FTF #7

5.5K 68 10
                                    

Dedicated to @fckyeahrhen (Feya's OP). Thank you dear! And please also read @Rin_Anjela's story (My watty friend). Just click the external link. Thanks!


*


Feya Shin:


Vacant namin ngayon kaya naman pagala-gala lang kami ni Jeremy at Fifi ngayon. And yes! You've heard it right. Kasama namin si Fifi. Why? Kasi friends kami.  Kailan pa? Kahapon lang nung hinigit ko siya. 

Andito kami ngayon sa green field habang nag-kukwentuhan. Madali lang naman maging friend si Fifi. Mabait siya. Yun nga lang medyo tahimik. Kami lang lagi ni Jeremy ang nagsasalita. Lagi lang siyang si "ah","oh","ganun ba?". Nakakainis. Hindi ba marunong tong magsalita ng matino? Dib? Nakakaasar kapag ganyan yung kausap niyo. I really want to make tiris-tiris her pero I'll save it for the right time. Syempre nagkakatinginan kami ni Jeremy and alam na namin yung mga eye contact na yun.


"You know what Fifi? Ang ganda mo." Pag-cocompliment ni Gem sa kanya. Oo nga! Ang ganda niya. Ang ganda niyang tirisin.


"Yeah, Jeremy's right." Pag-agree ko. I know ang plastic ko pero I don't care. And once again, nag-eye-contact kami. We're mentally making lait-lait her on our minds. Ako nga lang kasi ang maganda dito. Wala ng iba! Kung may iba man.. charot. Basta wala. Ako lang! Me, myself and I.


Kinuha ko naman agad yung iPhone ko sa Prada bag ko nang tumunog ito. 


"Ay nako! Si couz na naman yan for sure." Excited na sambit ni Jeremy. Baklang 'to talaga, laking bugaw. Narinig ko namang tumawa lang si Fiona.


Tiningnan ko lang sila ng 'what?' look. Yun bang nakataas yung isang kilay, nakakunot yung noo tapos medyo nakangiti. Basta ang ganda ko. Agad kong in-enter yung pin ng ko at bumalandra sakin ang message ni Andy.


Good morning Feya!


Napangiti naman ako na parang tanga. Oh my gosh! Ang ganda-ganda ko talaga. Napatingin sakin sila Jeremy at inasar ako. Kesyo ganyan, kesyo ganon. Hay nako! Mukhang sila pa yung atat kesa sa'kin.


Morning. Wala kang class? :)

Wala. Hahaha. Ikaw? :)

Vacant. Have you eaten? 10:15 pa lang oh.

Not yet. Nakakatamad kasi.


And so on. Buong vacant ka-text ko lang siya. Si Jeremy at Fifi naman eh may sariling mundo. Alam ko namang pinaplastic lang din ni Jeremy si Fifi kaya wala akong dapat ipag-alala. I trust Jem naman.

Nang matapos ang vacant namin ay nagsibalikan na rin kami sa kanya-kanyang classroom. Unfortunately, kaklase din namin ni Jeremy si Fifi. Pero okay na rin! Mas lalo kaming magiging close ng Serafie na 'to.


*


Wala naman masyadong nangyari sa school. Pero si Fifi pa din ang napapansin nila. Like, hello! Andito ako people. Lagi nilang binabati etong babaitang ito. Well, I don't give an "F" about them. Anyways, na-eexcite ako sa PE namin next week. It's all about dancing! Oh my love for dancing is just too much. Let me tell you, ako lagi ang bida pag PE namin noh. Of course! Maganda na nga, magaling pang sumayaw. 

Pagka-park ko ng kotse ko ay nagmadali na rin akong bumaba para pumasok. Gusto ko ng sumayaw ulit! Nang buksan ko ang pinto namin ay nagulat ako sa babaeng nasa sala namin. Sino siya? Paano siya nakapasok dito?


"Uhh, hello po!" Nakangiti niyang bati sa'kin. 

"Not to be rude, but who are you? What are you doing here?" 

"I'm--"

"Darla. Ang tagal mo! Tsk."


Biglang epal ni Firo. Siya ba yung nililigawan nya? In all fairness naman, bagay sila. Mukha siyang mahinhin and cute siya. Inilapag na ni Firo yung snacks na kinuha niya galing sa kitchen at umupo na sa tabihan ni Darla. Umupo naman ako sa tapat nila.


"Feya, meet Darla. Darls, ate ko. Feya."  

"Hi Darls. I'm Ate Feya!" Nakangiti at masigla kong pagpapakilala sa kanya. She seems nice naman kaya I won't be too hard on her.

"Nice meeting you po Ate Feya!" Nag-shakehands naman kami. Bagay sila ha. Pero, oh my! This means, may bagong girl na sa buhay ni kapatid. So it means, pangalawa na ako? OA na kung OA, di niyo ako masisisi.

Hindi na rin ako masyado nagpatagal doon, gusto ko rin naman silang bigyan ng privacy. Nako! Wag lang silang gagawa ng kalokohan. Hays, nagbibinata na nga talaga ang kapatid ko. Well, that's life. Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Off to my dance studio sa kabilang room lang.


*


After exhausting myself out by dancing, nagpasya na akong magpahinga. Nag-indian seat ako habang nakasandal sa mirror at nagsimulang mag browse-browse sa phone ko. Napakunot naman ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan ng tumatawag sa'kin. Yvonne.


"Oh Yaman, napatawag ka." 

"Heeeey! Kumusta ganda?"


Aquisha Yvonne Monique Figuerroa. Sa sobrang haba ng name niya, Yaman na lang ang naging nickname ko sa kanya. Simply because she's mayaman. She's my childhood friend. Madalang na lang kaming magkita niyan kasi lagi siyang busy. Same with me. Laging conflict ang sched namin. So ayun, nagchikahan lang kami ni Yaman then ibinaba na rin niya kasi may lakad daw siya.

Tumayo na ako sa pagkaka-upo ko at bumaba. Pupunta ako sa kitchen para kumuha ng water. Mukhang wala na rin sila Firo at Darla. Saan naman kaya pumunta yung mga yun? Hmm. Baka lumabas. Haaay! Time for beauty rest na rin.

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon