-
Fiona Serafie:
Earlier that day
"Cloud wait up!"
Sigaw ko sa aso kong nananakbo. Hinahabol ko lang siya. Gosh! Ano bang problema nito? I was just taking hiim for a walk tapos nung nalingat lang ako, bigla na lang tumakbo at bumatok ng bumatok.
Napatigil ako nang tumigil si Cloud sa hirap ng isang lalaki. Ang lalaking hindi ko inaakalang makikita ko ulit.
"Good boy! Where's your mom? Inaalagaan ka ba niya?"
Nakangiting sambit niya habang hinihimas-himas niya ang ulo ni Cloud. Kitang-kita ko sa kanya na masaya siya nung makita niya si Cloud, yung aso na bigay niya sa'kin nung kami pa. I thought I'd never see him again ever since the day we broke up, but here we are.Aaminin ko, I truly loved him. I did. Hindi nga lang kagaya ng pagmamahal niya sa'kin. Sweet siya, maalaga. He's very affectionate at palabiro din. Kaso minsan nakakainis na. Nakakasawa. I don't know. Or baka talagang hindi ko sa kanya hinahanap yun. Kasi sa ibang tao ko gustong matanggap yun.
"Hey."
Halos sumabog ang dibdib ko nang bigla siyang tumingin sa'kin at ngumiti. How can he be like that? He should hate me, but he doesn't. Geez! Ang awkward. Ganito pala yung feeling pag nakita mo ulit yung ex mo. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Feeling ko waterfalls na ang mga palad ko. The atmosphere is really weird.
"I knew it. Ikaw ang kasama niya.."
"Red."
"Fiona. How are you?" Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa'kin.
"I'm great. Ikaw, kumusta ka?"
"Good, I guess." Binuhat niya si Cloud at nilaro-laro ang paws nito. Medyo kinabahan ako nang lumapit siya sa'kin. "How's your new life?" Medyo natatawa niyang tanong.
"It's fine. Adjusting to it pero okay naman."
Tumango-tango naman siya. Nagkaron kami ng moment of silence. Hindi niya pa rin binibitawan si Cloud at naglakad lang siya. Ako naman parang tanga na sumusunod sa kanya. Walang nagsasalita sa'min. Ang hirap magpanggap na hindi awkward. Hays, bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng pwedeng makasalubong, siya pa?
"Balita ko sa LU (Lewis University) ka na."
"Yep."
"Yung rival pa talaga ng univ natin ah?" Natatawa niyang sabi.
"Well, I have my reasons naman why I transferred to LU."
"You never told me anything about that." Bigla naman siyang nag-seryoso.
"Hello, break na kaya tayo 'non." Medyo nagulat ako sa sinabi ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Stupid Fiona! Pero pagtingin ko sa kanya nakangiti naman siya. "Sorry."
"It's okay."
Naglakad-lakad lang kami kasama si Cloud, tapos nilibre niya ako. Okay na rin siguro yung ganito? At least sure ako na okay siya. Na okay kami at masaya na sa kanya-kanyang buhay. Nagkwentuhan na lang rin kami tungkol sa mga nakakatawang ganap nung andun pa ako sa univ namin.
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...