*
Feya Shin:
Seriously, ever since that incident happened. Unti-unting naha-haggard ang beauty ko.
Tapos na ang sembreak namin. Andito kami ngayon nila Jem at Fifi sa school grounds. And here I am.. thinking.
Why did he disappeared? Hindi na rin siya nagpaparamdam and it frustrates me.
FLASHBACK
Do I really want this? Will I take the risk? What will happen if I let him? Di ko rin alam, nalilito ako sa nararamdaman ko. Naramdaman ko na lang na napapikit ako.
Unti-unti siyang lumalapit sa'kin. Sobrang higpit na rin ng pagkakayakap ko sa binti ko. Kinakabahan ako. Parang at any moment kakawala yung puso ko sa dibdib ko not until he stopped getting close and started speaking.
"I like you."
Napamulat ako. Tiningnan ko ang mukha niya and I saw the sincerity through his eyes. He likes me?
Lalapit na ulit siya nang bigla akong tumayo at tumakbo papasok sa loob.
He likes me? Oh my god! I smiled like an idiot to myself. Gusto niya ako. Gusto niya ako! Naramdaman ko na lang na pinapaypayan ko ang sarili ko. Gosh! Why do I feel so giddy? Ang ewan. Ang saya-saya ko. Napapapadyak pa ako dito habang hawak ang ngayo'y namumula ko ng mukha.
Sayang ang ganda ko kung hindi ko siya haharapin. Nagpatagal muna ako sa loob at pinakalma ang sarili ko.
Feya you can do this.
Lumabas na ulit ako para bumalik dun sa may puno. Pero nang nakabalik ako doon ay wala na siya. Where is he? Oh my gosh, did he left? After his confession, he suddenly left. What the hell was that supposed to mean?!
Dismayado akong pumasok sa loob at nakita ko si Thyrone at Lay.
"Ano?! Pauwi na daw siya? Sabihin mo pagdating na diyan gago siya!"
Iritang tugon ni Thyrone sa kausap niya sa phone. Si Lay naman napahilamos na lang. So umalis nga siya? Para siyang tanga! Ano na naman bang drama ma? Nakakainis!
Tumingin sa'kin yung dalawa.
"Hey, uuna na kami ha? Gago yun si Yandrei, iwan ba naman kami."
"Sige babes, pakisabi na lang sa kanila thank you."
Ngumiti at tumango na lang ako sa kanila. Lumabas na sila at naiwan ako dito. Pati yung dalawa iniwan niya? What the hell is wrong with him?
END OF FLASHBACK
Hindi kaya inisip niyang ayaw ko sa kanya kaya siya umalis na lang bigla? Well,ayoko sa feelings ko sa kanya but I think I'm starting to like him. Hmm, siguro nga ganun yung inisip niya niya. Eh kaya lang naman ako tumakbo kasi naglabas lang ako ng kilig.
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Teen FictionBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...