*
Feya Shin:
Nasa washroom ako ngayon at ako lang ang tao dito. Nag-decide akong tawagan si Jeremy at pasunurin siya dito para naman hindi ako ma-bored. Sobrang nakakawalang gana talaga ang mga kasama ko. Kaso ang rude naman ng image ko pag umalis na lang ako. Better na papuntahin ko na lang talaga si Jeremy dito.
"Hoy Bakla! Pumunta ka dito sa mall. Ngayon din!" Bungad ko kay Jeremy nang sagutin niya ang tawag ko.
"Nakakaloka ka, ang biglaan naman teh! Nagmo-movie---" Pagmamaktol niya sa kabilang linya.
"Isa, sasabunutan kita. I don't care kung may mahalaga kang ginagawa, basta pumunta ka dito."
"Gosh! Ano na naman bang crisis mo dyan girl?"
"JUST GO!"
"Fine fine. Send me the place. Bye!"
Lumabas na ako ng washroom at bumalik na sa table namin. Kanina pa ako asar na asar dito sa kumag na nasa harapan ko. Gosh! Kada balik nung waitress, nakikipag-flirt siya. Ang sakit nila sa mata. Feel na feel naman nung waitress, kala mo ang ganda-ganda niya. Duh! Ako lang ang maganda dito.
"Eyy, stop frowning. Lalo kang fumafanget." Tiningnan ko naman siya. Kailan kaya magkakaron ng sense ang lumalabas sa bibig nito? Tsaka, excuse me? Pumapangit? Hell no! As if.
"Could you just shut up? Stop talking to me as if we're close."
"Ouch! Bakit ba ang init ng ulo mo sa'kin?" Ipinatong niya sa table yung braso niya para mas mapalapit siya sa'kin ng konti. Inirapan ko lang siya. "Ganon ba ako ka-hot?"
"Hot? Sana masunog ka na dahil sa pagka-hot mo." Masungit kong pambabara sa kanya.
Tumawa lang siya sa'kin at nanahimik na. Hindi ko alam kung bakit lalo akong naiinis pag tumatawa siya. Para siyang ewan. Nag-phone na lang ulit ako para maiwasan si Yandrei the mayabang na mais. Nakaka-stress! I should've disagreed to this dinner. Sobrang nakakaewan lang.
"Ate Jem!"
Napatingin naman ako kay Darla na tumakbo papunta sa may pinto at may niyakap na pangit na nilalang. Wait! Pilantik pa lang ng mga daliri niya kilala ko na. Jeremy?! Sht, bakit sila magkakilala?! Hindi ko ma-process. Napatingin ako kay Yandrei na nagu-uubo na ngayon. Buti nga sa kanya!
*
Yandrei Drew Lopez:
"Ate Jem!"
Nasamid ako sa iniinom ko nang biglang sumigaw si Darla. Langya naman, wagas talaga ang boses ng kapatid kong 'to. Napalingon naman ako kay Jeremy at Darla. Anak ng tipaklong, anong ginagawa ng isang yun dito?
Nakita kong nag-usap pa sila bago tuluyang lumapit dito. Nilagpasan niya lang ako at umirap sa'kin. Sapakin ko kaya ng isa 'to? Maka-irap akala mo naman. Pasalamat siya mag-pinsan kami! Psh.
Nagulat na lang ako nung lumapit siya kay Feya. Lumapit siya kay Feya na ngayon ay parang gulong-gulo sa nangyayari. Ibe-beso sana siya ni Jeremy pero umurong siya. Teka, ano nga ba talagang ginagawa dito ng baklang--- WHAT THE FCKNG FCK?
And then it hit me.
*
Jeremy Garcia:
Nakakaloka 'tong BFF kong 'to. Nagmo-movie marathon pa man din ako ng Cheetah Girls. Nang makarating ako sa place na sinabi sa'kin ni Feya ay nanlaki ang beautiful eyes ko. Omg! Oh my pink gosh! Magkakasama sila Feya, Firo, and my cousins. Oh my! Hindi naman sinabi sa'kin ni Darla na si Firo pala ang jowa niya. Nakakalokang bata 'yun.
Pero mas oh my pink gosh! Ibig sabihin, nag-meet na si Feya at si Yandrei! Oh my gosh, hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. I feel like a cupid na talaga!
"Ate Jem!" Pagtawag sa'kin ni Darla. Batang 'to! Inunahan pang mag-jowa ang Ate Jem niya. Pero wait, namiss ko yung may tumatawag sa'kin ng ate. Siya lang ang tumatawag sa'kin non! Nag-hug at beso kami nang makalapit siya sa'kin.
"Ate! What are you doing here?"
"Bestfriend duties baby girl." Pag-sagot ko with hand gestures. "Nakakaloka ka! Bakit naman hindi mo minention sa'kin na si Firo pala ang jowabels mo?"
"Eh? Kilala mo ang boyfriend ko?" Nagtatakang tanong ni Darla.
"I'll tell you something baby girl.""
"Oooo-kay?" Hinawakan ko ang kamay ni Darla at nag-clear ng throat bago mag-explain sa kanya.
"Feya is my BFF. More like sissy na nga! Si Firo? He is Feya's brother kaya kilala ko siya. And remember your kuya's textmate?" Tumango-tango naman si Darla sa'kin. "Well, Feya is the mystery girl."
Habang pinapaliwanag ko pa ang ibang details kay Darla, tingin lang ako ng tingin sa kanila. Si Firo, busy sa paglamon. Si Feya pabalik-balik ang irap sa'kin at kay Yandrei my handsome cousin. Si Yandrei naman ay nakalingon din sa'min pero bumabalik din ang tingin kay Feya. Mukhang medyo napipick-up na nila. Em loving it na talaga!
Naglakad na kami papalapit sa kanila at nilagpasan ko lang si Yandrei with my famous irap. Ha! Sumakit ulo mo sa kakaisip ng mga nangyayari my dear cousin. Si Darla na lang ang bahala mag-explain kay Firo, tutal mukha naman siyang walang pakialam. As usual sa batang 'yon.
Ibe-beso ko na sana si Feya pero bigla siyang umiwas. What's wrong? Aaah! I'm loving my matchmaking show. Isinara ko na yung magic pamaypay ko na props ko kanina sa grand entrance ko.
"So, the two of you already met."
*
Third Person:
Yandrei was in fury nang marealize niya na si Feya na ate ni Firo at ang Feya niya ay iisa. Hindi niya napigilan ang sarili kaya lumapit siya sa pinsan niyang si Jeremy at saka ito sinapak.
"In-Antoinette Taus mo ang fezlakelz ko, to the left to the right! Oh my gosh, my beautiful face!" Pagre-reklamo ni Jeremy habang nakahawak sa mukha niya. "Nakakaloka! Napaka-cupid na nga ako for the both of you, tapos gaganituhin niyo pa ako?!"
"Ewan ko sa'yo Jeremy!" Bulyaw ni Yandrei.
"Buti nga." Madiin na sabi ni Feya habang patuloy sa pag-irap kay Jeremy.
"Eh bakit ba galit na galit kayong dalawa?! Kayo na nga dyan ang tinutulungan! Nakakaloka, nas-stress ako sa inyong dalawa!"
Panunumbat ni Jeremy. Umupo na lang sa tabi ni Feya na nakasimangot. Ang gusto lang naman niya ay lumigaya ang dalawa niyang mahal sa buhay, pero bakit parang mali ang ginawa niya? Maya-maya lang din ay kumalma na silang lahat.
Si Feya ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng matatalim na tingin kay Jeremy at Yandrei. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nasa harapan niya na sobrang kinaiinisan niya ay ang lalaki rin na wagas magpa-kilig sa kanya sa text. Hindi rin siya ganon ka-komportable dahil tinititigan lang siya ng lalaking nasa harapan niya.
Si Yandrei naman ay hindi mapakali sa upuan niya. Natahimik na lang siya. Hindi pa rin nagsisink-in sa kanya ang lahat ng nangyayari. At sa hindi malamang dahilan ay tinitigan niya ng tinitigan si Feya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Kung matutuwa ba siya o maaasar.
"Hoy gaga! Bakit ba badtrip na badtrip kayong dalawa?" Bulong ni Jeremy kay Feya. "Hindi ba kayo masaya na nag-meet na kayo? Ang small ng world niyo gosh!"
"Gustong-gusto kitang sabunutan ngayon."
"Ano ba talagang problem sissy?"
Hindi naman ito sinagot Feya kaya pinili na lang ni Jeremy na wag ng magsalita sa kadahilanang baka masapak na naman siya. Dahil sa sobrang pagkainis sa mga nalaman niya, tumayo na si Feya mula sa pagkaka-upo at nag-walk out. Wala na silang ibang nagawa kundi pagmasdan ang pag-alis nito.
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...