FTF #42

1K 28 9
                                    

So after 1 or 2 months ata (ilan po ba?), here na po. Sorry talaga! Kung hindi niyo natatandaan yung last na nangyari, you can re-read the previous chapters naman. Sorry talaga. Sorry sorry sorry sorry sorry~

Comment kayo ha! Maarte kasi ako. Ang saya kasing magbasa ng comments lalo na yung mahahaba. Dali na! omment kayo ah? Hahaha.Yung may mga kinikimkim na may gustong sabihin, ilabas yan. Tapos may story pala din akong pinost sana basahin niyo rin, "My Tutor Is A Kissing Monster" kung may time kayo or kung gusto niyo lang naman. Click the external link :)

☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆

YANDREI DREW LOPEZ:

"Oh hijo, ikaw pala. Napapasyal ka ata."

Sa wakas! Matagal-tagal rin akong nakatayo dito sa harapan ng gate, nag-iintay na may lumabas para pagbuksan ako.

Hindi ako nakatulog ng ayos kagabi kaiisip kung saan ko ba sisismulan ang paghahanap ko. I didn't have any clue. Pero bigla kong naalala na meron palang isang lugar na may posibilidad na pumunta siya. At ngayon, nandito na ako.

I was hoping. Umaasa ako na tama ang pinuntahan ko. Sana tama nga ang instinct ko, sana andito siya. Medyo namamawis yung kamay ko, kinakabahan din kasi ako. Baka kasi bigla lang bumagsak yung expectation ko. Sana talaga andito siya.

"Diba ikaw yung kasama nila Feya dati?"

"Ahh opo ako nga po."

"Buti na lang at tanda pa kita. Oh, napadaan ka hijo. Ano bang maitutulong ko sayo?"

Huminga muna ako ng malalim saka ulit nagsalita.

"Itatanong ko lang po sana kung napapadaan si Feya dito."

Pagkasabi ko nun, bigla na namang pinawis yung kamay ko. Ewan ko ba. Bakit pakiramdam ko, mali yung instinct ko. Parang mali na dito ko siya hanapin. Ewan. Wala namang masama na magtry diba? Wala namang masamang magbaka-sakali.

"Ahh si Feya, pasensya na hijo pero hindi eh. Matagal-tagal na rinsiyang hindi bumabalik dito."

Nadismaya ako. Alam kong madami pang pagkakataon at lugar pero isa tong lugar na to sa mga posible niyang puntahan. Feya, saan ba kita hahanapin? Bumalik ka na please. Miss na miss na kita.

"Ganun po ba? May alam pa po ba kayong lugar kung saan madalas niyang puntahan?"

"Pasensya na hijo, pero wala talaga. May problema ba?"

"Ahh wala naman po, sige po salamat na lang. Uuna na ako, pakisabihan na lang ako pag napadaan siya dito."

Nagbigay naman ako sa kanya ng papel kung saan nakasulat ang phone number ko. Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako sa kanya. Tumalikod na ako para umalis pero napatigil naman ako nang may sumigaw.

"Waaaaaaaaah!"

Napalingon kaming parehas doon sa sumigaw na bata. Para namang gumaan kahit papano yung pakiramdam ko.

"Oh,anong problema?"

Napangiti naman ako dun sa bata. Lumuhod ako para makapantay ko si Abby at tsaka ko pinat yung ulo niya. Nagulat naman ako nung bigla niya akong niyakap. Promise! Ang sarap sa pakiramdam. Wala na rin akong nagawa, niyakap ko na rin siya pabalik. Namiss ko 'tong batang to. Nung niyakap niya ako, biglang nagflashback sa utak ko yung mga nangyari nung araw na sinundan namin nila Lay at Thyrone dito sila Feya at Yvonne dito...

"Abby tama na yan, pumasok ka na sa loob." nagsalita bigla yung madre. Siya yung madre na naghabilin samin ni Feya na bantayan daw muna si Abby.

Bumitaw naman si Abby sakin at humarap doon sa madre

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon