Chapter 31

446 9 1
                                    

Nagising si Clinton na wala si Autumn sa tabi niya. Tumayo siya at naghanap ng masusuot. Hindi niya makita ang sinuot niyang polo kahapon kaya kumuha na lang siya ng bagong t-shirt. Habang pababa siya ay may naririnig siyang parang nagpi-prito mula sa kusina. Pinuntahan niya ito at napangiti siya nung nakita niya ang figure ng isang babae. Suot nito ang polo niya na halos hanggang tuhod lang nito. Nilapitan niya ito at niyakap agad mula sa likod.

"Good morning." Bati ni Clinton.

"Good morning." Nakangiting bati rin ni Autumm habang nagluluto. "Kakagising mo lang?" Tumango ito.

"Ano'ng niluluto mo?"

"Bacon. Diba paborito mo 'to?"

"Naalala mo pa pala?" Amaze na tanong ni Clinton.

"Yes. Pati na 'yung tunog ng mga bacon na kinakain mo. Gustong-gusto nga kitang makita nun kung pa'no mo kainin ang mga bacon eh. At ngayon... makikita ko na."

"Ay ganun. Sige, tatabunan ko na lang ang bibig ko kapag kakain." Birong pang-iinis ni Clinton.

"Sige na. Umupo ka na dun at tatapusin ko lang 'to." Natatawang tugon naman ni Autumn.

"Dito lang ako. Papanoorin kitang magluto." Sagot ni Clinton sabay baon ng mukha niya sa leeg nito.

"Okay. Pero 'wag ka munang magsalita habang nakabaon 'yang mukha mo sa leeg ko."

"Okay." Agad namang napalayo si Autumn kay Clinton dahil sa kiliti. "Oh, sorry. Promise 'di ko na uulitin." Tuloy-tuloy niyang sabi sabay hila ulit kay Autumn at balik sa dati nitong posisyon. Natawa na lang si Autumn sa inasta ng kasintahan.

"By the way," Sabi ni Clinton habang kumakain sila ng breakfast ni Autumn. "Pwedeng ganyan lang ang lagi mong suutin?" May panunuksong tono niyang tanong. Tiningnan naman siya ni Autumn ng masama, na tinawanan niya lang.

"Okay, kung hindi 'yan, sabay na lang tayong maligo."

"Pag-iisipan ko." Parang walang paki-alam na sagot ni Autumn. Pero ang totoo talaga ay gusto niya rin. Tinutukso niya lang talaga si Clinton.

"Eh sige na." Sabi ni Clinton habang kinikiliti ang paa ni Autumn gamit rin ang paa niya sa ilalim ng table.

"Tapusin mo muna 'yan, tapos maliligo na tayo."

Agad namang binilisan ni Clinton ang kain niya habang si Autumn ay natawa na lang. Pagkatapos niyang kumain, agad niyang nilagay ang plato niya sa hugasan at excited na tiningnan si Autumn. Ngunit hindi pa pala ito tapos kumain. Tiningnan niya naman ito ng sad face.

"Oo na. Bibilisan ko na po." Natatawang sabi ni Autumn.

Pagkatapos na pagkatapos niyang kumain, agad siyang hinila ni Clinton. Ni hindi niya nga naligpit ang pinagkainan niya. Hinalikan siya ni Clinton ng mariin sa labi, nalalasahan niya pa nga ang kapeng ininom nito.

Pagkatapos nilang maligo, nagbihis na sila. Sinuot ulit ni Autumn ang damit niya kahapon at magbibihis na lang daw siya pagdating sa bahay nila. Si Clinton naman, naghanda na rin dahil didiretso na siya sa hospital pagkatapos niyang ihatid si Autumn sa bahay nito.

Pagkarating nila sa bahay ni Autumn, iniwanan muna niya ng halik sa labi si Clinton bago siya tuluyang pumasok sa bahay. May naririnig siyang nagluluto sa kusina pagpasok niya. Akala niya si Sophie 'yun kaya napanatag ang loob niya na wala munang magku-question and answer portion agad sa kanya, ng biglang may tumawag sa kanya mula sa salas.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon