Chapter 11

545 14 0
                                    

Apat na minuto rin ang inabot ng pagtugtog ni Autumn. Habang nagpi-piano siya, pinapakinggan at pinapanood siya ng lahat. Lalong-lalo na ang number one fan niyang si Clinton.

Hindi maalis ni Clinton ang tingin niya kay Autumn. Pakiramdam niya, silang dalawa lang ang nag-eexist sa mundong 'to. Para siyang nanonood ng isang anghel mula sa langit na nagpi-piano lang para sa kanya. Napaka-gandang tingnan, kasing-ganda ng pinag-mulan ng pangalan niya. Kung ganito din man lang ang lagi niyang makikita habang-buhay, wala siyang segundong palalagpasin at hinding-hindi siya magsasawa.

Napahawak rin siya sa kinalalagyan ng puso niya. Kasing-bilis ang tibok nito ang bilis ni Autumn sa pagpindot ng mga piano keys. At alam na alam niya kung bakit. Dahil katulad rin ng mga piano keys, si Autumn lang din ang nagpapatibok nito ng napaka-bilis.

Nung natapos ng magpatugtog si Autumn, natahimik muna ang lahat. Dahil sa mangha at pagkagulat. Si Clinton ang unang naka-pansin na tapos na si Autumn. Kaya siya rin ang unang tumayo at pumalakpak para rito. Sumunod ang mga ibang tao, at hanggang sa ang tangi mo na lang maririnig sa buong paligid ay ang ingay ng palakpak at may iba pa nga, mga hikbi mula sa pag-iyak. Halos matunaw ang puso ni Autumn sa naririnig niya mula sa paligid.

Tumakbo si Clinton papalapit kay Autumn para tulungan itong makababa sa stage.

"Clinton Gabriel, totoo ba 'tong naririnig ko?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Autumn nung nakalapit na si Clinton sa kanya.

"Oo, totoo 'to, Autumn. Sobrang galing mo." At sa hindi inaasahan ni Clinton, bigla siyang niyakap ng napaka-higpit ni Autumn.

"Thank you, Clinton Gabriel. Lagi mo na lang akong pinapasaya. Sobrang grateful ko na nakilala kita." At sa pagkakataong ito, si Clinton naman ang halos mangiyak-ngiyak at matunaw ang puso dahil sa sobrang saya. 'Yun naman talaga ang gusto kong gawin para sa'yo, Autumn. Ang mapasaya ka.

"Hinding-hindi ako magsasawang pasayahin ka lagi, Autumn." Sabay yakap niya rin rito ng napaka-higpit.

Last part na ngayon ng debut, at 'yun ay ang magparty-party. Halos mga kabataan na lang ang natitira ngayon sa main venue dahil 'yung mga matatanda, umuwi na o 'di kaya'y pumasok sa mansion kagaya ng mga magulang ni Clinton. Pero kahit ganun, hindi nanatili dun sila Clinton at Autumn. Pumunta sila sa stone bridge at dun na nanatili. Gusto sanang dalhin ni Clinton si Autumn sa plantation pero gabi na at baka kung mapano pa sila dun.

""Clint" pala ang tawag sa'yo ng pamilya mo?" Tanong ni Autumn.

"Oo. Ikaw lang naman ang tumatawag sa 'kin ng "Clinton Gabriel" eh."

"Alam mo, nakakatuwa kayo ng pamilya mo. Biruan lang kayo ng biruan tyaka parang nagkakasundo kayo sa lahat ng bagay."

"Lahat naman talaga ng pamilya dapat ganyan diba. Bakit, kayo ba hindi?" Para kay Clinton, hindi naman siguro. Kasi wala naman siyang nakitang problema sa pamilya nito nung pumunta siya sa kanila, maliban nga lang siguro sa daddy niya na mukhang "ma-pride". At tyaka, ang katulad ni Autumn ay dapat isang produkto mula sa isang masayang pamilya.

"Ni minsan, 'di ko naramdamang magkasundo kami." Malungkot na sabi ni Autumn. "Laging wala si daddy dahil sa business. Nun ngang pumunta ka, kailangan ko pa siyang pilitin na 'wag muna umalis kahit 'yung araw lang na 'yun. Si mommy lang ang laging nasa bahay. Kaya siya at ang mga maids lang ang nakakasama ko lagi. Kapag nako-kompleto naman kami, parang hindi pa rin. Hindi nagpapansinan si mom at dad, parang 'di sila nag-eexist at all."

"Pero mahal ka naman nila pareho."

"Oo naman, wala namang magulang na hindi nagmamahal sa anak nila. Pero, hindi lang naman sa anak naka-focus ang isang pamilya diba. Tyaka, si daddy, wala siyang ibang iniisip kundi ang sarili niya. Dapat laging gusto niya ang masusunod. 'Yan ngang pagpi-piano ko, ayaw na ayaw niya."

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon