Chapter 1

2K 26 1
                                        


"CLINT!" Pagkarinig pa lang ni Clinton sa boses ng nanay niya, alam niya ng late na siya. Agad siyang tumayo at dumiretso sa banyo. Siguro ay nakalimutan niya na namang i-on ang alarm clock kagabi. Halos madaling araw na kasi siya naka-uwi dahil nag-celebrate pa sila sa successful na exhibit ng maestro niya.

"Good morning artist" Bati ng papa niya. Artist ang tawag sa kanya ng papa niya dahil siya lang ang nag-iisang mahilig mag-paint sa pamilya nila, kahit sa side ng nanay niya.

"Kumusta ang party kagabi?" Tanong ng ate niya habang nilalagyan ng gatas ang cereal ng bunso nilang kapatid.

"Okay lang. Pero mamaya ko na lang ike-kwento lahat. Sige alis na 'ko." Sabi ni Clinton na may kagat-kagat na sandwich, sabay pa-alam sa kanila "Late na si kuya!" Ang huli niyang narinig mula sa bunso niyang kapatid.

Halos natatapilok na siya sa pagkuha ng bike niya. Pina-andar niya 'to ng mabilis at hanggang sa kaya niya. Mahirap rin magpa-andar ng bike habang may malaking sketchbook na nakapatong sa likod mo. Mabuti na lang at sanay na siya dahil kung hindi, matagal na siyang pinaglalamayan ng pamilya niya sa sobrang daming sasakyan na kailangan niyang iwasan araw-araw, lalo na kapag nagmamadali siya.

Maganda at maayos pa naman ang pag-ilag niya sa mga dumadaang sasakyan, 'yung tipong hindi pa mahuhuli ng pulis pero isang hakbang na lang ay malapit na dun. Hanggang sa napakurap lang siya sandali, may babae ng dumadaan sa harap niya. Agad niyang hinawakan ang break para hindi siya matumba at para hindi niya masagasaan ang babae, pero huli na ang lahat.    

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon