FTF #39

1.7K 25 10
                                    

Bakasyon na, omg! After 1 month, nakapag-update din. Worth it naman siya dahil tapos na ang clearance ko AND omg omg omg umabot tayo ng 107.3K reads and counting. Yehet! Salamat sa inyo guys. Salamat ng marami. 

Please leave your comments. (badly needed)

Vote (if you think it's worth it chos)

*

Feya Shin's Point Of View:

after 5 weeks...


Gusto niyong malaman yung nakakainis? Yung ako pa talaga yung mag-aabot ng invitation kay Yaman. At sa school niya pa ha. Ang tamad-tamad kasi ng family ng Lopez, magkakadugo talaga. Nako ha! Talagang inutusan pa nila ang MAGANDA ha, So sa panahon ngayon, talagang ginaganito na lang nila ang BEAUTY ko? Ganon? Kakaasar. Ah basta! MAGANDA ako. Ay correcton, DYOSA pala. 

Pinark ko na muna yung kotse ko sa parking lot malamang, ng school ni Yaman. Bumaba na ako at pumunta sa may gate, iintayin ko pa siya. Kainis! In fairness maganda rin pala ang Brentwood, mas malaki siya ng konti sa Lewis. 

Mga ilang minuto na rin akong nakatayo dito sa labas, ayoko na. Di ko na kaya. Ang tagal naman kasi ni Yvonne. Nnong tingin niya, VIP siya? Excuse me, mas MAGANDA ako sa kanya.

Damn, magsho-shopping pa ako ng bagong damit at ng gift para sa party mamaya. At DAMN lang talaga, that ugly looking faggot security guard is checking me out. Oh well, mukha siyang pagong. Ang GANDA ko talaga. Inirapan ko siya at pumunta na lang sa isang convinience store. Dito na lang ako mag-iintay.

Hay nako! Hanggang dito, sinusundan pa rin ako ng mga kampon ng kadiliman. Bakit, ngayon lang ba sila nakakita ng MAGANDA? Duuuh. Ang hirap talagang maging maganda. Gusto niyo bang i-try? Nako, mahihirapan lang kayo. Yung tipong lahat ng ginagawa mo tinitingnan nila plus laging may pahabol na comment. O kaya wag niyo ng i-try kasi mahirap talaga.

Tumayo muna ako sa pagkakaupo ko at pumunta sa side kung saan andun ang candies. Nilapitan ko kaagad yung violet and pink na box. Alam niyo na? Wag slow. Sige sasabihin ko na, NERDS! 

Kukunin ko na sana yung Nerds nang tumunog yung phone ko. Tiningnan ko 'to, goooosh! Siya pala.

"O?" tugon ko. Wala eh, di na uso sa'kin yung Hello. 

"Nasa labas na ako, asan ka ba?"

"Pupuntahan na kita dyan." sabi ko habang naglalakad palabas ng store. Babalikan ko na lang mamaya yung Nerds bago umalis. Para pagkabigay ko kay yaman nung invitation, babalikan ko yung Nerds then diretso na sa mall.

"Alright. Bye.."

Ibinaba ko na yung call. Pagkalabas ko ng store, natanaw ko na agad si Yaman sa may gate. Lumapit ako sa kanya at iniabot yung invitation. Nag-usap kami ng konti pero di tumagal ay umuna na rin siya. Babalik pa daw siya sa loob kasi may naiwan. Bumalik naman ako sa convinience store para bilhin yung Nerds. Pagkakuha ko nung Nerds ay pumila na ako para magbayad. Geez, ang haba ng pila. Dapat talaga pinapauna na ang MAGAGANDA.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon