Feya The Feelingera's OST at the side. "Underneath" by Jojo
I suggest that you listen to it while reading Feya's point of view.-
Yandrei Drew Lopez:
"Saan ka galing?!"
Maangas kong tanong sa kay Feya.
Akala niya siguro ako si Red.
Tss. Nakakaasar talaga! Nakakagago. The fck! Kami ang magkasama at nag-date nung isang araw. Kahapon ang weird niya kasi ang simple niya tsaka nung kasama niya. Ngayon naman magkasama sila ni Red. Pota naman oh.
Oo! Ako yung sumusunod sa kanila.
Balak ko kasi sanang sundan sila ulit nung kasama niya kahapon dahil walang practice ngayon. Pero anong nadatnan ko? Anong napala ko sa pagsunod ko? At bullsht lang kasi si Red pa! Paano ba sila naging magkakilala?
Ngayon, sigurado ako na siya yung katext ni Red kahapon.
FLASHBACK
"Lapad ng ngiti ah. Chix ba yang katext mo?" Tanong ko sa kanya. Kaninang-kanina pa siya naka-ngiti.
"Gago hindi."
"Akala ko ba si Fiona lang?"
Pang-aasar ko sa kanya kaya napatawa siya ng mahina.
Naalala ko noong nag-break sila. Halos wala sa sarili 'tong si Red. Hindi pumapasok, hindi na-attend ng trainings namin. Hindi rin kumakain. Lagi nag-aayang uminom. Para siyang ibang tao.
Mabuti na lang medyo okay na siya ngayon.
END OF FLASHBACK
Pasalamat siya at medyo mabait pa ako. Kung hindi ako nakapag-timpi kanina, baka binangasan ko na siya.
Feya is mine. She's my Fanget. She's only mine! Fck this sht. Yes! I admit that I like her already. I really like her.
And right now, I just feel really mad. Nakakagalit lang na may kasama siyang iba. Tropa ko pa!
"What the fck are you doing here?" Siya pa talaga ang may ganang mag-mura?
"I said, saan ka galing? And don't cuss!"
Sigaw ko sa kanya.
Nakakapang-init ng ulo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko para akong pinagtaksilan, kahit hindi naman kami. Pero kahit na! Ano yon, she got out on a date with me and then the next minute, iba na yung kasama niya. Pinaglalaruan niya ba ako?
"Hoy Yandrei Drew Garcia Lopez, ang lakas naman ng loob mong sumugod dito at pagtaasan ako ng boses. Ano bang problema mo?!"
"Just fcking answer me!"
"Ewan ko sa'yo! I don't know what the yell is your problem! Para kang tanga!"
Nagsisigawan kami. Parehas mainit ang ulo namin. Siguro ito na yung pinaka malala naming bangayan sa lahat ng mga naging bangayan namin.
Buti na lang talaga at umalis na si Red dahil baka hindi ako makapagpigil na suntukin siya ng isa. Tangina talaga.
Pataas na siya ng hagdan kaya naman mabilis ko siyang sinundan at hinawakan sa braso niya.
"What the-- let go of me! Ano bang problema mo?!"
I pinned her against the wall.
I don't even know why I fell for this woman. Wala naman special sa kanya! Puro nga lang kami barahan. Hindi lumilipas ang gaguhan na usapan kapag magkasama kami, kaya hindi ko talaga malaman ang dahilan kung bakit.
BINABASA MO ANG
Feya The Feelingera (REVAMPING)
Genç KurguBEING REVAMPED (ON HOLD) Meet Feya. Ang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi ang ipagmandakan ang kanyang kagandahan. Masasabi mo na nasa kanya na ang lahat-lahat. The fortune, the looks, let's say good attitude na rin. Friends? Siguro. Pero...