After almost 10 months, nagbabalik wattpad ang baliw niyong author. Pasensya na po talaga! Naging busy lang tapos nasira pa yung desktop at itong mahiwagang laptop eh mahirap mag-update sa ipad and nag lie low. Nagrest muna! So I guess break time is over but I can't promise you guys na magiging daily ang update nito kagaya dati. Thank you pa rin po sa patuloy na nagbabasa nitong nakakabaliw na story na to kahit sobrang tumal ng updates. Meron pa bang readers dyan? Hahaha. Pero seriously, I'm very very very very very sincerely sorry. Babawi na talaga ako promise! By the way, welcome sa mga new readers dyan. *wave wave*
I proudly present to you the 2nd part of chapter 43. LOL! Gumaganon? Anyways, enjoy xx
*
FEYA SHIN:
Andito na ako sa kela Clark at nasa guest room ako ngayon. Nung inihatid ako ni Red ay ayaw pa nga niya akong pababain ng sasakyan. Sa unit niya na lang daw muna ako mag-stay kasi daw baka hindi naman mapagkakatiwalaan yung mga taong kasama ko dito sa bahay pero mas pinili ko na wag na lang sumama. Mahirap na, baka may makakita pa sakin na connected sa mga taong kakilala ko. Kagaya na lang kanina nung dumaan kami sa WU (Westminster University)
FLASHBACK
"Uy pula bakit tayo nandito? Sira ka ba? Paano kapag.. kapag.."
"Chill Aya, may kukunin lang ako. Pinapadaanan sakin ni coach, aalis din tayo kaagad."
Bumaba na si Red ng kotse at ako naman ay naiwan. Wala naman sigurong makakakita sakin dito? Sana. Binuhay ko na lang yung stereo ng kotse ni Red at nakinig sa music.
~ How could I have memories of being happy with you boy ~
"Bwisit."
~ Can someone tell me how can this be? ~
Pinatay ko na lang yung radio dahil nakakairita lang yung kanta. Masyadong senti, di bagay sa magandang kagaya ko. Lumingon na lang ako sa bintana at tumingin na lang sa mga padaan-daan. Ang tagal naman ni Pula. Ibinaba ko ng konti yung bintana kasi medyo mainit dahil patay yung aircon. Ayoko namang pawisin, mahahaggard lang ako.
"UY KOTSE YUN NI PARENG RED AH!"
Dahil medyo bukas yung bintana, narinig ko yung sumigaw. Patay. Padating yung members ng WW. Itinaas ko na ulit yung bintana dahil palapit sila dito. Buti na lang tinted. Lalong nalaki yung mata ko. Oh my gosh, sila nga. At kasama si.. kasama si..
"YANDREI! TINGNAN MO TO OH, ITO YUNG BAGONG KOTSE NI RED DIBA?!"
Lima lang sila ngayon. Kilala ko tong mga to, si Chad, Dwayne, Kai, Bryan at siya. Please please please, sana wag na silang lumapit pa. Please lang.
"LAKOMPAKE! UNA NA AKO SA INYO, MAY GAGAWIN PA AKO." masungit na sigaw niya kela Bryan. Nung makita ko siya, para siyang panda. Ang laki ng eyebags niya, halata sa kanya na wala siyang tulog. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo Kulangot--- what the hell Feya umayos ka nga. Bakit ka ba concern sa kanya? Eh ginago ka nga lang niyan eh! Tama na.
"AY TEKA, PASALAMIN. BAKA INAAMAG NA KAGWAPUHAN KO"
Bumalik naman siya at lumapit dito sa sasakyan. Hindi naman sobrang lapit, yung sapat lang para makita niya yung sarili niya. At dahil nga tinted yung bintana, dun siya nanalamin. Sa bintana na katabi ko. Hindi ko na napigilan yung sarili ko at napatitig na lang ako sa kumag na nananalamin sa harap ko. Gustong-gusto kong buksan yung bintana pero parang nakaglue yung kamay ko sa lap ko kaya di ko ito maigalaw. Hindi ako makagalaw. Yandrei...
Maya-maya rin ay natapos na siya at umalis na. Teka lang muna Yandrei..
"TINGNAN MO YUNG ISANG YUN OH, KANINA PA ALIS NG ALIS EH! IBA TALAGA PAG TINAMAAN.."
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...