FTF #21

4K 31 8
                                    

*

Fiona Serafie:

"Omg! So ano pang nangyari? Hindi ako makapaniwala na magkikita pa pala kayo ni Red. Paano na si Yandrei?"

"Boba! Hindi naman sila nagkabalikan ni Red, okay?! Pero girl, gwapo rin 'tong si Red ha. Pwedeng akin na lang?"

"Gaga! Napaka landi neto."

"Wow, akala mo siya hindi."

Ingay nitong dalawang bruha na 'to. 

Andito nga pala ako sa spa with my bitchfriends, as I call 'em. Ngayon na lang ulit ako nagkaron ng time na makipag-catch up with Marga and Chloe. But of course, ako ang pinaka btch sa'min.

Ikinuwento ko kasi sa kanila na nagkita kami ni Red last month kaya naman ganyan silang maka-react.

"Pwede ba? Manahimik nga kayo. Sumasakit ang ulo ko sa inyo."

Inirapan ko sila at minassage na lang ang  temples ko.

Hininaan naman ng dalawa ang paguusap nila kaya pumikit na lang ako. Time ko to para mag-relax at magpaganda dahil sobrang nakaka-stress lately.

Masyadong madaming nangyayari, hindi ko na masyado mapagtuunan ng pansin ang dapat kong gawin. I have to focus. I didn't transfer to LU para lang sa wala.

"Oo nga pala girl, we saw something yesterday." Pagche-change topic ni Chloe.

"Actually, hindi nga something eh. It's a someone." Dagdag naman ni Margaret.

Napamulat naman ako at napatingin sa kanila.

Curiosity killed the cat. Tiningnan ko sila na para bang sinasabing.. TELL ME NOW OR YOU'RE BOTH DEAD.

"Okay! Marga ikaw na ang mag-tell sa kanya ng story. Sumasakit ang headache ko."

Tss. Sasakalin ko'to eh.

Pumikit siya at humiga. Naiwan naman kaming gising ni Margaret.

"Kasi, we were namamasyal yesterday. We were buying ice crea. Nagulat nga kami nung nakita namin siya eh---"

"Just go straight to the point! Dami mo pang sinasabi."

"I saw-- I mean, we saw Yandrei with a girl yesterday. I hate to tell you this sis pero kasi.. they were so sweet."

"WHAT?!"

Pakisampal nga 'tong nasa harapan ko.

Ano kamo? Si Yandrei may kasamang babae. Tama ba yung narinig ko? At ano daw? Sweet?!

Malaman ko lang kung sino ang babaeng 'yun, malalagot siya sa'kin. Bwisit siya. Kung inaakala niyang malalandi niya ng basta basta si Yandrei, she's wrong.

Humanda handa siya sa'kin. Ingungudngod ko siya sa sahig.

"Paano na Fi, what's your plan na?"

"Just wait. Kapag nalaman ko lang kung sino siya, you better prepare your popcorn. Mapapanood niyo na ang real Fiona."

"Ooh, fiery Fiona is back. I like that!"

Napangiti na lang ako sa sarili ko.

Just wait, malalaman ko rin kung sino ka.

*

Red Sandoval:

"I'm here Aya."

Feya The Feelingera (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon