Chapter 15

410 8 0
                                    

Kakarating lang ni Clinton sa paaralan nila. Pagkarating niya, halos lahat ng kaklase niya ay pa-ikot-ikot sa isa't-isa, tinitingnan nila ang bawat project. Pinadala kasi sa kanila ng maestro nila ang mga final project nila, finish or unfinish, sa hindi malamang dahilan. Dito na lang daw nila tatapusin sa school. Pero mukhang tapos na rin sila lahat rito.

"Clintooooon!" Pagtawag sa kanya ni James nung nakita siya nito. "Patingin ako ng project mo."

"Patingin muna ng sa'yo."

"Tss. Nandun sa table ko." Binigay ni Clinton ang sa kanya at pinuntahan ang table ni James. At ang pininta nito ay ang garden ng mama niya.

May ideya na si Clinton na ito nga ipipinta ni James. Huli niya kasing nakasama ang mama niya sa garden nito. Iniwan sila nito nung ten years old pa lang siya. Pero ni minsan, 'di siya nagtanim ng sama ng loob rito, pati rin ang papa niya. Siguro ang ate niya lang. At nung wala na ang mama niya, siya ang nag-alaga ng garden nito. At kahit dakilang babaero si James, uunahin niya pa rin ang garden ng mama niya kesa sa mga babae niya.

"Si Autumn?" Tanong ni James na nasa likod na niya. "Bakit si Autumn? I mean, oo, maganda siya, wala namang duda dun. Pero, in-expect ko talagang ipi-paint mo ang pamilya mo or ang grape plantation ng lolo mo."

"'Yun na nga 'yung dahilan, kasi maganda siya." Pagdadahilan niya. Pero hindi lang talaga 'yun ang dahilan.

"Sus! Kilala kita Clinton, hindi ganyan kababaw ang dinadahilan mo sa mga pini-paint mo. Sabihin mo na kasi sa'kin ang dahilan!" Parang bata na pagmamaka-awa ni James. Pero 'di na siya nasagot ni Clinton dahil dumating na ang maestro nila. Agad naman silang pumunta sa mga table nila. At bago nag-simula ang klase, tiningnan muna ni James si Clinton ng sabihin-mo-sa-'kin-mamaya look.

"Good morning, étudiantes" Bati ng maestro nila sa french accent.

"Good morning, maestro." Bati naman nilang lahat.

"Sa nakikita ko, dala niyo ang mga paintings niyo." Paninimula ng maestro nila. "Natapos niyo na ba 'yan?"

"Yes, maestro."

"Bonne. Dahil may ipapagawa ako sa inyo. But before ko sabihin 'yan, sasabihin ko muna ang dahilan kung bakit ko pinadala ang mga projects niyo. Ngayon niyo ipe-present 'yan sa juries, 12 pm magsisimula."

Nagkaroon ng commotion pagkasabi ng maestro nila nun. Sinabihan na sila dati ng maestro nila na ipe-present nila ito sa mga piling juries, kasali na ang head ng Art Program at ang director ng Art University. Pero hindi nila inaasahan na ganito kaaga kaya hindi sila nakapag-handa.

"Silence!" Tumahimik naman silang lahat. "I know na masyadong maaga at hindi niyo inaasahan. But ngayon lang pwede ang director ng AU. After this day, wala na siyang free time dahil may mangyayari pa'ng exhibit sa AU at may exhibit pa sa Europe na kailangan niyang puntahan."

"Eh pa'no po ang written report?" Tanong ng isang estudyante.

Beside pa kasi sa painting, kailangan rin nilang gumawa ng written report na magsisilbi na ring college application. At parang essay version lang naman ng explanation nila sa pagpe-present ng painting ang gagawin nilang written report.

"Okay lang ang written report dahil pwede naman natin 'yang ipadala sa kanya any time." Pagdadahilan nito. "I suppose habang pini-paint niyo 'yan ay may naiisip na rin kayong explanation. Any questions?"

"Mga anong oras po kaya matatapos ang presentation?" Tanong ni Clinton. At gulat siyang tiningnan ng maestro niya.

"I did not expect na ikaw ang magtatanong niyan, Monsieur Arellano. But, well, I think lagpas ng usual time natin which is 2:30. Alalahanin niyong tatlong class ang nagte-take ng Art Program sa school na 'to. And per class ay 25 students." Sagot naman nito. "By the way, hindi nga pala by alphabet ang pagtawag sa inyo, bubunotin kayo isa't-isa. Anyways, sasabihin ko muna kung ano ang activity niyo." Habang nagsusulat sa white board, tinanong ni James si Clinton.

"Huy! Ba't parang ayaw mong mag-present?" Tanong nito sa best friend.

"Hindi naman. Kailangan ko kasing puntahan si Autumn mamayang alas tres. Ooperahan kasi siya ngayon at nangako akong pupunta ako bago pa siya ma-operahan." Nag-aalala at kinakabahan niyang sagot rito. Kailangan niyang makapunta, ayaw niyang masira ang pangako niya kay Autumn.

"So, makakakita na siya? Woah! Congrats!" Masayang bati nito. "Subukan mo na lang magpa-alam kay maestro. Malay mo magka-credit ka kasi ikaw naman ang best student niya."

"Sana."

Nung nagkaroon ng pagkakataon si Clinton na kausapin ang maestro nila, agad niya itong nilapitan sa table niya.

"What can I do for you, Monsieur Arellano?" Tanong nito na may tunog french pagkalapit niya.

"Maestro, may ipagpapa-alam lang po sana ako sa inyo. Pwede po ba'ng umuwi muna ako pagpatak ng 2:30? May importante lang po kasi akong pupuntahan."

"Gaano ba 'yan ka-importante at mas importante pa sa presentation ng final project mo?" Tanong ng maestro niya. Magsasalita pa sana si Clinton ng bigla siyang pinigilan ng maestro niya. "Clinton, alam kong alam mo na ikaw ang pinaka-best estudyante ko. And there's no doubt about that. Pero hindi ibig sabihin niyan ay pwede ka ng magkaroon ng incentive."

"Pero ma--"

" Monsieur Arellano, kung importante talaga sa'yo 'yan, then go. Pero kapag natawag ka at wala ka pa rin rito, wala na 'kong magagawa. You will lose your chance sa AU, mawawala ang isang taon mong pinaghirapan rito sa Art Program" Sagot niya sabay ngiti at sabing "Pwede ka ng bumalik sa upuan mo." Bumalik si Clinton sa upuan niya.

"So ano? Pumayag?" Tanong ni James pagkabalik niya sa upuan.

"Hindi." Nawawalan na ng pag-asa niyang sagot.

Ang tanging pag-asa na lang ni Clintonngayon ay ang siya ang unang mabunot at matawag. Dahil kung hindi... agad inalissa isip ni Clinton na hindi siya makakapunta. Kailangang think positive. Makakapunta siya kay Autumn. Hindi niyahahayaang mapako ang pangako niya. Hindi niya hahayaang maghintay ito sa wala,ma-disappoint, at malungkot. Makakapunta siya. Sana.    

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon