FTF #4

7.1K 93 11
                                    

Dedicated to @beeyotch (Eydee Guzman or Ariesa Domingo) Dahil sa kanya, nakilala ko ang angkan ng Palma. Papabahid pala ako ng dugong Palma. Haha!


Feya Shin:


All the single ladies, all the single ladies

All the single ladies, all the single ladies

All the single ladies, all the single ladies

All the single ladies.. Now put your hands up! ♫



Right now, nasa dance studio ako which is inside our house. Yep! I really love dancing. It's my passion. I'm always spending my vacant time and weekends on dancing. Kaya ang sexy ko rin. Oh well! It's a saturday today kaya naman heto ako ngayon. Dancing! Napatigil ako nang may kumatok. Itinigil ko na muna ang tugtog. Sino naman ang istorbo na 'to? 


"Come in!"


Pumasok naman ang epal at sumandal ng maarte sa salamin habang nag-kukutingting ng, I don't know, tartar maybe, sa bibig niya. Leshe! Ang ganda-ganda na nung part um-epal pa ang bwisit naming maid. Si Poknat. Lagi siyang naka-make-up na makapal, di naman bagay. Laging naka accessories, di rin naman bagay. Hay poknat.


"You're so kadiri yaya ha. What brings you here? Alam mo namang ayoko ng istorbo pag nagsasayaw ako." Sambit ko habang nagpupunas ng pawis.


"Eh kasi Ma'am, may bisita kayo." Sabi niya with a lazy tone. Wow, parang labag pa sa loob niya yung pagdating ng bisita ko ha. Bahay mo ha? Bahay mo? Nakakaloka. Ganon pa rin naman ang posisiyon niya. Nakasandal pa din sa mirror.


"Sabihin mo teka lang. And will you please stop leaning on my mirror? Magkaka-prints mo pa 'yan ih. Go na! Shupi!"


Umalis naman siya ng kumekembot. So kapal poknat. Ako lang ang maganda dito sa pamamahay na ito. Psh. Lumabas na rin ako at dumiretso na sa kwarto ko para mag-shower sa CR ko. Syempre! Malamang pawisan ako. Kakadiri naman yun. Ang lagkit. Pero aba! Mabango ang pawis ko. Florabotanica yata ang gamit ko. 

Pagkatapos kong mag-freshen up, bumaba na ako para makita kung sino ba ang aking bwisita. What the heck? No no no. Hindi to pwede!


"BAKIT MAY BASURA KANG DALA?!" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"OA HA! BASURA AGAD? GALING LANG NG DIVISORIA, BASURA AGAD?! Pati wala bang welcome man lang? Tagal nating di nagkita ah."


Paano ba naman kasi, pagkababang-pagkababa ko eh nandun si Regine at may  mga plastic bags siya na nakapatong sa maganda kong sofa. Magkaka-germs. Shocks!


"Why would I welcome you? Alam mo bang ang mahal ng covers niyan?! Bili pa kaya yan nila mommy sa France."

"Ang feeling mo talaga. Di ka naman ganun kayaman! Well, I miss you naaa."

"Shut up. Palayasin kaya kita?"


At tinawanan niya lang ako. Kalokang 'to. Papalagpasin ko muna siya ngayon kasi wala ako sa mood makipag-talakan. Bago ako umupo sa tabi niya eh inalis ko muna yung mga plastic bags na nakalagay sa upuan with matching nandidiring hands. I'll use alcohol na lang later. 

Oops, before I forgot. Siya nga pala si Regine Harper Reyes. Galing lang siya sa middle-class family. Friend din namin yan ni Jeremy. Kaso siya nga lang ang napahiwalay samin ng school kasi lumipat sila. 


"Napadalaw ka ata? Nasira mo pa tuloy yung pagsasayaw ko."

"Eto naman, na-miss lang talaga kita. Nagpumilit pa kasing lumipat yung ewan kong stepmom. She's so irritating. I don't like her that much!"

"Gaga! Naninibago ka lang. You'll adjust in no time." Pagsesermon ko ng slight sa kanya. Loka-lokang 'to, buti nga siya andyan lagi yung stepmom niya. Eh kami ni Firo diba? At dahil ayoko rin ng masyadong drama, nag-change topic na lang ako.

"Maiba nga tayo. So, do you have LL na ba?" 

"LL?"

"Lovelife! Stupid."

"But cute!" Inirapan ko lang siya sa sinabi niya. "Wala ah. Di ko pa priority."

"Talaga lang ah?"

"Naman!"


Ayun, nagkwentuhan lang kami about some stuff. Tapos umuwi na rin agad siya. It's nice catching up with an old friend pero she's still not forgiven sa pagdadala niya ng mga cheap things sa bahay ko. Umakyat na ako nsa kwarto ko at doon na lang nag-stay. Lumalabas lang kapag nagugutom. Ang boring naman. Wala akong magawa. Wala si Firo, di rin pumupunta si bakla. What to do?


*


"Naman kuya ih! Wala naman talaga akong ginawa. Puhlease?" Sabay pout. Sana tumalab. Sana tumalab.


 "Nako miss! Oo maganda ka na." Napangiti naman ako. Yeees! He's letting me off the hook na. "Pero hindi ako tatalaban niyang pagpapa-cute mo. Bayaran mo na 'to." Oh my god! Hindi na naman tumalab. Omg! What should I do?


 "Manong guard naman. Maawa ka naman oh! Nagpaliwanag na naman ako diba? Wala akong kasalanan. Inosente ako. Promise. Pati nauna naman talaga ako ih. Di ka ba naaawa sa isang magandang kagaya ko?"


"Whatever. Ako na magbabayad."


Peste naman kasi 'tong tukmol na 'to! Kasalanan niya to.. Ayan tuloy! Argh! Mabuti nga at ikaw na ang magbayad niyan ng matigil na tong kahihiyan na to. Pinagtitinginan na kaya kami ng tao. Kung bakit ba naman kasi nagkita na naman kami ng mayabang na mais na 'to eh.


FLASHBACK


Pumunta ako sa mall kasi wala nga akong magawa. Tapos nagpunta ako sa isang boutique kasi bibili ako ng kung anu-ano lang. And oh wow! This shirt  is sooo maganda. Unisex pa! Imma buy this. Oh my g! I'm sure na babagay talaga to sa'kin. Hihigitin ko na sana yung shirt para humingi ng smaller size nang biglang...


"Eyy I call dibs on it!"


Siya na naman. Si mayabang na mais. Sa way ng pagtingin niya sakin eh alam ko na na natatandaan niya ako. Nakakaasar yung mukha niya kahit gwapo. Sarap tusukin ng mata. Hindi ko malilimutan kasi siya kaya yung kumuha ng Nerds ko. Inirapan ko lang siya at nakipaghigitan ako sa kanya dun sa damit.

At dahil sa force, napilas yung shirt. 

Hindi ko naman pati agad nakita yung price ih. Kulang yung budget ko kasi nga naubos na yung laman nung credit card ko. Oo nga pala! Why is this happening to me ba ha?! 


END OF FLASHBACK


So ayun! Tiningnan niya ako na parang ewan bago siya umalis kaya inirapan ko rin siya. Madapa ka sana. Hmp! Mukhang magiging sumpa na siya sa'kin ah? Yung tipong pag nakita ko ulit siya, mamalasin na naman ako. Actually, confirmed na may curse siya eh. Noong una, sa grocery. Ngayon naman, yung nangyari kanina.

Nako! Nanggigigil ako sa kanya ah. Wag na wag na siyang magpapakita sakin! Sayang ang gwapo pa naman pero pwe! Hindi. Aaah! Gusto ko siyang tirisin!  Sana lang talaga hindi na kami pagtripan ng universe kasi nasusulasok na ako sa kanya. This is the last time na talaga!

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon