Chapter 20

422 9 0
                                    

Laging parang walang gana si Clinton sa mga ginagawa niya simula nung araw na 'yun. Parang lagi siyang tinatamad. Kahit nga sa klase niya, hindi siya makakapag-simulang mag-sketch or mag-paint kung hindi siya makikita ng maestro niyang nakatulala sa harap ng blankong sketch pad at tatawagin ang pangalan niya. Kung hindi nila maestro ang nakaka-pansin, si James. Alam na rin ni James ang nangyari at napapansin niya na ring may pagbabago kay Clinton. Kaya kahit alam niyang wala naman itong interes sa kalokohan niya sa mga babae, sinasama niya pa rin ito para tulungan ng maka-move-on. Pero wala pa rin namang nangyayari. Ganun rin ang pamilya ni Clinton, mas naging maingay pa nga bahay nila dahil ayaw nilang makulong si Clinton sa katahimikan at kalungkutan. Pero wala pa rin. Sobra talaga itong nasaktan na kahit ang best friend at pamilya nito ay hindi na alam kung pa'no siya tulungang maka-move-on.

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung umalis si Autumn. Pero para kay Clinton, ilang taon na. Para sa kanya, naging mahaba na ang mga araw na nagdaan simula nung umalis si Autumn. Sa sobrang haba, na-bored na siya at dahil sa sobrang bored, nawalan na siya ng gana.

"Clinton!" Narinig niyang tawag sa kanya ni James. "Labas ka muna sandali!"

"Bakit?"

"Basta!" Bigla siyang hinila ni James palabas ng classroom nila at dinala siya nito sa Announcement Board ng Art Program.

"Ano ba'ng ginagawa natin dito?" Tanong niya kay James.

"Tingnan mo 'yung results ng presentation natin." Sabi ni James sabay turo sa papel na naka-dikit sa board. At nakita ni Clinton ang pangalan niyang sunod sa number 1, na may average na 98 percent.

"98 Clinton! Diba sabi ni maestro na kapag 95 up ang magiging average mo sa presentation, sa France ka pag-aaralin ng AU? Sa France ka mag-aaral, Clinton!" Masayang bati niya sa kaibigan.

Masaya na sana si Clinton kaso... naalala niya ang taong naging inspirasyon niya. Wala ito rito ngayon. Pa'no niya masasabi rito na siya ang dahilan kung bakit nagawa niyang maka-kuha ng average na 98? Na makakapag-aral siya sa France ng dahil sa kanya? Biglang nag-lahong parang bula ang kasiyahan niya at bumalik siya sa room nila na nanghihinayang at nalulungkot. Sinundan naman agad siya ni James.

"O, ba't parang 'di ka masaya?" Tanong ni James pagkarating nila sa room. Hindi siya sinagot ni Clinton at sinandal lang nito ang ulo sa lamesa. Parang alam na ni James ang dahilan kaya napabuntong-hininga na lang siya at napa-upo sa upuan niya. Akala niya kasi na eto ang makakapagpahupa ng kalungkutan ni Clinton.

Tahimik lang silang naka-upo ng biglang narinig na James ang hikbi ni Clinton. Umiiyak na naman ito. Bumalik ang sakit ng pag-alis ni Autumn dahil sa na-realize niya: wala na ang inspirasyon niya. Gusto sana ni James na hayaan lang muna ang kaibigan pero hindi niya napigilan ang sarili na mag-salita.

"First love mo siya kaya ka nasasaktan ng ganyan." Paninimula ni James. "Pero alam ko na kahit hindi, masasaktan ka pa rin ng ganyan. Clinton..." Napahinto si James. Alam niya kasing pangarap ng kaibigan niya ang pagpi-paint at walang makakapigil sa kanya sa pag-abot nito. Pero baka ngayon, meron na. "Pwede mo namang i-pursue ang pagdo-doctor."

Napa-angat ng ulo si Clinton at tinuon ang namumula ng mata sa kaibigan. Nalilito niya itong tiningnan.

"Suggestion ko lang naman 'to. Diba sabi mo sa 'kin, na kailangan pa ng medication ni Autumn kahit pagkatapos niyang operahan. Mahal na mahal mo kasi siya at kahit hindi mo sinasabi, alam kong gusto mo siyang makita ulit. Malay mo kapag naging doctor ka, lalo na kung eye specialist, magkita kayo ulit."

Dumaan muna si Clinton sandali sa sea wall. Alam niyang wala ng naghihintay sa kanya rito. Pero, inaamin niya, naghihintay pa rin siya. Alam niyang dapat mas nangingibaw ang galit niya kay Autumn at 'yun rin ang gusto niya para makalimutan niya na 'to ng tuluyan. Pero kahit marami pa siyang rason para magalit rito, nangingibaw pa rin ang nag-iisang rason niya kung bakit hindi niya magawang magalit rito. At 'yun ay mahal niya pa rin ito despite ng ginawa nito sa kanya.

Habang papunta rin siya rito, pinag-isipan niya 'yung sinabi ni James. Malapit na siyang matapos sa Art Program niya at sa susunod na taon, magsisimula na siyang pumasok sa college sa degree na pinangarap niya simula nung bata pa siya. Pero, nag-iiba ang lahat bawat oras. May biglang dadating na mas papangarapin mo. Na sa kagustuhan mong abutin 'to, tatalikuran mo ang halos buong buhay mo ng pangarap.

Kinuha niya ang calling card ng proffesor na nag-alok sa kanya ng scholarship sa isang Medical School. Kahit alam niya dati na hindi niya kukunin ang scholarship, tinago niya pa rin ang calling card. At ni minsan, hindi niya inakala na sa isang kurap lang, gagamitin niya pala talaga ito para abutin ang pangarap niya.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon