmm, sa Mars." Minsan talaga nakakabaliw rin kausap 'tong babaeng 'to eh. "Kidding! Wag ka na magtanong, tinatamad akong sumagot."
"Fine."
"Ikaw na muna ang bahala dyan, next time ulit. Good luck big guy!"
She patted my back before leaving.
Okay Red, you better not screw this up. I'll get you back Fiona. Soon.
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
JugendliteraturBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...